After naming kumain ni daddy ay nag-paalam na ako sakanya. Binaunan niya ako ng mahigpit na yakap at dahil don ay gumaan kahit konti ang loob ko. Alam kong masakit, pero hindi namin hahayaan ni daddy na masira ang pamilya namin, sabi nga niya kanina, hangga't walang nangyayaring divorce ilalaban niya ang marriage nila ni mommy, kaya laban lang. Walang susuko.

Makalipas ang ilang minuto ay nakadating na ako sa school, pumasok na ako agad sa room namin at nakasalubong ko si Misis Castro, nakikita kong nahihirapan ito sa mga dala niyang libro kaya  tinulungan ko siya. Remeber: walang Marcos na mapagtanim ng galit!

"Good morning Miss Castro! Tulungan ko na po kayo" sabi ko sabay ngiti sakanya. Binigay niya sa akin lahat ng librong buhat buhat niya. Grabe sabi ko tulungan ko siya, bakit naman pinabuhat sa akin lahat? Hay, bahala na nga, ako nag alok eh.

Nang makarating na kami sa room at ito ay nasa ika limang palapag ng building, imaginin niyo nalang kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko.

Nilagay ko na sa mesa ang mga books and guess what wala manlang thank you ang bruha. Anyways hayaan ko na, God knows naman.

We started our class na, 2 hours ang subject namin ngayon kay Misis Castro and for me? Kahit na masungit siya sa akin, her subject will always be my favorite.

2 hours had passed and tapos na ang subject niya. I was about to eat my recess when she call me.

"Ms. Araneta!" she said. kaya binaba ko muna yung miryenda ko at lunapit sakanya. "Po?" tanong ko. "Kuhanin mo yang mga libro, ihatid mo ako sa office" she said. " okay po" sabi ko nalang. Aangal pa ba ako? after 15 minutes ay nakadating na kami sa office.

"Naibaba ko na po sa table niyo, sige po!" sabi ko pero pinigilan niya ako. "Thank you Miss Araneta. Siya nga pala, sorry naubos ko yung time mo sa recess, here" she said at inabot sa akin ang isang sandwich at juice. "Bakit po ito?" tanong ko at nagdadalawang isip kung kukunin ko ba o hindi, baka mangkukulam siya eh, char.

" Itapon mo....malamang kakainin mo!"sabi nito. Ang bilis naman niyang mairita, nagtatanong lang eh.

"Ay salamat po, pero bakit po? Para saan?"tanong ko. She rolled her eyes. "Kasi pag bumalik ka sa room mo mauubos yung time mo, kaya dito mo na kainin yan" she said at umupo na sa table niya. Kaya umupo na ako sa harap niya. and ang awkward dito.

Habang kinakain ko yung food ko ay may nakita akong picture and I think it's her family, kaya bilang may pagka chismosa din ako I asked her. "Is that your daughter po?" she looked at me and at the frame. Tinaob niya ang picture at tumutok ulit sa laptop niya.

"Ang ganda po niya, nasan na po siya ngayon?" tanong ko. Sinara niya ang laptop niya na medyo malakas kaya muntik na ako mabulunan. "Nasa daddy niya"sagot nito.

"Nasan po ba yung asawa mo?"tanong ko ulit. ang chismosa noh?

"Sa america. We're divorce" she said. Ang that makes me sad, kaya siguro kasungit niya. Naalala ko tuloy sila mom and dad

"Ano pong pakiramdam bilang nanay po and asawa?" tanong ko, curious lang.

"Masakit, kasi niloko na nga ako ng asawa ko, hindi pa ako yung pinili ng anak ko, kaya mag-isa ako ngayon. Okay ka na?" she said and I saw her eyes, nangingilid na ang mga luha niya. Parang kila mommy and daddy lang din.

"Kaya pala ang sungit mo" I whispered. "What did you say?"she asked. "w-wala po, sabi ko po aalis na po ako....uhmmm masarap po yung sandwich niyo! Salamat po!"sabi ko at umalis na.

MISIS CASTRO'S POV

When Victoria started to ask me those questions it makes me so emotional, dahil pag naiisip ko yung pamilya ko naiiyak ako. Ka-edad lang ni Victoria yung anak ko, and ka ugali din ni Victoria si Chloe, she's my daughter. Kapag nakikita ko si Victoria ay naalala ko si Chloe, hindi naman talaga ako galit kay Victoria dahil isa siyang Marcos, nagiguilty lang ako kasi pag nakikita ko siya parang nakikita ko yung anak ko.

Marami akong pagkukulang kay Chloe, at dahil doon napalayo ang loob niya sa akin at mas naging close siya sa daddy niya. Kaya nung naghiwalay kami sa daddy niya siya sumama at nagpunta sila sa america. Tuwing magbabakasyon si Chloe dito sa pilipinas hindi ko din siya napagtutuunan ng oras, kaya tumigil siya sa pagbisita dito. Last time na dinalaw niya ako is when she was 13 years old, after nun wala na. And Alam ko na galit siya sa akin.

Tuwing nakikita ko si Victoria naalala ko ang anak ko, yung anak ko na matagal kong hindi nakita.

VICTORIA'S POV

After kong umalis ay nagpunta na ako sa susunod na klase ko, hindi ko akalain na divorce pala siya, akala ko walang asawa. Mukha siyang matanda pero parang kaedad lang pala ni mommy, siguro kaya siya nagmukhang matanda kasi sa labis na kalungkutan, now I know.

After ng klase ko ay umuwi na ako agad, since halfday lang dadalaw ako kay Mama Meldy. Sa San juan kaya nagpaalam muna ako kay daddy at pumayag naman siya, nagpaalam din ako na doon ako matutulog since wala naman kaming pasok tomorrow tsaka kaya din pumayag si daddy kasi mag-oovertime daw siya sa trabaho, eh wala akong kasama sa bahay.

After 20 minutes nakadating na ako. Si Mama Meldy lang ang naabutan ko sa bahay, si mommy may lakad daw, si Tita Imee nasa senate, si Tita Aimee may lakad din, si Tito Bong, may date daw sila ni Tita Liza, when din kaya ulit sila mom and dad? Last date nila noong February, noong meron pa si ate, yun na pala yung last date nila. Hayst.

Pumasok na ako sa loob at binati si Mama Meldy na nasa kusina. "Hi Mama!" bati ko sabay halik sa pisngi niya. Ang bangi lagi ni Mama Meldy.

"Hello, little Irene!" she said. Oo siya lang yung tumatawag sa akin ng little Irene. "Anong oras po dsdating si mommy?" tanong ko. Gusto ko din kasi siya makausap eh

" May lakad baka gabihin yon" she said. "Kumain ka na ba? Nagluto ako diyan"  she asked. "Ayoko pong kumain, eh mukhang tapos ka na po kumain eh, wala akong kasabay" tugon ko.

"Edi sasabayan kita, konti lang naman kinain ko kanina eh" she said. Pareho talaga sila ni daddy. Lagi kasi akong sinasabayan ni daddy at hinihintay pag alam niyang mag isa ko lang na kakain tapos sasabayan niya ako.

So nagsabay kami ni Lola na kumain at ang ulam ay sinigang, pakbet, kare-kare at ang walang kamatayang letchon na favorite na favorite niya. Pag nandito lang si lolo Macoy lagot ka sakanya lola hahah.

"Kumusta ang school?"tanong niya sa akin. "okay lang naman po" sagot ko kahit hindi talaga okay.

"Lola? Pag mahal mo po yung isang tao diba po ipaglalaban mo at hindi mo hahayaang mawala siya sa'yo?" tanong ko at napatigil kaming dalawa sa pag-kain.

"Oo, kung mahal mo gagawin mo lahat kahit na nasasaktan ka na.....let me guess tungkol ba ito sa parents mo?" she asked. I smiled weakly and nodded. Lumapit sa akin si lola para bigyan ako ng isang mahigpit na yakap na nakapag paiyak nanaman sa akin.

"Let them be muna, malalaki na yang mga yan. Marerealize din nila na sa huli mahal pa din nila yung isa't isa. Alam mo ba na muntik na din kami dati mag hiwalay ng lolo mo, but we chose to save our marriage at nailigtas naman namin yun, nagkaroon pa nga ng bunga eh" she said."Sino po?"I asked.

She smiled at bumalik sa upuan niya, ako naman ay nakasunod ang tingin sakanya. "It's Irene, your mommy" she said. "My mom?" I asked and she nodded.

"Baka kung tuluyan kaming naghiwalay noon ng lolo mo, wala ang mommy mo, at wala ka din" she said.

"So...baka po nagkabalikan sila mommy and daddy magkaroon ako ulit ng bagong kapatid?" Tanong ko, oo alam ko apara akong abat, pero kasi nga yan yung wish ko sakanilang dalawa, si mommy lang ang may ayaw.

"Pwede, pero minsan may mga bagay na hindi natin pwedeng pilitin lalo na kung nakakasakit na" she said. Minsan nag iinspire si lola pero minsan nang dodown den, lola naman eh.

"Pero pano kung part po talaga na kailangan mo talagang masaktan, para mas mapatatag pa po yung relasyon niyo?" tanong ko, talaga naman eh, part talaga yon.

"Oo, pero kasi hindi na healthy yung masyado kang nasasaktan. Nakita mo kung paano nagmahalan ang parents mo, but you didn't saw their relationship before" she said. I got more curious, ano ba talaga ang nangyari bago naging sila mommy at daddy. Ano ba yung trato nila sa isa't isa before?

to be continued.......


LonelyWhere stories live. Discover now