"Paano kung may kumuha?"

Nagulat ako sa sobrang lapit ng mukha namin dalawa. Bumaba ang tingin ko sa dibdib nya, habang ang kamay ko nakasabit sa leeg nya.

"Walang kukuha doon, malapit na rin naman tayo," ani nya.

Tumango na lang ako, kahit ngayon lang magtiwala naman ako sa kanya pero kapag may kumuha ng gamit ko lagot talaga ang lalaking ito sa 'kin.

"Nadumihan ka na." Napansin kong kumalat na rin ang putik sa puti nyang damit.

Hindi sya nagsalita.

Mukhang galit na rin sya dahil sa 'kin. Wala naman akong ginawang tama sa buong buhay ko.

Mabigat talaga ako kaya hindi na magugulat kung sasabihin nyang mabigat ako.

Pero wala akong narinig na reklamo kahit kanina pa nya ako buhat na buhat.

May mga bahay na kaming nadadaanan. Ang cute ng mga bahay nila, 'yong iba kubo lang pero may mga malalaking bahay naman.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa itsura namin ngayon ni Venezio.

Tumigil si Venezio sa isang bahay. Kumatok sya.

"Ibaba mo ako," sabi ko pero hindi sya nakinig.

Bumukas ang pintuan kaya liningon namin ang batang babaeng nagbukas ng pintuan.

"Kuya!" masayang sabi ng bata pero napatigil sya ng makita ako.

Sumunod sa kanya ang katandaan ng babae.

"Hijo, pumasok na kayo." Niluwagan ng matanda ang pintuan. Hiyang hiya ako dahil ganito ang una nilang nakita sa 'kin.

"Anong nangyari sa inyo, Hijo? bakit may mga putik ang damit nyo?" tanong ng matanda.

Hindi nya pinansin ang tanong ng matanda.

Binaba ako ni Venezio sa kahoy na upuan at tiningnan ulit ang paa ko.

"Umulan po ba kahapon, Lola?" tanong ni Venezio.

"Oo, ang lakas ng ulan kaya sobrang putik sa daan," sabi nya at kumuha ng maiinom na tubig, inabot nya iyon sa 'kin

"Salamat po!" ngumiti ang matanda sa sagot ko.

Tumayo si Venezio at tumingin sa matanda.

"Kayo na po ang bahala sa kanya, babalikan ko lang ang mga gamit namin," ani ni Venezio.

Tumango ang matanda.

Lumabas si Venezio kahit hindi pa nagpapalit ng damit.

"Anong nangyari sa inyo, Hija?" tanong ng matanda at lumapit sa 'kin

"Nahulog po ako sa putik, Lola," sabi ko. Nakakahiyang sabihin na tanga lang talaga ako.

"Maligo ka na para makapagpalit ka ng damit mo."

Tatayo na sana ako ng biglang sumakit ang ankle ko kaya bumagsak ulit ako. Agad na dinamayan ako ng matanda.

Tiningnan nya ang ankle ko.

"Masyadong mapula ang ankle mo, Hija. Hintayin na muna natin si Venezio para buhatin ka papuntang batis."

"Batis po?" tanong ko.

"Oo, hija, sa batis lang kami naliligo hija wala kasing sariling Bathroom dito sa probinsya."

"Okay lang po iyon," sabi ko.

I know the words batis pero mukhang nakakatakot maligo doon. Paano kung may ahas na biglang lumapit sa 'kin at tuklain ako sa ilalim ng tubig.

Blare, hindi ka pwedeng mag isip ng ganyan. Nagpaalam na munang umalis i Lola para maghanda ng pagkain, bibili daw muna ito ng ingredients sa palengki. Naiwan kaming dalawa ng bata.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Where stories live. Discover now