03: Sampaguita

48 7 55
                                    

This is my official entry to Wattpad AmbassadorsPH "Write-A-Thon Challenge" for the month of December with the theme: Christmas without Merry

Word Count: 990

˚₊· ͟͟͞͞➳❥

Para sa inyo, ano ba ang tunay na diwa ng pasko?

Katulad dito sa Pilipinas, naging tradisyon sa'tin na pinaghahandaan ang Noche Buena tuwing pasko.

Isa din kami sa mga pamilyang may ganitong tradisyon tuwing pasko.

Naalala ko na hindi kami sumasablay sa pagsisimba at pagdalo sa misa de gallo bilang papasalamat at pag-alala sa Kanya. Naghahanda kami ng mga masasarap na pagkain.

Laging nakalatag ang aming mga paborito sa hapag kainan. Mga regalong nakalagay sa ilalim ng christmas tree, kantahan sa videoke hanggang sa sabay sabay namin sasalubungin ang mismong araw ng pasko.

Simple at masaya. Sapat na ito sa'min, ang importante sama-sama kaming pamilya.

Parati bilin ni nanay at tatay na sa'min magkakapatid na "Alagaan nyo ang isa't isa. Dapat lagi kayo makasangga sa bawat lakbay na tatahakin nyo. Hindi habang buhay ay nandito kami para gabayan kayo." anila.

Sa tuwing pinaalala nila ang bilin nila ay nagagalit kaming magkakapatid dahil parang naghahabilin sila, palusot pa nila na naghahanda lang sila. Dahil hindi daw natin alam kung anong mangyayari sa kinabukasan.

Sana ganon lang kadali para malaman ang kinabukasan natin.

Sadyang may mga pangyayari sa buhay na magpapabago ng takbo ng ating buhay.

Nagbago ang buhay naming magkakapatid nung biglang nawala sila nanay at tatay. Namatay sila ng dahil sa aksidente galing sa trabaho.

Labis ang pighati naming magkakapatid. Masyadong masakit ang lahat, sana panaginip lang itong lahat pero hindi.

Sa nakalipas na taon, maraming nagbago.

Ang bahay namin ay tila walang buhay.

Nawala ang mga ibang gamit dahil kailangan namin maibenta para pandagdag sa ipon. Nagtira lang kami ng ibang importante gamit na alaala kay nanay at tatay.

Tumigil ako sa pag aaral sa kolehiyo para magtrabaho ng matustusan ang pag aaral ng aking mga kapatid.

Natuto magbanat ng buto para may ilapag sa hapagkainan namin.

Raketera sa umaga, at sa gabi naman ay inaasikaso ko ang mga kapatid ko.

Nasanay kami sa aming routine. Labis din akong nagpapasalamat na masunurin ang kambal at naiintindihan nila ang sitwasyon namin kahit pa sa murang edad.

Dahil nalalapit na ang araw ng pasko. Bilang pambawi, naisip ko isabuhay ang tradisyon namin. Kahit sa ganon paraan man lang ay napangiti ko ang kambal. Ipadama ulit sa kanila na ang kasiyahan dati.

Pinag ipunan ko lahat ng mga kailangan.

Ngunit... may nangyari na hindi inaasahan.

Pagkauwi ko galing sa trabaho, nagulat ako na dali-daling sinalubong ako ni CJ na isa sa kambal. "Ate Myra! Si Bry, ang taas po ng lagnat niya at hinang-hina po siya." nung narinig ko iyon ay parang nanlamig ang aking katawan. Sa loob-loob ko ay nagpa-panic na ako pero kailangan ko maging kalmado para makapag isip ako ng maayos.

Sa sobrang pag aalala, tinakbo namin si Bry sa ospital. Doon namin nalaman na may Dengue siya at kailangan i-confine. Halos maiyak-iyak na ako dahil malaki ang gastusin kapag nagpa-ospital.

Kailangan din daw palakasin ang resistensya ni Bry para malabanan nya ang Dengue, kaya bumili ako nga mga pagkain at mga gamot na kailangan.

Unting unti nau-ubos na ang budget namin. Wala akong magawa kundi kunin ang naitatabi pang pera kahit din ang naipon ko para sa pasko.

Hindi ko na kakayanin pa kung may isa pang mawawala sa pamilya.

Araw-araw akong nagdadasal sa Kanya na gabayan at bigyan nya ng lakas ang kapatid ko. Bigyan din kami ng lakas para lagpasan ang pagsubok nito.

Ilang araw nakalipas, may natanggap kaming magandang balita. Ayon sa doktor ay bumabalik na ang sigla ni Bry. Pwede na kami umuwi bukas.

Labis akong natuwa at nagpapasalamat sa Kanya.

...

Kinabukasan ay nakauwi na kami sa bahay namin. Nakatulog agad si Bry dahil at kailangan pa nya magpahinga.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit namin, nagpaalam ako kay CJ na may pupuntahan muna ako saglit.

Umalis muna ako ng bahay dahil kailangan ko muna huminga. Pakiramdam ko na isang pitik nalang ay bibitaw na ako. Isang lugar lang ang naiisip ko puntahan.

Sa simbahan.

Kung saan doon kami nagsisimba 'nong pahanong kompleto pa kami.

Pumasok ako sa loob, umupo at dahan dahan lumuhod. Pinikit ang aking mga mata at kinausap Siya. Doon ko binuhos lahat ang mga saloobin ko mula noon. Hindi ko napigilan tumulo ang luha ko dahil sa matagal na panahon ay ngayon ko lang nailabas ang mga hinanakit ko at mga tanong.

Ano po ba dapat gawin ko? Makakaya ko pa ba lagpasan ang kinabukasan? Tulungan nyo ako na bigyan pa ng lakas na loob.

Napatigil lang ang aking pagdadasal na may kumalabit sa'kin "Ate, bili na po kayo ng sampaguita, oh" aniya ng isang batang babae na sa tingin ko ay kasing edad lang ng kambal.

"Pasensya ka na, wala akong maibibigay sa i'yo eh. Kahit gusto ko, walang walang ako eh. Kakalabas lang kasi ng kapatid ko galing sa ospital." paliwanag ko sa bata.

"Ahhh ganon po ba. Ano pong nangyare sa kanya?" tanong nya sa'kin.

Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyare. Hindi namin namalayan na napahaba ang aming kuwentuhan at kailangan ko na umuwi.

Bago ako umalis, kinalabit nya ako at inilagay nya sa aking kamay ang isang tali ng sampaguita. Regalo nya ito sa'kin para daw matuwa ako kahit papapano.

Nagpasalamat at nagpaalam na kami sa isa't isa, umuwi ako may ngiti sa labi. Pakiramdam ko gumaan ang loob ko. Nagbigyan ulit ako ng lakas ng loob. Muli ako nagpasalamat sa Kanya at aking magulang.

Handa na ako ulit lumaban. Para sa kambal at sa kinabukasan namin.

Kagaya ng Sampaguita na sinisimbolo nito ay kabutihan at pag-asa.

Ipinaalala sa'kin kung ano nga ba ang diwa ng pasko.

Narealize ko na may pagkakataong minsan wala tayo at minsan meron.

Ang regalo ay hindi kailangan maging mamahalin at materyal na bagay, ang mahalaga ay galing ito sa puso. Maliit o malaki man 'to.

Maging masaya sa kung anong meron tayo ngayon at magpasalamat sa mga biyaya. Makuntento at pahalagahan 'to.

Lahat ng paghihirap ay magbubunga din balang araw.

Magtiwala at maniwala.. Sa Kanya at sa sarili mo.

Kapit lang.

WAKAS

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CuentosWhere stories live. Discover now