"Breaking news, Tumataas pa rin ang bilang ng mga kabataang nagkakaroon ng HIV sa bansa. Ayon sa pinakahuling datos mula sa Department of Health, tatlo sa bawat limang kaso ay mula sa mga edad 15 hanggang 24."
"Isa itong seryosong isyu," ayon kay Dr. Enrique Ramos ng DOH. "Kailangan natin ng mas malawak na edukasyon at mabilis na intervention. Nakakaalarma ang bilis ng pagkalat."
Sunod na pumasok sa balita ang footage ng mga naglalakad na kabataan sa lansangan, may mga hawak na pamphlet, may nakapaskil na posters sa mga waiting shed, may mga LED billboard na kumikislap.
"Habang patuloy ang pagtaas ng kaso, isang religious organization ang lumalakas ang presensya, ang Luminos Fidelis. Ayon sa kanilang kinatawan, hindi lang gamot ang kailangan kundi pagbabago sa pamumuhay at paniniwala."
"We offer hope," sabi ni Brother Darius, isa sa mga lider ng grupo. "We offer the light. Kung pagod ka na, nandito kami."
Sunod na ipinakita ang isang testimonial video ng isang kabataang lalaki.
"Dati, nilamon ako ng kalituhan. Pero ngayon, malaya na ako. Salamat sa Luminos Fidelis. Libre ang kanilang purification serum. Wala kang babayaran. Ang kailangan mo lang... ay tapang na humakbang."
Muling bumalik sa anchor.
"Naging popular din ang libre nilang serum na tinatawag na 'Purity Serum,' na ayon sa grupo ay makakatulong upang makontrol ang 'hilig' at makabalik sa 'tamang daan.' Ipinamimigay ito sa mga paaralan, simbahan, at pampublikong lugar. Marami na raw ang sumubok at nagpatunay ng pagbabago sa kanilang buhay."
"Gayunman, pinuna ng ilang sektor ang mga pamamaraang ito at tinawag itong mapanlinlang at mapanupil. May mga nagsasabing pinapalala lang nito ang diskriminasyon laban sa LGBTQ community."
"The question remains, sa harap ng pagod, takot, at kawalan ng suporta,gaano kadali para sa kabataang piliing subukan ang alok ng liwanag?"
Background music fades.
Sa labas ng TV screen, pinatay ni Elian ang telebisyon. Tahimik. Wala siyang ibang kasama sa bahay. Sa kanyang bulsa, ramdam niya ang maliit na vial ng serum , isang libreng sample na ipinamigay kanina sa campus, kasabay ng isang pamphlet na may linyang, "Kung pagod ka na, nandito kami."
Hindi niya alam kung bakit hindi niya ito maipagtapon.
Hindi niya rin alam kung bakit parang nagsisimula nang mabuo ang tanong sa kanyang isipan.
"Kung pagod na ako, susubukan ko rin ba?"
ESTÁS LEYENDO
The Infected
FantasíaPaalala: Ang mga pangyayari,pangalan, lugar o anumang pagkakahawig ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Ang kwentong ito ay bunga lamang ng malikot na pag-iisip ng manunulat. Ang kwentong ito ay hindi perpekto, ibig sabihin ay may makikita kayong...
