Alexandria Coreen, a 5 ft high with skinny built, thick eye glasses, long tied hair, and braces that best describe me as a campus Nerd.
I dont know what is wrong of having this personality. This is me. This is my comfort zone. But everyone thought that this look is unacceptable. Everyone wanted to bully me.
'Mute'
'Deaf'
'Insane'
Geez! I'm not a psycho.
My first day as a freshmen student...
Masaya ako dahil wala na ako sa dati 'kong school. Sa eskwelahan na ginawang impyerno ang elementary life ko. Feeling ko mas malaya pa ako sa mga ibon na lumilipad sa himpapawid. Tila ba nakawala ako isang koral at malayang binabagtas ang aking kalayaan.
Tumingin akong sa kalangitan at saka saglitang pumikit. 'Lord, sana po wala nang bullies.. Promise po mag-aaral po akong mabuti mawala lang sila.. Thank you po Lord. Ingat po kayo jan'
Didilat na sana ako ng may biglang nagsalita. "Sister wala po kayo sa kumbeto"
'Lord naman bakit ganito kabaligtaran po agad yung naging sagot'
Hindi ko na sinagot yung nagsalita at dali-dali akong naglakad.
"Miss nakakabastos ka naman.. Kinakausap ka namin eh" hinwakan nya ako sa braso. Mas diniinan nya yun nung hindi ako humaharap sa kanya. Hinihigit ko yung braso ko pero ayaw nya akong bitawan.
-RRRIIIIIIIIIINNNNNGGG-
Ito ata yung madalas sinasabi ng karamihan na 'save by the bell'. Mabilis nya akong binitiwan at nagtatakbo.
"Di pa tayo tapos" sabi nya ng may galit sa mga mata.
Wala akong ginagawa para magalit sya ng ganon. Hindi ko na lang pinansin at naglakad ako para hanapin yung classroom ko. Masyadong malaki yung school na pinasukan ko. Inenroll ako ni Lola sa regular school kahit na alam nyang iba ako sa kanila.
Kumatok ako sa pinto ng classroom nung makita kong may teacher na sa platform.
"Your late. Do you got trouble finding our room" tumango ako bilang sagot. At nasa pinto pa rin ako. " Go ahead and find a vacant seat" nakayuko pa rin ako."By the way what is your name?" nakayuko ako at hindi pa rin sumasagot.
"Oh! You are Miss Perez. Your grandmother told me about your condition. Just find a vacant seat okay"
Dali-dali akong naghanap ng bakanteng upuan sa pinakalikod na bahagi ng classroom. Buti na lang at meron.
Buti na lang mabait yung teacher namin at naintindihan ako. Pero yung iba kong subject teacher ay hindi tinanggap ang reason ko. The next time na hindi ako magreport in class ay palagi raw 65 ang grade na ibibigay sakin.
Dismissal na ngayon. At nakikipagbuno ako sa mga kaklase ko na ayaw ako palabasin ng classroom. "Sister, sa kumbento ka na ba didiretso? Baka naman pwedeng magsermon ka muna samin?"
sabi nung isang babae na mukhang hindi talaga papatalo.
"Ano ka ba Roxanne, pipi yan"
"Magsalita ka na dali"
"Diba dapat sa SPED ka nag-enrol?"
"Roxanne stop it" pigil sa kanila ng isang lalaki.
"What? Wag mo sabihing isang pipi na ang gusto mo ngayon?" Isinandal nung lalaki si Roxanne sa pader na akmang hahalikan. Napahinto si Roxanne na tila ba natulala. Yung lalaki naman ay tumingin sakin at sinenyasan akong lumabas. Sa pagkakataong iyon ay mabilis akong tumakbo palabas ng gate ng school at hinintay ang sundo ko. Hindi ako pwedeng magjeep dahil hindi ko masabi kapag bababa na ako.
