Tinawanan lamang namin ito at saka umiling

Nagsimula na din silang mag inuman, samantalang ako ay juice lamang at taga kain lamang ng pulutan.

Hanggang sa mapansin ito ni Trainy.

"Hoy madaya si Scientiana di umiinom ohhh" sigaw niya

"Oo nga, di pwedeng taga kain ka lang ng pulutan walang ganyanan" gatong pa ni Kaila.

"Iinom na yan, iinom na yan"
Kantyaw pa nila.

"Oo nga naman, minsan lang to eh, parang others naman to" pangongonsensya pa nila sa akin.

Binigyan naman nila agad ako ng tatlong shot ng Vodka at dalawang shot ng Tequila.

Sunod sunod ko itong ininom, naramdaman ko ang init sa aking palagid, nahihilo na ako, di naman kasi ako sanay na uminom.

Sila naman ay nagsasayawan na sa dance floor.

May mga alak pa dito sa table namin kaya ininom ko na lang din, minsan lang naman eh...napatawa ako sa aking iniisip.

Tumayo na din ako para pumunta sa dancefloor, nakaramdam pa ako ng pag ikot ng paligid ko kaya huminto na muna ako.
Hinubad ko din ang blazer ko saka dumiretso na din sa dance floor.

"Yuuuhhoooo partyyyy partyyyy" malakas na sigaw ko.

Mas nakadagdag pa ng hilo ko nang paltan ang tugtug at ang ilaw yung pang party party talaga.

Panigurado ay lasing na din itong mga kasama ko, ang wild na eh, kaya nakisama na lang ako.

"Woaahhh gooo Scientiaaannaaaa" pag checheer ng mga ito sa akin.

"Ang galing naman palang humataw ng isang Scietiana Villaverde"

"Pigilan niyo na yan hahahahha iba malasing eh"

Ang iba kong kaklaseng babae ay lumapit na sa akin para pigilan ako.

"Ano ba nag sasayaw pa nga eh" reklamo ko sa mga ito habang nakanguso.

"Ayan pinainom niyo pa kasi"

"Party party na lang tayo, panget niyo naman kabonding" sabi ko sa mga ito at saka kumalas sa pagkakahawak nila sa akin.
Muntik pa akong matumba, buti na lamang at may sumalo sa akin.

"Kung di ka lang namin kilala ay baka inakala talaga namin na lasinggera ka hahaha"

Nagsasalita pa yung iba pero hindi ko na maintindihan.

"Hay nako, bahala nga kayo diyan" tampo kong sabi sa mga ito at saka pasuray suray na bumalik sa table namin.
Nakaalalay lamang sila sa akin.

Ilang minuto pa ang lumipas ay naramdaman kong may tumayo sa unahan ko, di ko na lamang ito pinansin at saka kinuha ang isa pang shot ng tequila.

Bago ko pa man ito mainom ay may umagaw na kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Enough woman" sabi ng isang estranghero, pero familiar siya, mukha at boses niya parang si Zero...pshhhh.

"Umalis ka nga diyan pakialamero" sabay irap dito.

Tumayo naman at pero muntik na akong mabuwal, buti na lamang at nasalo ako nito.

Ang lapit ko sa kanya, naamoy ko ang panlalaki niyang pabango.

Pati ba naman amoy nito ay kaamoy din ni Zero? Baliw na ata ako.

"Oh hi Zero, good thing nandito ka, favor sana kung pwede pakihatid na lang si Scientiana, hindi kasi namin macontact si Raph eh"

"Sure, iuuwi ko na siya, she's wasted" ako naman ay nakahilig lang sa dibdib nito.

Natawa naman ang kausap nitong babae, marahil ay isa sa mga kablock ko.

"Thank you ah"

"No prob, paano mauuna na kami, and congratulations to all of you"

"Salamat, ipaparating ko sa kanila ang pagbati mo, siya nga pala wala ka pala dun kanina no? Halata kasi kay Scien na ikaw ang hinahanap niya, ang lungkot nga niyan kanina eh" napalaki ang mata ko at saka parang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko.
Ito namang katabi ko ay natigilan.

Mukhang hindi ko nga imahinasyon lang na nandidito siya.

Umayos naman ako ng tayo at saka tumikhim.

"Oh Scien, ipapahatid ka na namin kay Zero ha" si Sam pala ang kausap nito.

"H-ha? Kita mo oh okay pa ako no, baka mag grab na lang ako"

"Wag na makulit Scien, ingat kayo ha"

"Sam naman, mamaya pa ako uuwi dito muna ako"

"Hay nako, ni hindi ka na nga makatayo ng maayos eh" Sermon nito sa akin.

"Oo na hmppp, enjoy kayo dito, pasabi na lang na nauna na ako" ngiting paalam ko dito.

"O siya sige mag iingat ka ha" tumango na lamang ako saka nauna ng maglakad.

Nakaramdam naman ako ng lamig, naiwan pala yung blazer ko sa loob.
Hinayaan ko na lamang at saka nag antay ng masasakyan.

"Let's go Scientiana" tiim bagang na sabi ni Zero ng makalapit siya sa tabi ko, at saka may ipinatong na kung ano sa balikat ko.

"Mag gagrab na lang ako" sabi ko dito at diretsong nakatingin lang sa kalsada.

"Ihahatid na kita" napairap na lamang ako sa kawalan dahil sa sinabi niya.

"No, okay lang, baka may pupuntahan ka pang importante at maka istorbo pa ako" nahimigan ko naman ang pait dahil sa sinabi ko.

Hinapit niya naman ang bewang ko kaya napahawak ako sa dibdib nito dahil sa gulat.

Pagtingala ko ay sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"Im sorry Tia" sabi niya sa gitna ng pagtitinginan naming dalawa.

Namumula  naman akong lumayo dito.

"Saan ba sasakyan mo? Tara na" ang nasabi ko na lamang dito.

Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko na ang pagbaliktad ng sikmura ko.
Dali dali naman akong tumakbo sa gilid at saka dun sumuka.

Naramdaman ko naman ang paghagod nito sa likod ko.

Bumalik ata bigla yung tama ko.
Nang matapos kong sumuka ay nakaramdam ako ng hilo at pag ikot ng lugar na kinatatayuan ko at saka nandilim ang paningin ko.

The Old Man's Secretary Where stories live. Discover now