Guni-guni

21 4 2
                                    

"Ate, paano kung totoo yung mga kwentong bayan? Di naman siguro mabubuo yun kung walang naka saksi diba?" curious kong tanong kay ate Luna na busy kakacellphone dito sa tabi ko. Andito kami ngayon sa terrace ng bahay ni Lola kung saan kami nag babakasyon ngayon. Mag iisang linggo na kami dito sa probinsya at dito namin susulitin ang summer vacation namin.

"Naniniwala ka dun? Marie, gawa-gawa lang yun ng mga matatanda para matakot ang mga bata. Tska, di ka naman na bata diba? Oh! Bat ka matatakot dun?" diba nag tanong lang ako pero ang ate, ang dami ng sinabi. Napa-iling na lamang ako sa sinabi nya at agad na nag-tuon ulit sa madilim na tanawin sa labas.

Gabi na kasi at tulog na ang Lola dahil maaga itong natutulog. Dahil sobrang boring, naisipan naming tumambay nalang muna dito sa labas para magpahangin at makasagap ng malakas na signal si ate. Siguro nag tataka kayo kung tungkol saan ang pinag-uusapan namin ni ate. May kwentong bayan kasi dito sa probinsya nila Lola na tungkol sa gintong barko — nangunguha umano eto ng mga dalaga na namamalagi pa din sa labas ng bahay, dis oras ng gabi o kahit nasa bahay na, pero gising pa. Nung nakaraang araw, may narinig akong usap-usapan na may nanawalang dalaga daw dito. Sabi lang ni ate baka nag tanan o ano, pero sabi dun, kinuha daw ng mga enkantong nakasakay sa gintong barko.

"Marie, di ka pa papasok? Inaantok na ako," agad naman akong napabalik sa realidad at napa-lingon kay ate na papatayo na.

"Papasok na din," sabi ko kahit na di pa ako inaantok. Ayaw kong mamalagi dito sa labas ng mag-isa. Baka totoo pa yung sinasabi nila at kunin ako, naku!

Agad naman kaming pumasok ni ate sa loob ng bahay at sinarado ang pinto. Pumasok na kami sa kwarto namin kung saan kami matutulog at kanya-kanya ng higa sa aming kama. Mga ilang minuto ang naka-lipas, gising pa din ang diwa ko, kahit na kanina pa ako nag pipikit. Kaya naman, tinawag ko si ate pero parang tulog na ata dahil di na nagalaw at di na nasagot sa akin. Kaya, naisipan kong pumikit muli pero wala talaga, di parin ako makatulog.

Naisipan kong mag cellphone nalang muna para antokin pero habang naka tutok ako sa cellphone, parang may naririnig akong ingay ng mga taong nag sasaya di kalayoan sa amin. "Gabi na ah, bat may nag paparty pa?" tanong ko sa sarili pero habang papatagal-papalapit din ang ingay na naririnig ko, kaya't dahil sa kuryosidad — tumayo ako sa kama at sumilip sa may bintana. Dun, nakita ko ang isang napaka kinang na sasakyan na di ko mawari kung ano eto at kitang-kita ko ang mga taong nasa loob neto ang nag sasaya.

Naka-titig lamang ako dun, pilit na inaalam kung ano yun ng biglang may kumatok sa main door namin kaya napa-atras ako. "Gabi na ah," bulong ko at dahan-dahang nag lakad papalapit sa kama ko sabay talokbong ng kumot. Ilang minuto din ang naka-lipas, may kumatok na naman sa pinto kaya napapikit ako lalo at mahinang napadasal.

"Marie! Pssst! Marie!" tawag neto sa akin. Kaboses nya si Lola pero sa pag-kakaalam ko, tulog na eto kaya pinabayaan ko nalang. Baka binibiro lang ako ng utak ko dahil kanina, nag ooverthink ako tungkol sa gintong barko.

"Marie! Gising ka pa?" Teka! Boses yun ni Eunice — kaibigan ko dito sa probinsya kaya napakunot ang aking noo. Pero, knowing the fact na gabi na. Kaya imposibleng si Eunice iyon.

----
Kinabukasan, na gising akong ako nalang mag-isa dito sa kwarto kaya't tumayo na ako at nag ayos sa aking sarili saka lumabas ng kwarto.

"La, nagising ka ba kagabi?" tanong ko ng maabotan ko etong nag kakape sa may mesa.

"Hindi apo. Mahimbing naman ang tulog ko kaya't imposible akong magising," sabi neto na ikina-tango ko kaya naman, nagpaalam muna akong lalabas ng bahay para masinagan ng araw. Sakto namang dumaan si Eunice kaya tinatawag ko sya at tinanong ang tungkol sa nangyari kagabi.

"Ha? Wala ako dito kagabi kasi pumunta kami nila mama sa bahay ng pinsan nya at dun natulog. Baka namimiss mo lang ako kaya ganun ang nasaisip mo," biro nya na ikina-iling ko. Sabi ko nalang, wag nalang nyang pansinin ang tinanong ko at nakipag chikahan nalang sa kanya.
----
Mag gagabi na naman kaya't kwenento ko kay ate ang nangyari kagabi. Sabi nya baka guni-guni ko lang yun kaya I challenge her na wag matulog ng maaga at mag hintay kaming lumalim ang gabi. Gaya ng nakagawian — matapos kumain ay nagkipag kwentohan muna kay Lola saglit bago sya pumasok sa kwarto para matulog. Kami naman ni ate, andito ulit sa labas at ng mag alas nuwebe na ng gabi, pumasok na kami sa loob ng kwarto at dun nag hintay kung kailan dadaan ulit yung nakita ko kagabi.

"Matagal pa ba?" tanong nya. Halata sa mukha ni ate na antok na kaya sabi ko mag hintay lang. Pero mag aalas-dyes na — wala pa din eto.

"Mag wait ka lang ate," sabi ko hanggang sa mag alas-onse na at umabot na nga kami ng alas dose.

"Oh? Wala naman eh. Sabi sayo guni-guni mo lang yun. Bahala ka na nga at matutulog na ako," sabi nya kaya napa bunting hininga ako at nahiga nalang sa kama ko.

Guni-guni ko lang ba yung nangyari kagabi? Pinag-lalaroan lang ba ako ng isip ko? O ayaw lang nilang magpakita ulit dahil may kasama ako?

Gaya kagabi, hindi ulit ako nakatulog kaagad dahil tumatakbo pa din sa isip ko kung ano iyong nangyari kagabi ng biglang may kumatok ulit sa pinto — pinto ng kwarto namin. "Marie? Gising ka pa?" tanong neto at kaboses nya ang Lola ko. Hindi ako tumayo agad at hinintay syang kumatok ulit pero di na iyon nasundan pa.

"Marie? Marie? Marie!" sunod-sunod netong tawag na ikinalakas ng pintig ng puso ko.

Guni-guniWhere stories live. Discover now