Chapter 2

39 2 0
                                    

"ADAM, what's wrong?" may bahid ng kaunting iritasyon sa boses na tanong ni Joana. Hindi kasi siya tumutugon sa halik nito.

"Sorry, I can't do this right now." Itinulak ni Adam ang babae mula sa pagkakapatong sa kanya. Dinala siya nito sa kwarto dahil may pag-uusapan daw sila. Iyon pala ay may iba itong gustong gawin.

"Why?" Maaaninag sa mukha nito ang disappointment. Hindi siya nito nilubayan sa kama.

"I'm just not in the mood," sagot niyang nakatitig lang sa kisame. Actually, bumabagabag pa rin sa kanya ang desisyon ng kanyang ina na papuntahin siya sa US. Sa tingin niya ay hindi magiging masaya ang buhay niya doon.

"'Di na natin magagawa 'to kapag nasa US ka na." Dahan-dahang gumapang ang kamay nito patungo sa pagitan ng mga hita niya.

Maraming beses na silang nag-sex, pero kailanman ay hindi nagkaroon ng label ang relasyon nila. Fubu lang sila kumbaga.

"Joana, no." Pinigilan niya ang kamay nito. Dali-dali siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. "I better go back to the pool. Mukhang nagkakasiyahan na sila doon."

Dinig na dinig nila ang malakas na music at hiyawan sa labas.

"Fine," anitong hindi maipinta ang mukha. "I'll just ask somebody else to fuck."

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.

Garden of EdenWhere stories live. Discover now