"Sinisisi mo ko?" Dumilim na lamang ang mukha niya.

"H-hindi. Nagkakamali ka ng iniisip, Jonas. Ang ibig kong sabihin---ah!"

Di inaasahan, ibinato ni Jonas ang kawali na pinagpi-prituhan ko ng hotdog. Bumagsak iyon sa sahig halos umalingawngaw sa loob ang pagbagsak ng kawali. Halos nalagyan pa ako ng mainit na mantika sa aking kamay na dahilan napaso ako.

"Aray!" Sambit ko sabay hawak sa kamay ko na napaso.

Mas lalong hindi ko inaasahan na mabilis na hinawakan ng mahigpit ni Jonas ang magkabilang pisngi ko.

"Kahit kailan talaga wala kang silbing babae ka!" Galit na galit na singhal nito.

"J-jonas, nasasaktan ako." Pinipilit ko alisin ang kamay niya sa pisngi ko pero hindi ko magawa. Ang lakas talaga niya, para nang mababali na ang panga ko sa ginagawa niya.

Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Ramdam ko hanggang buto ang takot mula sa akin. Kakaiba talaga siya magalit at mawawalan ka talaga ng lakas pag kaharap mo ang Jonas na demonyo.

Binitawan na nga ako nito. Bago paman lumabas dito, nagwala pa ito ng gamit. Nagsisigaw pa ito sa sobrang galit. Pagkalabas nito, malakas na sinara nito ang pinto.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang nakaalis na ito.

Umiiyak na napahawak ako sa gilid ng lababo. Tiningnan ko ang paligid ng apartment namin. Kita ko ang mga iniwan ni Jonas na kalat niya. Hindi ko alam kung lilinisin ko muna ito o papasok na ako ng trabaho. Tsaka ko na ito lilinisin pag nakauwi na ata ako galing trabaho.

Dahan-dahan akong lumuhod para kunin sa sahig ang hotdog na tinapon ni Jonas. Pinunasan ko pa ito pagkatapos nilagay sa plato, puwede ko pa naman ito kainin. Hindi pwede na pumasok ako sa trabaho na walang laman ang tiyan ko, baka mahimatay ako sa gutom.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Bakit ako unang ihahatid mo? Ihatid mo muna si Beth." Hindi pabor na pahayag ni Ros.

Nakasakay kami sa kotse ni Sir Johnser, ito ang nagmamaneho habang sa backseat kami ni Ros nakaupo. Pinag-aawayan nga nila kung sino unang ihahatid sa amin ni Ros sa trabaho.

"Ikaw muna." reject pa rin nito.

"Mali-late na siya sa trabaho niya. Di ba, 8:30 schedule niya?" Ayaw magpatalo na saad pa rin ni Ros.

Hindi naman nakaimik si Sir. Nahahalata ko na tuloy parang umiinit na ang tensyon nilang dalawa. Kunot-noo na nakatingin si Ros kay sir mula sa front mirror.

"Ako, kahit ano oras ang pasok ko. Kahit hapon na ako pumasok, pasok pa rin 'yon kaya si Beth na ang unahin mong ihatid sa Uphone." Pilit pa rin ni Ros.

"Ang lakas mo pala kay Mr. Kailes." sabi ni sir at tumawa ng bahagya. Tumingin ito sa front mirror at nagsalubong ang tingin nila ni Ros doon."Paano mo nakilala si Mr. Kailes?" Pag-iiba nito ng topic.

"Binabago mo ang usapan, basta ihatid mo muna si Beth bago ako. Tapos ang usapan, hindi na ako mangungulit." Hindi nagpatinag na wika ni Ros.

"Okay." Payag na rin sa wakas ni sir.

Binilisan na nga nito ang pagmamaneho para makarating kaagad sa Uphone.

Wala pang limang segundo, nakarating na rin kami sa destinasyon.

"Thank you po, sir." Pasalamat ko.

Ngumiti lamang ito sa akin mula sa front mirror. Ngumiti rin ako ng matamis dito pabalik. Bago paman ako bumaba, hinawakan ni Ros ang kamay ko na dahilan naoatingin ako dito.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Where stories live. Discover now