Ang Akala ko </3

4.2K 50 12
                                    

Karylle's POV

Im half a sleep. Bigla kong naramdaman na may pumasok sa kwarto ko at umupo sa tabi ko. Hinalikan niya ako sa aking pisnge.

"babe.. wake up na.." sabay haplos niya sa braso ko

"hmm.." hindi ko siya pinansin dahil sobrang antok ako at sobrang pagod mula sa trabaho. Tumalikod lang ako.

"babe.. male late na tayo sa picknick natin o.. mata traffic pa tayo" sabay kiss niya sa shoulders ko

"mamaya na babe.. naantok pa ako eh" sabay talukbong ng kumot pero hinila niya ito. Kiniliti niya ako hanggang sa di ko na makayanan ay tumawa na rin ako at tumayo. Hinampas ko siya ng unan pero mahina lang.

"dali na maligo ka na! o baka mas gusto mo na ako ang magpaligo sayo?"

baliw talaga tong boyfriend ko.. BTW his name is Miguel.. Jose Miguel Viceral. Medyo weird yung name niya no? Pero kahit ganyan.. love na love ko parin siya! sa 4 years naming pagsasama.. I can say na.. HE IS THE ONE! haha. pero seryoso.. he is my first boyfriend.. and i think last ko na rin. Hay ansaya! it's our anniversary today pero pasaway ako sa kanya.. well whats new? ako naman ung parati talagang matigas ang ulo. Pero kahit ganun ay hindi parin kami nag aaway ng matagal. Ang haba kasi ng pasensya ng mokong eh!

Matapos akong maligo ay nag suot ako ng yellow na damit na pinatungan ko ng pink na blazer. Green na palda ang suot ko at nag flat shoes lang ako. Hay! ansaya talaga ng buhay! I always imagine kung ano ang magiging future namin ni Migs! We're living in a mansion tapos naka upo lang kami sa balcony na pinagmamasdan ang kambal naming naglalaro :)

"babe tara na?" hinawakan niya ang kamay ko at pumasok kami sa sasakyan

Tahimik lang kaming nakikinig ng kanta na theme song naming dalawa.

"babe... happy anniversary"

"happy anniversary.."

"wait i will give you something" agad siyang may hinanap sa sasakyan pero parang hindi niya makita. Biglang..

Pag gising ko ay nasa ospital na ako. Pag dilat ng mga mata ko ay nakita ko si Ate Anne at si Angel na mangiyak ngiyak na.

"ate? Angel? bakit? ano po ba ang nangyari?" gulong gulo ako.. bat ako naka ratay sa hospital bed. Dun na bumuhos ang luha ni Ate at ni Angel

"dont you remember?" sabay iyak ni Ate.. at niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi naman na kayanan ni Angel kaya napa upo siya sa upuan.

Biglang tumulo ang mga luha sa mata ko...

(Play the song para maka dagdag sa emotion)

----Flashback---

"babe.. wait lang ha hindi ko kasi makita.." tiningnan niya sa ilalim ng upuan niya.. Hindi siya nakakapag concentrate sa pag da drive sa hindahanap niya.

"babe.. mamaya na" kasi worried na ako. baka ma aksidente kami sa ginagawa niya

"no.. I want to give this to you now.. ahh! eto na"  pag angat niya ng ulo niya may paparating na isang  10 wheeler truck

"aah! Migs!" napapikit nalang ako..

*CRASH!*

- End Flashback-

"he want's to give you this." sabay abot sakin ni ate ng isang box na may dumi ng konti.. Pag bukas ko.. I saw a ring.. merong note sa taas na "WILL YOU MARRY ME?"

Humagulgol ako sa iyak. Hindi ko mapigilang umiyak.

"ate.. asan siya?"

"he's.." tumigil lang si ate.. at umiyak ng malakas "im sorry K.. im so sorry"

"no! no thats not true! ate its not a good joke!" sabay hagulgol

"shh.. no baby..im not joking"

"no!!! buhay si Migs! he promised me! he will never leave me ate! where is he!? I want to see him! ate! no! no! no! no! ate! hindi! hindi siya patay!"

Hindi ako kumalma kaya napilitang mag tawag ng nurse si Angel para turukan ako ng pang pa kalma.

Narrator's POV

"Angel.. can we talk?" sabi ni Anne kay Angel.Sabay silang lumabas ng kwarto dahil tulog pa naman si Karylle.

"what is it about Anne?"

"pwede favor?"

"sure.. ano ba yun?"

"pwede ba na sa bahay ka muna pag umuwi na si K? alam ko na makabubuti yun sa kanya.. kahit papaano ay may makaka usap siya. alam mo naman ako.. busy rin"

"sure! gusto ko namang alagaan ang bestfriend ko :) mahal ko yun eh"

Makalipas ang isang linggo ay pinayagan na ng doctor na umuwi na si K sa kanilang bahay. Agad na inalalayan ni Angel si K papunta sa kwarto niya. Pag dating doon ay umupo silang dalawa sa kama at nag usap.

"hindi ako naka attend ng burol niya" sabay patak ng luha ni K

"shh..." agad naman siyang niyakap ng kaibigan

"hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko Gel.. hindi ko na alam" bumuhos ang mga luha mula sa mga mata ni K. Di rin naiwasang umiyak ni Angel

"sshh.. madami pa namang nagmamahal sayo eh.. andito pa kami ni Ate mo.."

"una .. sila mom at dad,, namatay sa car accident.. ngayon.. si Migs naman.. sinong isusunod!? si ate?? ikaw?? lahat nalang ng mahalagang tao sa buhay ko kinukuha sakin! ano ba ang kasalanan ko sa Kanya!? masama ba ako?! kaya hindi ako karapatdapat maging masaya!? Gel.. alam mo na mas mahal ko si Migs kaysa sa buhay ko! I love him so much!" humahagulgol parin

"shh.. yes.. alam ko.. alam ko K.. tahan na ha? wag ka ng umiyak"

- End Chapter -

Hanggang dito lang muna guys ha? :) 10 votes 5 comments and 50 reads bago mag UD si author! hehe! Aylabyu! thanks sa nagbasa! :*

Ikaw Ang Buhay Ko (ViceRylle)Where stories live. Discover now