"Team Gabb and Amy din 'yun, just like us!" Biglang lumitaw si Klaire sa gilid niya at sabay pa nila itong sinigaw habang nakataas ang mga nakasara nilang kamay. Dahil do'n ay hindi ko na naiwasang mapangiti. Bigla na lang nila akong inatake ng yakap kaya napatawa ako at napailing.

"Mga baliw." Bulong ko sa mga 'to. "Ang dami niyo pang sinabi tapos sa akin din pala kayo boto." Dagdag ko pa.

Humiwalay na sila sa akin at umayos ng tayo. "Of course! Para saan pa't naging kaibigan mo kami kung hindi ka namin su-support." Klaire said while smiling widely. Pabiro akong umirap sa kaniya at hindi pa rin naaalis ang mga ngiti sa labi ko.

Kahit na madalas kontrabida ang mga 'to sa buhay ko, swerte pa rin ako at sila ang mga kaibigan ko. Araw-araw man kaming nagbabangayan at nagiinisan, alam kong kahit anong mangyari ay hinding hindi nila ako pababayaang mag isa.

Nakaka-touch naman, parang gusto ko tuloy umiyak. Emz.

"Ano bang plano mo? Pupuntahan mo ba si Gabb? Amin ka na ba? Tara." Sunod sunod na tanong ni Miho at hinawakan ako sa aking pulso. "Hatid ka na namin sa kaniya. Gusto mo pa i-cheer ka pa namin?" Dagdag pa nito at hinila ako papalapit sa pintuan.

"Ano ba, kaya ko na 'to. Maliit na bagay." I jokingly replied and pulled back my hand from her. Muli kaming nagtawanan at pabiro pa akong hinampas ni Klaire sa aking braso. Nang matigil kami sa pagtawa ay agad na nag bitaw ng tanong si Klaire sa akin.

"Pero seryoso nga, aamin ka na talaga?" She curiously asked. Tumango ako bilang sagot at huminga nang malalim.

"I have to. Nagpaplano na ring mag-confess si Coleen sa kaniya, ayoko namang maunahan." I answered and they nodded their heads.

"Paano kung hindi naman bet ni Gabb si Coleen?" Napatingin ako kay Miho dahil sa tanong niya.

"Eh paano kung hindi din bet ni Gabb si Amy?" Binigyan ko naman ng masamang tingin si Klaire nang 'yun ang sabihin niya. Muling tumawa ang mga ito dahil sa naging reaksyon ko. I rolled my eyes and crossed my arms over my chest.

"Akala ko ba Team Gabb and Amy kayo?! Bakit kayo ganiyan?" Mataray kong saad at mas lalo namang lumakas ang mga tawa nila.

Tignan mo 'tong dalawang 'to. Pagkatapos akong suyuin saka ako babanatan ng mga ganito. Sarap pag untugin.

"Joke lang." Miho said and gave me a peace sign. "Team Gabb at Amy nga kami." Pagpapatuloy nito at hindi pa rin tumitigil sa pagtawa.

"Malakas 'yung gayumang nabili mo sa Quiapo eh." She added. Napairap na lang ako ulit at tumalikod sa kanila.

"Bahala nga kayo diyan. Sinasayang niyo lang oras ko. Puntahan ko na si Gabb sa audi!" Sabi ko sa mga ito bago tuluyang umalis ng classroom.

-

Pagpasok ko sa auditorium ay saktong walang tao. Mukhang wala pa rin si Gabb kaya agad na akong umakyat sa second floor at doon naupo.

Binaba ko na ang aking bag sa bakanteng upuan sa tabi ko at saka ko kinuha ang aking phone para mag-send ng message kay Gabb.

To Gabb:

Nasa audi na 'ko. Let me know kung papunta ka na, ha? Ingat.❤️

Pagka-send ko no'n ay pinatong ko muna ang phone ko sa aking hita at sumandal sa upuan. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pag-vibrate nito kaya napayuko ako at nakita ko ang pangalan ni Gabb.

From Gabb:

Kadi-dismiss lang ng class ko. I'm on my way. :))

Kusang may nabuong ngiti sa mga labi ko nang mabasa ko ang reply niya. Binaba ko na lang ulit ito sa aking hita at hindi na nagreply. Muli akong sumandal at pumikit habang hinihintay ang pagdating niya.

Ilang saglit pa ay napadilat na lang ako nang may kumalabit sa aking balikat.

"Neng, gising."

Napaangat ako ng tingin sa lalaking nasa harapan ko at marahang umalis sa pagkakasandal sa upuan.

"6pm na, sasardo ko na 'tong audi." Dagdag pa nito. Nang makabalik ako sa aking wisyo ay agad kong kinuha ang aking cellphone at tinignan ang oras.

Nang makita kong ala sais na nga ay mabilis kong kinuha ang bag ko at napatayo.

Shit! Bakit nakatulog ako? Saka bakit walang gumising sa akin? Dumating ba si Gabb?

Pagkalabas ko ng auditorium ay bumungad sa aking ang halos magdidilim ng kalangitan. Nang ilibot ko ang aking mga mata ay konti na lang din ang mga estudyanteng nakikita ko.

Hinilot ko ang aking sintido at umiling. Nagsimula na ulit akong maglakad at habang naglalakad ay sinilip ko ang aking phone na kanina ko pang hawak-hawak.

Nakita kong may sampung messages at tatlong missed calls na iniwan si Gabb. Agad ko itong binuksan at binasa.

From Gabb:

Amy, malelate lang ako ng 10 mins. May kailangan pala akong gawin.

From Gabb:

Nandyan ka pa rin ba? Wait lang, ha. Asikasuhin ko lang miniature namin.

From Gabb:

Sorry talaga. Punta ako agad dyan after this.

From Gabb:

Can u answer my call?

From Gabb:

Please, call me back pag nabasa mo na 'to.

From Gabb:

I'm really sorry, Amy. Coleen called me and may importante raw siyang sasabihin. Baka kasi emergency. Hindi ko alam kung nasa audi ka pa ba, but please do call me kung nare-receive mo mga messages ko. Sorry talaga.

'Yun lang ang ilan sa mga messages niya. Agad nag init ang ulo ko nang mabasa ko ang pangalan ni Coleen. Kinuyom ko ang aking kamao at huminga nang malalim upang manatiling kalmado.

Talagang ngayon pa niya naisipang tawagan si Gabb? Saka ano? Importanteng sasabihin? Eh may sasabihin din naman ako ah! At importante rin 'yon! Galing din mamili ng oras ng babaeng 'to. Nananadya ba siya o gumaganti?

Nakakainis! Bakit ba kasi masyado akong nakampante?!

-

Pahabol na ud! Happy 1.8k reads and 180 votes. 🙂

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love You Out Loud (UniCocoTyang) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon