1

2.8K 57 2
                                        


Chapter 1

Kakarating lang namin dito sa Leyte. Hinihintay ko ang kaibigan kong bakla. Iginala ko ang aking paningin. Katulad ng dati, Leyte pa rin. Walang pagbabago sa lugar pero sa mga tao, ang dami nang hindi ko nakikilala. Ilang taon na ba ang nakalipas nang lisanin ko ang bayang ito? Napabuntong hininga ako sa naalala. Isang nakaraang pilit na iniiwasan ko at hanggat maaari, ayaw ko nang balikan. Nandito na naman ako. Dito sa lugar kung saan ako natutong magmahal, masaktan at walang ginawa kundi takasan. Makakaya ko kaya silang harapin kung sakaling makakasalubong ko sila? Ang mga taong sinaktan, inapi at inalipustangan ako? Kami ng anak ko?

"Mama? Nagugutom na po ako," sabi ng batang nakahawak sa aking mga kamay.

"Later baby. Hintayin lang natin ang ninong mo, ha." Wala na akong pera. Tanging bente pesos na lang ang natira sa aking bulsa. Salamat na lang sa lalaking nagbigay sa amin ng gamot at gatas nang pasakay na kami sa bus. Magkikita pa kaya kami ni Doc Vincent? Siya ang doctor na nagbigay sa akin ng tsokolate noong panahong wala ako sa sarili sa labas ng OPD sa Makati Med.

"KRIZZY!" Kahit na hindi ko pa nakita, alam kong si Joven na iyon. Siya lang naman ang baklang malakas tumili.

"Mama? Sino po siya?" sumiksik ang anak ko sa laylayan ng aking palda.

"Baby, siya ang ninong mo. Mag bless ka," utos ko na agad naman nitong ginawa kahit na naguguluhan sa mukha nitong si Joven.

"JOVEN!" Tuwang-tuwa na sabi ko saka niyakap siya ng mahigpit. Namimiss ko na ang baklang ito. Well, siya lang naman ang tanging nagpapasabik sa akin na umuwi sa bayang ito. Maliban doon, wala na.

"My ghad! Jovena gurl, JOVENA!" Giit niya. Dati, matinong bakla pa naman ito pero ngayon, mukhang malala na. Naka maiksing short at spaghetti strap. Nakalipstick at blushon pa.

"Oo na. Ano ang nangyari sa 'yo? Para kang sinampal ng maligno!"Tanong ko kaya napasimangot ang loko.

"Hahaha! Duh, nagkaanak ka lang ng pogi, akala mo, dyosa ka na kung makapanglait?" nagtatampo nitong sabi.

"Iba ang lait kaysa sa nagsasabi ng totoo." Mas lalo itong sumimangot.

"Sige, laitin mo pa ako at hindi na talaga kita patutuluyin sa bahay ko." pananakot nito.

"Okay lang. Sa kalsada na lang kami matutulog kaysa naman magsinungaling ako."

"Biro lang. 'To naman. Ikaw na ang honest. Palibhasa, maganda ka pero iniwan naman." Matalim ang mga matang tinitigan ko siya. "Oh ano? Masakit makausap ang honest, ano?"

"Oo na. Tara na nga, nagugutom na ang anak ko. Nagluto ka na ba?" tanong ko.

"Wow, katulong lang ako? Huwag kang mag-aalala. Nagkatay kami ng isang baka at baboy para sa pag-uwi mo. Ipinasarado ko na rin ang buong barangay at inimbitahan si Mayor at Congressman!" Pamimilosopo nito kaya kinurot ko sa tagiliran. "Ouch! Sadista ka talaga. Kaya ka pala iniwan!" Ayan na naman siya. Nag-umpisa nang mang-asar.

"Oo na. Ikaw na ang dyosa kaya hanggang ngayon, loading station ka pa rin ng jowa mong walang ginawa kundi mang hingi ng load at panigarilyo," sagot ko.

"Alam kong nagugutom ka na kaya tara na, uuwi na tayo." Pag-iiba niya ng usapan kaya napangiti ako. Binuhat niya ang dalawang travelling bag ko at umarkila na kami ng tricycle papunta sa aming barangay.

Habang palapit kami sa barangay, bumibilis din ang tibok ng aking puso. Ang totoo, natatakot at nahihiya ako. Ganito naman kapag nasa province ka. Lahat ng tao ay magkakilala at hindi maiwasang alam ng lahat ang buhay ng bawat isa.

"Ang sarap ng hangin," wika ko at sinusulit ang paglanghap sa paligid.

"Palibhasa puro alikabok ang kinakain ng ilong mo sa Maynila." Sagot niya.

The Single MomWhere stories live. Discover now