01

11 3 2
                                    

"Tara! Hanap tayo ng pogi!"

Tahimik lang ako na nakaupo sa desk pero biglang sumigaw si Alonzo at hinatak ako. Hahanap raw ng pogi, kahit ayaw ko ay sumama na lang ako.

Sinubukan ko namang magkagusto sa isang lalaki, pero wala talaga e, ito talaga ang totoong pagkatao ko.

"Sasama ka pala bukas para manood ng Mathematics and Science event sa SPU?" He asked.

"Yes. Lahat yata kayo pupunta, hindi naman pwedeng ako lang ang maiiwan dito sa room. Balita ko rin marami raw ang magaganda roon." Sabi ko.

Balak na sana na lumapit ni Alonzo sa isang lalaki na nakita niya pero biglang dumating ang guro namin sa Mathematics kaya pumasok na kaming dalawa. Hindi ko rin napansin na halos lahat pala ng kaklase namin ay narito na sa loob ng room.

"Kumusta naman ang pogi hunting sa labas, mga anak?" Tanong ng guro namin.

Hindi na lang kami sumagot kasi mukhang nagagalit na siya. Baka may recitation na naman, hindi prepared ang mga kaklase namin, eh paano ba naman kasi, napakahirap ng lessons ngayon. Sana nga pwedeng bumalik sa panahon na 1+1 palang ang lessons sa Mathematics.

"Ms. Tuffin and boys at the back, hindi ba kayo tatahimik?" Sumigaw ang guro namin.

Sa akin, okay lang ang dumaldal nang dumaldal dahil kapag pinagrecite ako ay nakakasagot naman ako pero yung mga lalaki sa likuran ko ay hindi sila nakakasagot ng maayos.

Nang matapos ang klase ay sumama ako kay Alonzo sa mall dah bibili pa raw siya ng gagamitin niya bukas. Gusto niya raw kasi na maging presentable sa harap ng mga magiging crush niya. Kumain na rin kami bago kami sunduin ni mommy, hinatid nga rin pala ni mommy si Alonzo sa bahay nila.

Nang makarating kami sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko, nagbihis at naghanda nang matulog. Bago pala ako natulog ay nag browse muna ako profile ng mga students sa SPU. Talagang maayos ang mga buhay nila.

Excited akong pumunta sa SPU kaya halos hindi talaga ako makatulog ng gabing 'yon. Nang mag 5 na ng umaga ay bumangon na ako at naligo, tinawag ko na rin yung isa naming maid para ipaplantsa yung blouse ko dahil mukhang kagabi niya lang rin to nilabahan.

May breakfast na rin nang bumaba ako pero hindi na ako kumain. Nakita ko rin na mag message na sa akin si Alonzo kaya binilisan ko na ang pagkilos ko. Sa harap lang naman ng school ang SPU kaya hindi na kami mag-iiba ng way.

Nang bumaba ako sa sasakyan ay nakita ko na si Alonzo na nag-aabang sa gate ng SPU. Lumapit ako at sinabihan siya na gusto ko nang pumasok. Yung ibang teacher namin ay narito rin kaya okay lang na hindi kami pumasok.

Naglalakad kami ni Alonzo sa field nang may bigla siyang mabangga na mga babae. Sila yata ang mean girls na palagi kong napapanood sa TV.

"Ay ate, sorry po." Sabi niya.

"Outsiders! Paano kayo nakapasok dito? Itong mahihirap na 'to! Sa public na nga lang nag-aaral ang sasama pa ng ugali. Anong pangalan mo?" Sigaw ng babae na nabangga niya.

"Shanaia! You're striking again, huh? Stop it! Akala mo ba matutuwa pa si tita sa 'yo kapag nalaman niyang gumagawa ka na naman ng kalokohan?" sabi ng isa pang babae na kasama nila.

I don't know what I felt during that moment. It was not the butterflies in my stomach. The way that she speaks and the way she scold her friend was amazing. She's just pretty in my eyes.

"Hey. I'm sorry for my friend's behaviour. I'm Nadia Scarlette Paradise by the way." She offered her hand to Alonzo.

"Alonzo Michael Borromeo." He said.

The Secret I've KeptWhere stories live. Discover now