"Anong full? Nakakaisang subo ka pa lang ah. Dali na, isubo mo na 'to. Hati na lang tayo sa pasta." Nakangiti kong sagot pero tiningnan niya na naman ako nang masama. "Please?" 

Inirapan niya na naman ako at tahimik na uminom sa baso niya. 

"Fine." Sabi niya pagkatapos.

Lalong lumawak ang ngiti ko at excited siyang sinubuan. Nakaiwas naman siya ng tingin sa akin habang sinusubo ang pasta pero aliw na aliw naman akong panoorin siya.

...

Mabilis na binitawan ni Aze ang kamay ko nang makalabas kami ng restaurant. Kumunot lang ang noo ko at sinundan siya ng tingin na mabilis na naglakad at pumasok agad ng sasakyan. Anong nangyari ro'n?

Bumuntong hininga ako at sumunod na lang din sa kanya pero hindi ko natuloy ang pagpasok sa loob ng sasakyan ng may maramdaman akong nakatingin sa akin.

Napatingin ako sa kabilang side ng kalsada at doon ay may nakita akong lalaking nakatayo at nakatingin sa direksyon namin.

Nagulat ako sa biglang pagbusina ni Aze kaya nawala ang atensyon ko sa lalaki at napatingin ako sa kanya sa loob ng sasakyan.

"Get inside now." Seryosong sabi ni Aze kaya pumasok na ako agad sa loob. Tumingin din ako sa bintana para tingnan 'yong lalaking nakita ko sa kabilang side ng kalsada pero wala na ito ro'n.

Hindi maganda ang kutob ko pero pinilit ko na lang i-distract ang sarili ko dahil baka kung anu-ano lang ang naiisip ko at baka naman naghihintay lang talaga ng masasakyan si kuya ro'n.

"Ano pa lang pangalan no'ng restaurant, Aze?" Tanong ko.

Masarap kasi ang mga pagkain kanına kaya gusto ko sanang i-kwento kina Coleen para sa susunod ay makakain ulit kami ro'n.

"Uy, Aze..." Tawag ko dahil hindi siya sumagot. Masyado kasi siyang naka-focus sa pagda-drive pero bigla niyang pinahinto ang sasakyan na ipinagtaka ko.

"Stay here." Kunot-noong sabi niya habang diretso pa rin ang tingin.

"Teka--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mabilis siyang lumabas ng sasakyan. Medyo madilim dito sa pinagtigilan namin dahil sa kabilang kanto pa ang natatanaw kong poste ng ilaw.

Nakita kong naglalakad si Aze patungo sa harap dahil sa ilaw na nagmumula sa sasakyan pero nakakapagtakang wala naman akong nakikitang kahit na ano o ibang tao sa labas kaya hindi ko maintindihan ang nangyayari.

Ilang sandali pa ay may nakita na akong mga lalaking sumulpot mula sa kung saan. Nakatayo ang mga ito at nakasuot ng itim at kung hindi mo tititigan ay hindi mo rin mapapansin. 

Sandali, men in black ba ang mga 'to?

Pagkurap ko ay bigla silang naglaho pati na rin si Aze kaya lalo akong kinabahan. Saan sila nagpunta?

Binuksan ko ang pintuan pero bago ako lumabas ay naalala ko ang bilin ni Aze na manatili lang ako rito sa loob pero alam kong hindi ko iyon kakayanin lalo na't nakita kong nasa labas din ang mga men in black. Malakas ang kutob ko na may hindi magandang nangyayari at hindi ko rin gusto na mapahamak si Aze. 

Ah bahala na.

Tuluyan na akong lumabas ng sasakyan pero hindi rin ako nakagalaw ng bumungad sa paningin ko ang sa tingin ko ay nasa sampung mga lalaki at nakapalibot ngayon kay Aze.

Pagkatapos kong makabawi sa pagkabigla ay kusang gumalaw ang mga paa ko at mabilis na tumakbo palapit sa kanila ng magsimulang sumugod ang mga ito.

Nang makalapit ako ay agad akong tumalon at binigyan ng isang flying kick ang lalaking susugod din sana kay Aze. Tinamaan ko siya sa likuran na nagpatalsik sa kanya.

Engaged with the Vampire QueenWhere stories live. Discover now