CHAPTER XVI DATE AGAIN

Start from the beginning
                                    

Syempre hindi ko naman pwedeng sabihin na si Andrew ang dahilan kung bakit ako ngumingiti ngayon. Ayokong masaktan si Jansen, nakakahiya naman na sya ang kasama ko tapos ibang taon ang iniisip ko. Tama. Hindi ko dapat isipin si Andrew, dapat mag focus ako sa date namin ni Jansen. dapat maging masaya ako.

"sweety! Tara sakay tayong carousel! Di ka naman pwede sa ibang rides kasi buntis ka."

Ngayon ko na lang ulit nakitang sobrang saya ni Jansen. Para syang bata. Ang cute cute nya. Pero bakit ganun? Parang wala akong nararamdamang saya? Bakit parang pinipilit ko lang ang sarili ko na maging masaya? Di ba dapat maging masaya ako dahil kasama ko ang taong mahal ko? Pero sa totoo lang.. Ibang tao ang gusto kong makasama. Walang iba kundi si...

ANDREW.

ANDREW'S POV

Saglit na pov ko lang to. Nagmamadali na kasi si author. Wag daw akong masyadong mag emote ngayon kasi tatapusin pa raw nya yung project nya.

Yung oras nagpaalam sakin si Kim kung okay lang na umalis sya gusto ko sana syang pigilan. Gusto ko sana syang ikulong na lang sa bahay. Gusto ko sanang sabihin sa kanya. Na nasasaktan ako sa ginagawa nya. Bakit pa kasi kailangan nyang magpaalam sakin? Ano ba talaga kasing nasa isip nya? Gustong gusto nya ba talagang nakikita na nasasaktan ako? Siguro kaligayahan nya rin ang makitang miserable ako.

Pero, mas pinli ko na payagan sya. Gusto ko kasing pangatawanan yung space na ibinigay ko sa kanya.gusto ko na palagi na syang maging masaya at alam kong si Jansen ang makapagpapasaya sq kanya. Kaya kahit masakit sa loob ko hinayaan ko na lang. Feeling ko nga ang gwapo ko sa mga pa suplado effect ko sa kanya eh. Pero parang wala namang epekto. Kasi sa nakikita ko, mas naging okay si Kim. Hindi ko nga nakikita at nararamdaman na gusto nya ng bawiin yung space na hiningi nya eh. Siguro nga... Masayang masaya na sya.

KIM'S POV

"tara sweety punta tayo sa carousel!"

Naglakad na agad si Jansen papalayo sakin. Iniwan nya akong mag isa dito. Naalala ko tuloy bigla si Andrew. Nung nasa mall kami para bumili ng ilang gamit ni baby. Hindi ako iniwan nun ni Andrew kahit na sobrang bagal ko. Instead, hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming naglakad. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kasasabi ko lang kanina na hindi ko muna iisipin si Andrew pero nagpupumilit syang pumasok sa isip ko.

FLASHBACK(I'M back chapter)

huminto ako saglit at hinawakan ang tyan ko.

"baby, pasensya ka na ha nagkaroon ka ng masungit na daddy. Ikaw na ang bahala na magpasensya sa kanya ha."

"ano bang pinagsasabi mo dyan ha? pati kay baby sinisiraan mo ako. Halika na nga ang bagal mo eh"

hinawakan ni Andrew yung kamay ko tapos sabay kaming naglakad. napatingin ako kay andrew na busy sa pagtingin tingin sa paligid nya.. Lihim akong nagthank you, kasi kahit sa paglalakad kahit na sobrang bagal ko hindi nya ako iniiwan.

END OF FLASHBACK

"ano ba andrew.. Umalis ka naman na sa isip ko please.please.please.."

"bakit kim? Masama ba pakiramdam mo?"

Nagulat ako kasi nasa harapan ko na si Jansen. Narinig nya kaya yung sinabi ko? Sana naman hindi. Bakit ba kasi ako pa ang nakasalo ng kagandahan at pinalilibutan ako ng dalawang hot na lalaki.

"tara na :))"

Pumunta kami ni Jansen sa carousel. Inalalayan ako ni Jansen sa pagakyat. Habang nakasakay kami, ang dami daming kinekwento ni Jansen. Yung mga happy moments namin together pero, pasok sa isang tenga labas naman sa kabila. Kapag tinitingnan ko sya. Sobrang saya nya. Parang wala kaming pinagdadaanan. Bakit ba ang gulo ko? Kaya naiinis na sakin yung mga readers eh! Yung author kasi neto yung dapat sisihin eh. Uudyukan ako na balikan si Jansen tapos ngayon...

BABY ON BOARDWhere stories live. Discover now