CAPITULO 2 - Zero

Bắt đầu từ đầu
                                    


"Bakit?" tanong ko rito. Baka kasi may hinahanap na nakatatandang kapatid o kaya ay baka inutusan ng teacher.


Tumingin ito sa akin pero hindi nag-abalang sumagot.


"Bata, bakit?" Nilakasan ko na nang bahagya ang boses ko.


Nakatingin pa rin ang batang lalaki. Nakatingin lang pero hindi talaga nagsasalita. Ni hindi kumukurap. Balak ko nang huminto. Limitado lang kasi ang pakialam ko sa aking paligid at sa ibang tao.


Naramdaman ko ang pagkilos ng aking katabi—si El.


Lumingon ako sa kanya. Nakahimlay pa rin ang ulo niya sa armchair pero ngayon ay hindi na payuko. Nakatagilid na siya at nakatingin sa akin. Hindi naman yata siya natulog dahil hindi namumula ang mga mata niya na katulad kapag bagong gising. Itinaas niya ang isang kamay. Inilapat niya ang mahabang hintuturo sa ibabaw ng kanyang mga labi.


Kumunot ang noo ko. Pinapatahimik niya ako? Naiingayan ba siya sa pagtatanong ko sa batang lalaki?


"Hindi ka naman natutulog, ah," sabi ko sa kanya.


Narinig ko ang mahinang pag-tsk niya.


Hindi ko na siya pinansin. Ibinalik ko ang paningin sa batang lalaki sa harapan. Nakatingin ang batang lalaki kay El. Tila may iniisip at pagkatapos ay bigla na lang humarap sa pinto. Walang salita na naglakad na paalis.


Ilang minuto pa lang sa paglabas ng batang lalaki ay nagpasukan na ulit ang aming mga kaklase. Si Bhing na kaibigan ko ay kumaway sa akin. Nanunukso ang tingin.


Dumating na rin ang teacher namin at nagsimula na ang sumunod na subject. Last subject namin ay Math. Matapos magturo ang subject teacher ay nagpa-short quiz. May dalawang problem na kailangang i-solve.


Saka lang umangat si El mula sa armchair. Naglabas siya ng papel mula sa black niyang backpack. Kompleto siya ng gamit. Talagang pinaghandaan ng mga magulang niya ang muli niyang pagpasok sa eskwela. Napabuga ako ng hangin dahil wala akong papel. Umikot ang paningin ko para maghanap ng mahihingian.


Patayo na ako para lumapit kay Bhing nang biglang may maglapag ng isang pirasong ½ sheet of paper sa aking armchair . Gulat akong napatingin doon, pagkuwa'y tumingin kay El. Hindi siya nakatingin sa akin pero sa kanya galing ang papel.


"Salamat..." mahinang sabi ko.


Hindi siya kumibo. Nakapangalumbaba ang isa niyang kamay habang tamad na nagsasagot sa quiz. Saglit lang ay inabot niya na sa akin ang papel niya. Tapos na siya agad.


Napanganga ako dahil bakit ipinagkakatiwala niya ang papel niya sa akin? Paano kung kopyahan ko siya? Wala pa naman akong maisagot dahil ang totoo ay nahihirapan akong intindihin ang turo ng teacher namin.


Bumalik si El sa pagkakayukyok sa armchair. Wala na ulit siyang pakialam sa paligid niya.


Beware of the Class PresidentNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ