"Adele!"

Nakatapak na ako sa loob. At hinintay ko talagang may mangyaring kakaiba. Tatalsik ba ako? Manginginsay? Masusunog? Pero wala! Walang kahit na anong sakit o ano man.

"Pinagloloko naman tayo ng ritwal-ritwal na 'yan eh! Safe naman palang pumasok dito!"

Hanggang ngayon naman ay hindi pa rin makapaniwala si Louie, dahan-dahan pa niyang sinubukan na itapak ang paa sa loob, "Pe—pero, isang feng shui expert 'yung—"

"Che! Feng shui echos 'yun!" at hinila ko na siya papasok sa loob.

* * *

Sabi ni Louie, ganitong oras daw ay marahil nag-aalmusal na ang kanyang pamilya. Tama naman siya dahil pagdating namin sa dining room, nagsasalu-salo na nga sa masarap na almusal sina Xian, Mommy at Daddy niya. Ang sosyal at may mga taga-silbi pa sa kanilang gilid.

Ngunit bukod sa pag-aalmusal, pare-parehong natuon ang atensyon nila sa naka-on nilang flat screen TV.

"Adora, dagdagan mo ang volume." utos ng Mommy nila sa isa sa mga katulong dahil sa isang kakaibang balitang ipinapakita ngayon sa morning news.

Nang mapatingin na rin kami ni Louie, ang balita ay ginaganap doon sa peryahang kinaroroonan namin kagabi.

"Saksi ang mga taong ito sa naganap na kababalaghan kagabi," ika ng reporter, saka nag-flash ng isang video na may iniinterview siyang trabahante sa peryahan.

"Grabe talaga! Halos masilayasan na ang mga tao dahil sa iba't ibang kababalaghan na nangyari dito. Sobrang lakas at nakakakilabot talaga kung maririnig mo 'yung pag-iyak pero hindi naman mahanap kung saan talaga nanggagaling!"

Nagkatinginan kami ni Louie, "OMG! Tayo 'yan ah!"

"First time ko lang ma-feature on national television."

"Ako rin. Kung kailan multo na tayo, saka pa tayo sumikat!"

"Pero bukod sa peryahang ito, isang local store pa ang 'di umano'y nakaranas din ng kababalaghan," pagpapatuloy ng reporter. "Nahagip sa CCTV camera ng kanilang store nila ang hindi maipaliwanag na paranormal activity."

Panibagong video na naman ang ipinakita kung saan nagliliparan 'yung mga paninda doon sa store! 'Yun naman ang time na naglalaro na kami ng batuhan ni Louie!

"First time lang po itong nangyari sa store namin," pahayag ng na-interview nilang store manager na namumugto pa ang mga mata. "Napa-resign na nga po 'yung cashier namin sa sobrang takot."

Gusto naming magbunyi dahil sikat na kami. Kaso nakaka-guilty rin pala. Pero ibig lang din sabihin nito, effective talaga ang pananakot namin!

Nagtuluy-tuloy pa ang balita. May kinunsulta na nga raw ang team nila na paranormal experts pero hindi na namin ito napanood dahil basag-trip si Xian. Tumayo ito at kinuha na ang remote para patayin ang TV.

Pagkatapos ay padabog na siyang bumalik sa kanyang pwesto at mukhang nawalan na ng gana. "Ano ba 'yan! Umagang-umaga, kwentong multo!"

"Napaaga yata ang Halloween special nila," pabirong komento naman ng Daddy nila. "Tsk! Mga hindi matahimik na kaluluwa."

"Mabuti na lang ang Baby Lou natin, siguradong masaya na kasama ang bride niya!"

Nagkatinginan kami ni Louie. Nakita kong pinagpawisan siya.

"Baby Lou ang tawag sa 'yo ng Mommy mo?" hindi makapaniwala at natatawang tanong ko.

Hindi naman niya maitago ang kahihiyan at agad na namula ang mukha. "Oh bakit? Hindi ka binigyan ng nickname ng nanay mo?"

"Hindi. Adele lang. Tsaka bakit nagagalit ka? Cute naman ang Baby Lou ah! Hahaha!"

"Tumigil ka na nga!" napipikon niyang sabi kaya mas natawa ako.

"You think nagha-honeymoon na sila?" biglang dagdag naman ng Mommy niya.

This time, pati ako ay namula na rin sa kahihiyan. "Grabe naman ang Mommy mo!" napasigaw ako. "Anong tingin niya saakin? Easy girl!"

Mabuti na lang, nag-react na rin si Xian. "Mom! What are you even thinking?"

"What? Kasal na sila! They can do it, if they want!"

"Yeah right..."

"Bakit ba parang hindi ka masaya for Louie?"

"I'm happy for my brother's peace. Ang iniisip ko lang, 'yung family ni Adele Medina. It's disrespectful na ninakaw ko ang bangkay ng anak nila."

"Oo! Tama! Tama 'yun!" komento ko.

"Xian, it's a family tradition." seryosong sabi ng daddy nila.

"And besides, we did them a favor too. Single ang daughter nilang si Adele. Kung hindi natin siya ipinakasal kay Louie, baka siya ang pagala-galang kaluluwa ngayon."

Napa-facepalm na lang kami sa usapan nila. Hindi namin masakyan kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan ng parents nila.

"Mabalik tayo sa usapang honeymoon..."

At bago pa man namin ulit marinig ang nakakalokong pagtutuloy ng kanilang usapan, hinila na ako ni Louie palayo. "Ang mabuti pa, mag-tour na tayo sa bahay namin."

"Hindi mo na kailangang sabihin! Let's go!"

Lalo lang akong ginanahan sa gagawin naming pananakot sa kanyang pamilya. Kapag nagmulto na kami, siguradong mapapahiya at maiihi sila sa takot.


Match Made After Life ✔Where stories live. Discover now