0

2 0 0
                                    



Nang una ay hindi ko sinadyang ilapat sayo ang aking paningin. Sadyang kusa na lamang akong napatingin at hindi ko maiwasang tingnan ka nang mas matagal.

Hindi gaya ng iyong mga kamag-anak, ikaw lamang ang hindi umiiyak. Nakatitig ka sa bangkay na ngayon ay dahan dahan nang ibinababa sa hukay.

Wala akong makitang anumang emosyon mula saiyong mukha. Hindi minsan mang nanubig ang iyong magandang kulay tsokolateng mga mata. Maging ang aking katabi, ang kaluluwa ng iyong lolo, ay saiyo rin nakatingin. Malungkot syang nakatanaw sa iyo bago tumingin saakin.

"Handa na ako." Aniya pa maya-maya kaya naman sinamahan ko siyang maglakad patungo sa liwanag sa di kalayuan. Hanggang sa kainin sya ng nakasisilaw na ilaw ay sayo nakadako ang kanyang tingin.

Nang mawala ang lagusan at maging siya, muli kitang nilingon. Kita ko kung paano kang tumingala sa taas saka umiling nang marahan bago ngumiti, tila ba sinasabi mo sa paraang iyon na nagtiwala ka, subalit nabigo. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng maliit mong ngiti. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng kuryosidad kong nararamdaman ngunit pilit ko iyong inignora bago pumikit upang bumalik sa lugar na siyang aking nagsisilbing tahanan sa lugar na ito--- ang sementeryo.

Sa daan-daang taon kong pamamalagi rito,  kahit minsan ay wala pang nakapagpatingin saakin nang matagal sa isang tao gaya ng ginawa ko sayo. Sa dami ng mga sinundo at inihatid kong kaluluwa,  hindi pa ako nalungkot sapagkat nilikha ako para sa tungkuling iyon. Kahit minsan, wala akong kakaibang naramdamang kakaiba gaya ng naramdaman ko sayo.

Naguguluhan ako dahil hindi dapat ako maapektuhan. Anong meron saiyo? Wala naman akong kakaibang napansin.

Wala akong pakiramdam subalit ano itong tila biglang sumigaw mula sa aking kalooban nang makita ang maliit mong ngiti sa labi?

Marahil ay dahil iyon sa lungkot sa iyong mga mata. Gayunpaman, nakakapagtaka. May nakita na rin naman akong mga malulungkot na tao, mga nagdadalamhati, mga naghihinagpis.


Saka ko lamang naalala. Ngayong araw ang aking ika-isang libong araw mula nang ako'y nilikha.

Ayon sa Kanya, sa ika-sanlibong araw ko dito sa lupa, bibigyan Niya ako ng isang munting regalo dahil sa aking ginagawang trabaho.

Naramdaman kong muli ang kakaiba mula sa aking loob. Hindi ko alam kung saan mismo ito nanggagaling subalit ang kakaibang pakiramdam na ito ay tila niyayakap ako at nagpapatamlay saakin.

Ito ba ang tinatawag na kalungkutan? Ito ba ang regalo Niya saakin? Ang magkaroon ng emosyon gaya ng madalas kong idalangin noon pa?

Bahagya na rin kasi akong nagsasawa sa tagal na rin ng aking pananatiling mag-isa. Paulit-ulit na pagsundo't paghatid ng mga kaluluwa ang aking gawain kaya naman hindi ko naiwasang hilingin mula noon na sana ay magkaroon ako ng dahilan, nawa ay magkaroon ako ng pakiramdam at emosyon gaya ng mga pangkaraniwang tao. Nais ko rin silang maintindihan.


Nais kong malaman ang mga emosyong nagagawa nilang ilabas.

Lumipas ang mga araw na nagpatuloy amg lahat at napagtanto ko ngang nagkaroon na ako ng pakiramdam. Natuto akong makisimpatya, malungkot, maawa, masaktan--- subalit hindi ko hinahayaan iyong makaapekto sa aking dapat na gawin.

Nararamdaman ko ang sakit bawat hikbi at hagulgol ng mga naiiwan, ang panghihinayang at pagsisisi sa mga kaluluwa, kasiyahan at kalungkutan sa kanyang pagsama sa liwanag.

Gayunpaman, wala pa ring makatatalo sa emosyong aking unang naramdaman dahil saiyo. Sa tingin ko, ang mukha mo ang nakita kong may pinakamalungkot sa lahat kaya naman hindi ko iyon magawang makalimutan.

Hanggang sa muli kitang makita makalipas lamang ang isang taon, iyon ay nang sunduin ko ang kaluluwa ng iyong namayapang ama.

Gaya ng nangyari noon, nakatulala ka malayo sa iba, sinundan ko ng tingin mula pagtingin mo sa itaas hanggang pagkurba ng maliit na ngiti sa iyong labi.

Muli kang umiling at nabasa ko ang pagbuka ng iyong mga labi.

"Pinabayaan Mo na naman ako."


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Starry Starry NightWhere stories live. Discover now