"Nice to meet you." Nakangiting sabi ni Edon at in-extend ang kanyang kamay kay Lloyd.

Pagkatapos mag-shake hands nina Lloyd at Edon ay hinila ko na si Coleen at nauna kaming maglakad habang nakasunod 'yong dalawa sa likod namin.

Mabuti na lang at may available pang table sa cafeteria kaya tabi kami ni Coleen na umupo habang katapat ko si Lloyd at sa kanya naman si Edon. Hindi ko rin talaga maiwasang mapangiti sa tuwing titingnan ko silang dalawa.

"Anong gusto mong kainin, prinsesa ko?" Tanong ni Lloyd at napansin ko ang biglang pagtingin sa kanya ni Edon.

Malambing kasi talaga si Lloyd kaya minsan ay napagkakamalang boyfriend ko siya pero palagi ko rin namang nililinaw na bestfriends kami kaya ganyan na lang din siya kalapit sa 'kin.

"Cordon bleu na lang sa 'kin, Lloyd." Sagot ko.

"Ikaw, Coleen?" Tanong naman ni Edon kaya napangiti na naman ako.

"Chicken fillet na lang din." Sagot ni Coleen bago tumingin sa 'kin nang masama pero nginitian ko pa rin siya.

...

Palubog na ang araw ng matapos ang huli naming klase at magkakasabay kaming naglalakad ngayon nina Coleen, Lloyd at Edon palabas ng campus.

Hinanap agad ng tingin ko ang sasakyang pinangsusundo sa akin ni Lolo Benjamin pero nakakapagtakang wala akong natanaw na itim na van.

Kinausap ko si Aze no'ng nakaraan na kung pwede ay ibang sasakyan na lang ang ipanghatid sundo sa akin ni lolo dahil masyadong agaw pansin ang limousine. Madali namang kausap minsan 'yong si Aze kaya pumayag din siya agad sa request ko.

"O bakit wala ka atang sundo ngayon?" Tanong ni Coleen.

"Oo nga e. Baka na-late lang siguro si lolo ng alis sa bahay o kaya traffic sa daan." Sagot ko.

"Kung wala ka pa ring sundo, pwede namang ako na lang ang maghahatid sa 'yo, Max." Singit naman ni Lloyd kaya nilingon ko siya.

"Naku, hindi na. Baka parating na rin si lolo. Salamat na lang."

Hindi na rin naman nangulit pa si Lloyd hanggang sa makalabas kami ng gate. Wala pa talaga si lolo pero naku ang atensyon ko ng mga estudyanteng nagkukumpulan sa gilid.

Nagbubulungan sila habang nakatingin sa itim na kotseng nakaparada malapit sa kanila at nang titigan ko iyon ay unti-unti kong na-realize na may katulad iyong sasakyan.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at dumoble pa nang tuluyan lumabas mula sa loob si Aze.

"Aze!" Hindi ko na napigilan tawagin siya at nagmamadali akong naglakad palapit.

Mukhang kagagaling niya lang sa Bloodstone dahil nakasuot pa siya ng formal attire. Bagay na bagay sa kanya ang suot nitong black long-sleeves na naka-fold hanggang siko at naka-tuck in sa suot niyang pencil skirt na as usual ay kulay itim din.

Nakuha ko naman agad ang kanyang atensyon niya ng tawagin ko ito at kusa akong napangiti ng magtama ang paningin namin.

"Anong ginagawa mo rito? Nasaan si lolo?" Taka kong tanong ng tuluyan akong makalapit.

"I have a spare time today so I've decided to fetch you." Sagot niya at napatingin sa likuran ko kaya napalingon din ako.

Nasa likuran ko pa pala sina Coleen, Lloyd at Edon.

"Gusto niyo bang sumabay?" Nakangiti kong tanong sa tatlo.

"Hindi." Sabay-sabay nilang sagot kaya napakunot ang noo ko dahil narinig ko si Aze na nag-no rin.

Engaged with the Vampire QueenWhere stories live. Discover now