PROLOGUE

10.2K 183 7
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

---
Prologue

BUMUKAS ang pinto ng kanyang kwarto at iniluwa niyon ang kakambal niyang si Raffa. May dala itong isang mini dress na nakasabit pa sa hanger na hawak nito. Parang nahuhulaan na niya ang ipagagawa nito.

"Mukha namang wala kang lakad, twiny. Ikaw na muna ang dumalo sa birthday bash ni Gella," wika nito na inihagis ang dress sa kanya.

"Ayoko." Protesta niya.

"Sige na, please?" Pagmamakaawa nito na pinagsalikop pa ang dalawang kamay.

"No. Nag-aaral ako. May exam pa ako bukas."

"River, last na 'to. Promise!" Itinaas pa nito ang kanang kamay.

"Bakit ka pa pumayag kung hindi ka naman pala pwede ngayon?" Iritable niyang tanong.

"Iyong friend ko kasing si Shanty, inimbitahan ako sa birthday party ni Luke Mendras. Iyong schoolmate mo na sikat sa university niyo na ultimate crush ko!" Parang hibang nitong wika na kinikilig-kilig pa.

Kilala ang Luke Mendras na iyon sa university nila. Sikat na basketball player at maraming kababaihan ang nahihibang sa binata. Kasama na doon ang kakambal niya.

" 'Di ba kaibigan mo din si Gella?"

"That's why I need your help. You just have to pretend that you are me."

"I can't be you."

"Yes, you can!" Hinila siya nito at iniharap sa salamin upang ayusan. Wala na siyang nagawa kundi sundin na lang ito.

Matapos siyang ayusan nito ay sabay silang nagtungo sa magkaibang party. Gagayahin niya lang daw ang kilos nito at pananalita. Magagawa naman niya iyon dahil ilang beses na siyang gumanap bilang ito. Kabi-kabilang party kasi ang dinadaluhan nito. Mahirap talaga kapag may kakambal.

Bukas ang malaking gate at marami na ang nagsisidatingan.

"Hi! Can you be my date just this night?"

Nagulat siya ng umakbay sa kanya ang lalaking may katangkaran. She can smell his manly scent. She held up her head. Laking gulat niya nang salubungin ng labi nito ang mga labi niya!

This nobody is kissing me!

Twin Switch [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon