"Late ka ng 1 minute -_-" Iritado niyang sabi sa akin.

Ginawa ko na ang pinakasincere na sorry ko Diary. Big deal na big deal sa kaniya ang 1 minute. Kahit ganun masaya pa rin ako dahil makakasama ko siya!

Pumunta siya sa isang kotse. Nagtaka pa ako sa mga panahong yun Diary kasi iniwan niya na lang ako. Sinundan ko na lang siya. Tapos ang dami ko pang dala!

"Pasok."

Pumasok ako gaya ng sabi niya. Sa'n naman kaya niya ako dadalhin?

Bigla akong nakaramdam ng takot at kaba Diary. Kasi yung driver ay nakajacket at nakasumbrero! Haller? Ang init kaya! Tirik na tirik ang araw! Kinakabahan din ako dahil kay Thin. Sang lupalok niya kaya kami gusto gumawa ng scrapbook na ito?

Ang boring sa kotse niya Diary. Walang music at walang nagsasalita. Kaya hinintay ko na lang na huminto 'tong sasakyan. Ganoon nga ang nanyari, huminto na ito!

"Let's go." Sabi ni Thin sa akin.

Hindi na ako nakapagsalita dahil manghang-mangha pa rin ako sa restaurant na ito. Ba't niya ako dinala rito? Magdedate ba kami Diary?

Sinundan ko na lang siya hanggang makarating na kami sa loob. Makaluma ang dating na restau na ito. Parang antique lahat! Ang ganda!

"VIP Room." Sabi niya sa isa sa mga staff.

"Okay Sir!"

Pumunta naman kami run. Grabe! Sa kanila ba ito? Ang yaman nila! Tapos ang swerte ko pa dahil dito kami gagawa. Kaso nagkaroon ako ng problema nun Diary. 50 pesos lang ang dala kong pera. Paano na ito? Hindi ako ready mag-urong.

Okay din itong VIP room na ito. Kaso dalawa lang kami. Kinakabahan tuloy ako baka kasi may gawin siya sa akin. Tsk. Ang bastos ng utak ko!

"Wala ka bang dila o mabaho hininga mo?"

Namula at bigla naman akong nahiya ng sobra nung sinabi niya yun!

"Che! Nahihiya lang ako noh!"

Hindi naman siya nagsalita ngayon. Kitam? Paano naman ako magsasalita kung ganiyan siya katahimik?

Kinuha ko na lang yung pamphlet at mag-oorder na. Habang tinitignan ko ang mga pagkain, naiiyak ako kasi SOBRANG MAMAHAL ng pagkain. 50 lang naman kasi yung pera ko.

Tumingin ako ng pagkaing kakasya sa budget ko. Luckily may nakita naman ako. 10 pesos lang. Nung tinignan ko kung ano ang pagkain na yun, TUBIG yun! Grabe may bayad pa pala ang tubig. Ano ang gagawin ko Diary?

"Sure ka bang tubig lang ang oorderin mo?"

"Eh kasi Thin. 50 lang dala kong pera." Pagpapaawa effect ko para pautangan niya ako o ilibre niya ako.

"It's my treat."

Nagningning ang mga mata ko nung sinabi niya ang mga words na yun Diary! Nag-order ako ng konti lang hihi. XD May hiya naman ako kahit papaano Diary! Inorder ko lang ay Italian Spaghetti at Burger.

Habang hinihintay namin ang order namin, tinanong ko muna si Thin.

"Sa inyo ba itong restaurant?"

Tumango lang siya! Grabe ang yaman nila! Kainggit!

Nagtanong-tanong pa ako ng kahit-ano gaya ng anong shampoo mo, favorite mo, aso mo, pusa mo. Hanggang sa natanong ko yung kay tungkol kay Blossom May Olifernes.

Alam mo ang sagot niya? Eto lang naman "We're not yet close para sabihin yan sa iyo."

Ang daya niya. Pero fin'lly dumating na order namin. Kumain muna raw kami bago gawin yung scrapbook. Ang sarap ng mga foods! Gusto ko pang umulit kaso nahihiya naman ako. Agad din naman kaming natapos.

Diary Ng BABOYWhere stories live. Discover now