Dahil tanghali na ay kumain muna ang lahat sa resort kung saan kami tutuloy. May kakabit itong restaurant kaya naman doon na dumiretso ang lahat. Nang matapos kaming kumain ay pinayagan kaming maglakad-lakad muna para makapagpahinga. Ang iba ay dumiretso na sa kani-kanilang kwarto kasama na sina Yerim at Rafa samantalang ako ay mas pinili kong maglakad-lakad muna.

I want to appreciate the beauty of this island. Hindi naman gaanong mararamdaman ang init ng araw dahil malakas rin ang hangin sa lugar.

Hinubad ko na ang tsinelas ko to feel comfortable with the white sand. Malayo-layo na ang nalakad ko. Nasa dulo na yata ako ng isla when I stopped right in front of a white house na sa tingin ko ay sinadyang itayo roon to have this beautiful view every morning. Walang ibang kulay ang bahay na may dalawang palapag maliban sa navy blue nitong bakod.

Kung sino man ang nakatira rito ay sigurado akong palaging maganda ang araw niya. Having a house like this is priceless. Parang ang sarap magkaroon ng ganitong bahay.

Sa sobrang nakakahatak talaga ang ganda ng bahay ay unti-unti na akong lumapit patungo roon. Hindi naka-lock ang maliit nitong gate na hanggang baywang ko lang kaya tuluyan na akong tumungo sa loob.

May duyan sa gitna ng dalawang malaking make-tree roon kaya doon ako dumiretso. Napansin ko rin ang maliliit na kulay puting bato na nakakalat sa bawat daraanan imbes na buhangin ang naroon. May puting round table at puting upuan sa tabi ng pinagkakabitan ng duyan. Maging ang duyan kung nasaan ako ngayon ay puti rin kaya mas lalo akong namamangha.

Nang mainip ako ay naglakas-loob akong sumilip sa glass window ng bahay dahil bahagyang nakabukas ito. Napangiti ako nang makita ko ang loob ng bahay. It was decorated by a geometrical theme. The color is refreshing. It's white and a touch of navy blue color. Maging ang mga furnitures that made by an ocean structures ay ganoon rin ang mga kulay. Ang gaan sa paningin! This is so amazing!

I stepped back and went to the front door. Nang pihitin ko iyon ay agad na bumukas. Thank God dahil hindi ko talaga mapigilan na tingnan ng mabuti ang loob ng bahay na ito!

"Hello? Is there anyone here?" tawag ko sa kung sino man ang narito ngunit walang sumagot.

"I just wanna tell you that your house is amazing and I love how it made," pagpapatuloy ko pero wala pa ring sumasagot.

Nakakita ako ng glass of juice at tuna sandwhich. Kalahati na ang juice at may bawas na rin ang sandwhich kaya sigurado akong may tao rito ngayon.

"I hope you don't mind me entering your house. I just got curious how it looks like inside when I saw this outside."

Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay. There's a big frames around the house. Maging sa ikalawang palapag ay makikita mo ang mga abstract painting at mga painting ng sunset at dagat. A girl in shadow like a silhouette style pero hindi iyon ang nakakuha ng buong atensyon ko. I saw a painting of a girl sa pinaka-center ng bahay. Naka-side view ang babae at parang sinadya niyang tumingin sa kung sino man ang nagpipinta sa kanya. Her genuine smile is amazing! Masyadong nakakadala dahil maging ang mga mata niya ay nakangiti rin. She's wearing a flower crown na bumagay sa puti nitong dress kaya mas lalo akong nangiti.

The Night in Tierra Fima | COMPLETEDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن