Kabanata 60

Depuis le début
                                    

I bit my lower lip and firmly closed my eyes. The cold from the running water filled the warmth feeling inside my heart. Ang tahimik na pag-iyak kong iyon ay nagmistulang patalim na paulit-ulit na tumatarak sa puso ko sa tuwing pinipigilan kong ilabas iyon.

I will take what happened tonight as my worst nightmare— it was so bad that I knew I would make it an excuse to end my life.

After an hour of crying inside the bathroom, I immediately took a shower and pretend like nothing happened. Sa takot na baka walang maniwala sa'kin ay hinayaan ko na lamang lalo na't wala namang nakakita at alam kong malakas ang kapit ni Noah sa mga taga-rito.

Matapos kong maligo ay nanghihina akong nagpahinga saglit bago sunduin si Ria kina Avery. Hindi pa rin dumadating si Levi which is my least concern now dahil mas gusto kong makasama ang anak ko sa ngayon.

"Rae! What happened? Kanina ka pa hinihintay ni Ria. Bakit ngayon ka lang?" salubong sa akin ni Avery nang makapasok ako sa kanila.

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya sa takot na baka mapansin niya ang labis na pamumugto ng mga mata ko.

"M-may nangyari lang. Nasaan na?" iwas na tanong ko sa kaniya at hindi na siya tinapunan ng tingin pa.

"She's asleep. Alam mo na ba ang nangyari kay Levi?" tanong niya sa'kin kaya natigilan ako sa paglalakad.

Tiningnan ko ito. "What happened?"

Kumunot ang noo nito. "Hindi ka ba nasabihan? Tumawag siya sa'kin kanina at tinatanong kung nandito ka raw ba. Nasa ospital siya ngayon kasama si Tatay Henry. Inatake sa puso si Nanay Mel," paliwanag nito.

Agad na rumehistro sa utak ko ang nangyari kanina at ang masasamang inisip ko tungkol sa kaniya. Sa isang iglap ay biglang naglaho ang naramdaman kong galit para sa kaniya at napalitan iyon ng konsensya.

Iniwas ko ang tingin kay Avery at tuluyan nang naupo.

"Kaya pala hindi na niya ako nabalikan sa kamalig kanina," tamad na sambit ko sa hangin.

Naramdaman ko na naman ang paninikip ng dibdib ko kasabay ng pag-upo niya sa tabi ko.

"Ayos ka lang ba? Bakit ganiyan ang mga mata mo? May nangyari ba?" sunod-sunod na tanong niya sa'kin.

Mapait akong ngumiti sa sarili ko. If only I could tell you, Ave. Sana ay puwede, dahil sobrang bigat na.

"I had a dream about my mom and younger brother. Nakatulog kasi ako kanina kaya hindi agad ako nakapunta rito. Pasensya ka na sa abala, Ave," palusot ko sa kaniya at kinusot ko pa ang mga mata ko.

Nang tingnan ko ito ay punong-puno ito ng pag-aalala. Maya-maya pa, napaawang na lamang ang bibig ko nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. Naramdaman ko pa ang dahan-dahan niyang pag tap sa likod ko.

The Night in Tierra Fima | COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant