Natigil ako sa paglalakad dahil sa ginawa niya. Halos matumba kasi ito dahil sa pagkakatulak niya. Nang tingnan ko si Levi ay nangunot ang noo ko nang makita ko ang matinding galit sa kaniya.

"Ano bang problema mo?" Hindi ko na napigilang tanong sa kaniya nang bumaling siya sa'kin ng tingin.

Lalong nangunot ang noo nito.

"What?" naiirita niyang baling sa akin kaya mas lalo akong nagulat sa inaakto niya.

"Ano bang nangyayari sa'yo? You just pushed Noah—"

"I told him to back off pero hindi niya ginawa, and I also told you to not listen to him pero hindi mo rin ginawa," mariin niyang sinabi sa'kin at bigla na lang akong hinawakan sa kamay ko nang mahigpit.

"Let's go," dagdag pa nito at hinila na ako palayo sa kanila kaya hindi na ako nakapagsalita.

Nang makarating kami sa town house ay saka lamang niya ako binitiwan. Naramdaman kong hindi niya ako kakausapin kaya diretso akong umakyat patungo sa kwarto namin at nagsimulang ayusin ang aking sarili.

Gusto kong isipin ang kung anong nangyayari sa pagitan nila ni Anne ngunit masyadong kinukuha ng sinabi ni Noah ang atensyon ko— that Levi impregnated his ex-girlfriend before. Kung totoo man iyon, nasaan na ang anak niya sa babaeng tinutukoy nito? Bakit hindi niya sinabi sa'kin ang tungkol roon? Why hiding a secret like this? Hindi ito tipikal na sikreto lamang. This is somewhat horrifying. I fucking admit it.

Tamad akong tumungo sa banyo at tiningnan ang sarili ko roon. I look wasted. Gulo-gulo ang basa kong buhok. Bakat na bakat ang bralette na suot ko at ang short kong maikli. Namumula rin ang mukha ko dahil siguro sa init.

Saglit ko pang tinitigan ang sarili ko sa salamin. Wala pa rin akong maintindihan sa nangyayari.

Hinubad ko na ang see-through dress ko at binuksan ang tubig sa bath tub upang mapuno na iyon. I was about to take off my short and bralette when the door suddenly opened kaya mabilis kong nilingon ang salarin.

Sumalubong sa'kin ang galit na ekspresyon ni Levi kaya iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kaniya. Sa halip na maghubad ay hinayaan ko ang sarili kong lumubog sa tub nang may suot.

"Anong sinabi sa'yo ni Noah?" tanong niya kaagad sa'kin nang may halong pagbabanta.

"Anong ginawa ninyo ni Anne? Saan kayo nagpunta? Bakit lagi kayong magkasama?" balik na tanong ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot kaya tiningnan ko na siya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang labis na pagtataka. Saan nanggagaling iyon?

"What?" He uttered.

"I was looking for you. Pupuntahan ka sana namin ni Ria hanggang sa kunin siya kanina ni Avery kaya ako na lang ang naghanap sa'yo. Bakit ba lagi kayong magkasama ng babaeng 'yon? Akala ko ba ay bakasyon natin ito?" dire-diretso kong sabi sa kaniya.

The Night in Tierra Fima | COMPLETEDWhere stories live. Discover now