"This one or that—"

"I like the second one," I cut her off.

Mabilis itong bumaling sa'kin ng tingin.

"Really? But the first one is great. Right, Lev?" She insisted and then held his arms. Hindi lang basta hawak, tila hinahaplos nito iyon kaya napataas ang kilay ko.

Levi looked at me for a second before turning back to Anne. Ngumiti ito sa kaniya at nakita ko kung paano niya inalis ang kamay ng huli sa braso niya.

"Rae will decide. Kung ano ang gusto niya, iyon din ang sa'kin," he declared which made me smile ngunit agad na nawala iyon dahil sa sinabi ng babaeng ito.

"But you should choose, too, dahil siya na ang pumili ng design sa loob. Don't get me wrong, please, I just want it to be perfect dahil kaibigan kita," nagmamagaling nitong sambit sa magiging asawa ko.

I can now feel the sudden irritation inside of me. Unti-unti akong kinakain nito at pakiramdam ko ay isang salita pa niya ay tuluyan nang mapuputol ang pisi ng pasensya ko.

Bago pa makapagsalita ang isa sa kanila ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Levi. Agad niya iyong kinuha at saglit na nagpaalam sa akin. Tinanguan ko na lamang siya.

Nang sandaling makalabas siya ay saka ko lamang binalingan si Anne na wala nang kibo. Kunwari itong may tinitingnan sa ibang folder na nakalatag sa mesa roon kaya hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya.

"This project is important for you, right?" I asked her.

She immediately look at me with her forehead furrowed.

"Of course, Astraea. Why?" balik niyang tanong sa'kin.

Nagkibit-balikat ako at pinasadahan ko ang mga sample niyang nakalatag sa mesa.

"You're great. Ang gaganda ng mga sample mo, ano pa kung totoong bahay na talaga, di ba?" pagpapatuloy ko.

Nang tingnan ko siya ay nakatingin lang din siya sa'kin kaya natawa ako. Sinadya kong makita niya kung paano ko siya tingnan mula ulo hanggang paa na mas lalong ikinakunot ng noo niya.

"What are you talking about, Astraea—"

"Call me Ms. Laxamana, Anne. My fiancé is your client that makes me your client also," I told her at mataman pa siyang tinitigan.

Saglit siyang natigilan sa sinabi ko at nag-iwas ng tingin. Nang muli siyang bumaling sa'kin ay nginitian ko ito. Mas lumapit pa ako sa kaniya at hinaplos ang buhok niya.

"This is our house. We will live in this house after we get married. Kami lang at ng anak ko, you are not included so why are you interfering with the design of our house?" I asked her directly.

The Night in Tierra Fima | COMPLETEDWhere stories live. Discover now