Napahawak ako sa braso ni Levi dahil pakiramdam ko ay babagsak ako—sa sobrang hilo, gutom at sakit dahil sa nangyayari sa anak ko.

"I'm AB negative, doc. I will donate as much as I can. Kung gaano karami ay wala akong pakialam," Levi immediately uttered, ramdam ko ang panginginig ng boses niya.

"But will surgery be good for her? I mean, she's too young and weak," Levi's dad asked kaya napatingin ako sa kaniya.

Bakas sa dalawang matanda ang labis na pag-aalala. Napapikit na lamang ako nang mariin dahil hindi ko na alam kung anong una kong iisipin. Nararamdaman ko na ang pagod sa buong katawan ko at pakiramdam ko ay babagsak ako sa sobrang panghihina. I want to rest but I can't. Gusto kong makitang maayos na ang anak ko.

"Actually, surgery is the best option for her dahil mabilis maubos ang red blood cells niya. Ngayon, hangga't hindi pa tayo nakakahanp ng donor, kailangan muna niyang masalinan ng maraming dugo para bumalik ang lakas niya," paliwanag nito sa'min kaya napatango na lamang ako.

Pinalis ko ang mga luhang lumalandas sa pisngi ko at kinuha ang kamay ng doktor.

Napasinghap ako. "Gawin niyo po ang lahat, doc, please. Hindi ko po kakayanin..." I almost whispered to her.

Tumango lang ito. Nang matapos niyang ipaliwanag lahat ay bumalik na ako sa tabi ni Ria na hanggang ngayon ay tulog pa rin. Hinanap ng mga mata ko si Levi at nakita ko siyang lumabas kasama ang mga magulang niya. Marahas akong napabuntong-hininga at hinayaan na ang sarili kong humiga sa tabi niya. Ilang minuto ko pa itong tinitigan dahil baka magising siya pero hinatak na ako ng antok.

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng kaluskos. I slowly open my eyes only to see my daughter still sleeping beside me. Nang mapadako ang tingin ko sa pintuan ng kwarto ay nakita ko roon ang dad ni Levi, tila may kausap ito sa cellphone niya dahil nasa tainga niya ito. I was about to go up but I stiffened when I heard what he said.

"My son has nothing to do with her. Ang apo ko lang ang importante—no! I will not step down just because I accidentally killed her father. Aksidente ang nangyari, Pablo," mariin nitong sambit sa kausap niya.

Bumagal ang tibok ng puso ko. Ibinalik ko ang tingin ko sa anak ko at pumikit nang mariin habang naririnig ko pa rin ang mga matatalim niyang salita.

"It wasn't my fault! Basta, gawan mo ng paraan lahat. Kung malaman man niya ay wala na akong magagawa roon—wala akong pakialam! Hindi pa naman sila kasal, ang importante ay ligtas ang apo ko, siya lang ang importante sa pamilya niya," dinig ko pang dagdag nito.

Napangiwi ako. Ramdam ko ang pagpupuyos ng galit at sakit sa puso ko nang marinig ko iyon. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko. Tinakip ko pa ang braso ko roon upang hindi ako makakita ng liwanag.

I gasped for an air. As I was suffocating myself from forcing not to howl like a wolf, my heart's starting to burn inside. Bigla akong nanliit para sa sarili ko. Bigla akong nakaramdam ng kahihiyan para sa sarili ko. Walang galit, tanging awa lang para sa sarili ko at sa anak ko. Hindi ko alam kung saan ito nanggagaling pero pakiramdam ko ay kahit na anong gawin ko'y hinding-hindi ako magiging sapat para sa ibang tao. Hinding hindi ako makakapunta sa lugar kung nasaan sila. Siya ang pumatay sa papa ko, bakit siya pa itong matapang?

Marahan kong pinukpok ang dibdib ko dahil napakasakit no'n. Wala na akong naririnig na kahit na ano, tanging mahinang pag-ungol ko lamang dahil sa paghagulhol ko.

"M-mommy..."

Natigilan ako nang marinig ko iyon. Nang ibaling ko ang tingin ko sa kaniya ay kunot-noo na itong nakatingin sa'kin kaya halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko.

"O-oh, god, Ria... you're awake," bulalas ko at mabilis na niyakap siya nang mahigpit. Tuluyan na akong napahagulhol nang malakas.

"Why are you crying, mommy? May masakit din po ba sa'yo?" Inosente nitong tanong sa'kin. Yes, anak. Masakit ang puso ni mommy.

"W-wala, anak. Sobrang nag-alala lang si mommy sa'yo. How are you feeling? May masakit ba sa'yo?" I asked her when I pushed her away from me.

Inayos ko pa ang gulo-gulo nitong buhok. Ni hindi ko na alam kung nasaan na ang dad ni Levi.

"Inaantok po ako, mum. I want to see daddy..." she requested kaya paulit-ulit akong tumango at inayos ang sarili ko.

"I'll call your dad. Wait me here, okay? I'll just call him, he's outside, hintayin mo 'ko," pagmamadali kong sinabi sa kaniya at halos takbuhin ko na ang pinto upang makalabas lang.

Mabilis na hinanap ng mga mata ko si Levi at nakita ko siyang kausap niya pa rin ang doctor. Nang matapos sila ay saka ako lumapit.

"I'll donate my blood to her later. Magpahinga ka na, Astraea. You looked very tired, mahal," marahan nitong salubong sa'kin at hinalikan pa ako sa labi.

"You cried," he stated kaya napaiwas ang tingin ko sa kaniya. Nahahip ng mga mata ko ang dad niya.

"What happened? Gising na ba siya? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalala niyang tanong sa'kin kaya napailing na lamang ako.

"She's awake and she's looking for you. Bibili lang ako ng kape," I told him but he was still holding me.

"Ako na ang bibili. Magpahinga ka na lang," he insisted.

"I'm fine, I can do it. Puntahan mo na muna si Ria, hinahanap ka niya," utos ko sa kaniya at pinakatitigan pa siya.

Ilang minuto pa kaming gano'n bago siya pagod na bumuntong-hininga at tumango. Hinalikan pa niya akong muli sa labi bago siya pumasok sa kwarto. Nang mawala na siya sa paningin ko ay mabilis kong sinundan ang dad ni Levi. Nadatnan ko ito sa pantry ng ospital. Wala nang gaanong tao roon dahil private ospital ito at kakaunti lang naman ang pasyente rito. Nag dalawang isip pa ako kung lalapitan ko ito ngunit ginawa ko rin kalaunan.

"Rae? What brings you here? Seat," nagulat ngunit kaswal na sinabi nito sa'kin kaya ginawa ko ang sinabi niya.

"Gising na ba ang apo ko?" Dagdag pang tanong nito kaya natawa ako na ikinagulat niya.

"Alam ho ba ni Levi kung gaano kasama ang ugali ninyo?" Hindi ko na napigilang tanong sa kaniya.

Nakita ko ang saglit na pagkagulat sa mga mata niya ngunit nawala rin kaagad iyon at napalitan ng blangkong ekspresyon. Mabuti na lang ay hindi nito kamukha si Levi.

"What are you talking about, ija?"

"Kayo ho ang nakasagasa sa papa ko na namatay rin kalaunan dahil sa ginawa ninyo," I declared to him. "Alam niyo ho bang buhay pa rin sana siya hanggang ngayon kundi niyo lang siya iniwan nang araw na 'yon?" Mariin na dagdag ko pa na tuluyang nakapagpatalim ng tingin niya sa'kin.

"That was an accident, Astraea—"

"Aksidente pa rin ho bang matatawag ang pagiging hipokrito ninyo sa'kin at sa anak ko? Nagpapanggap kayo na gusto ninyo ako para sa anak mo, pero kung 'di dahil sa apo niyo ay hindi niyo ako tatanggapin. Tama ho ba ako, Mr. Acuzar?" Tuluyan ko nang sambit sa kaniya.

I didn't plan this all along. Kung ako lang ang masusunod ay hindi ko na gugustuhing bumalik pa sa sitwasyon na ito. Pero habang tumatagal yata na akala ko tanggap at nakikilala na ako ng lahat, unti-unting lumalabas kung anong totoong pakay nila sa'kin... sa'min.

The Night in Tierra Fima | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon