Napakamot na lamang ako sa ulo ko at nahihiyang ngumiti sa kaniya. Kumindat lang ito sa'kin at umalis na nang iabot na sa kaniya ni Levi ang mga papeles. Bago pa siya makapagsalita ay biglang lumapit sa'kin si Pola na malawak ang ngisi kaya nangunot ang noo ko.

"Ma'am Rae, may naghahanap po sa inyo sa restaurant, kanina pa," magalang na sinabi nito sa'kin kaya halos matawa ako.

Pinagtitripan ba ako nito?

"Stop with that 'ma'am', Pola. Sino raw?" Natatawa kong tanong sa kaniya.

Nakita ko pa ang pagbaling niya sa katabi ko bago sumagot.

"Si Jaxon," she uttered na parang nag-aalangan pa.

Pasimple kong sinulyapan si Levi na bigla na lamang nag-igting ang panga nang tumingin sa'kin.

"Ano bang kailangan sa'yo ng gagong 'yon at pati rito ay sinundan ka?" tanong nito sa'kin sa tono ng naiinis.

Tamad akong tumingin kay Pola at tinanguan na lamang siya saka umalis. Bumaling muli ako kay Levi nang makaalis ito.

"Gusto lang niya akong makausap," marahan kong sinabi sa kaniya at inayos ang button down na suot niya.

Nangunot lalo ang noo nito kaya natawa ako.

"At ano pang pag-uusapan niyo? Hindi mo na kailangang harapin ang lalaking 'yon, Astraea," mariin na sinabi niya sa'kin at matalim akong tiningnan.

Inirapan ko lamang ito at sunod na inayos ang buhok niya. Sinadya ko itong guluhin sa harap at napangiti ako nang mas lalo siyang naging gwapo roon.

"Ikaw lang ang gusto ko, Levi. You're the father of my child and no one can change that. Tingin mo ba ay malaking hadlang si Jaxon sa'yo?" Pang-aasar ko sa kaniya kaya lalong kumunot ang noo nito.

I kinda like it when he's pissed off. Hindi ko malaman ang itsurang pinapakita niya sa'kin ngayon pero nagugustuhan ko iyon. It's kinda addicting. The way he's being protective to me is addicting. Parang gusto kong mapahamak araw-araw para lang daluhan niya ako at protektahan.

"Jaxon is not a threat to me, Astraea. I just don't want him near you. Wala akong tiwala sa kaniya," mariin ngunit pilit na pinapalambot ang bawat salita niya.

"He's still your cousin. Limang taon kaming nagkasama sa ibang bansa pero ni minsan hindi pumasok sa isip ko na patulan siya. Stop being so paranoid and clingy," I told him while tip-toeing and trying to reach his lips to give him a kiss.

Nang makita niyang nahihirapan ako dahil sa sobrang tangkad niya ay kusa na itong yumuko para salubungin ang halik ko. Ni hindi ko na inintindi ang mga nanonood sa'min. Wala na akong pakialam.

"Mag-uusap lang kami at saglit lang iyon. Babalik agad ako," marahan kong sinabi sa kaniya at hindi pa rin inaayos ang pagsayad ng paa ko sa lupa.

He even reach my forehead and shower me a kisses there kaya lalo akong napangiti. Nang tumango siya ay tinalikuran ko na siya upang tumungo sa restaurant. Nakita ko pa ang nanonood na si Hoseah sa'min kaya inirapan ko agad siya.

Nang makarating ako sa restaurant ay hinanap agad ng mga mata ko si Jaxon. I immediately went to him nang makita ko siya. Tumayo pa ito nang makita ako.

"How are you and Lorraine? I haven't seen her for a week now," he open up to me when we sat down.

"Nasa mansion lang siya, Jax. Hindi ka pa ba umuuwi roon?" Takang tanong ko sa kaniya.

Nakita ko ang pag-iwas ng tingin nito sa'kin kaya lalong nangunot ang noo ko. Bigla kong naalala ang sinabi sa'kin ni Yerim tungkol sa nakaraan nila ni Levi. Matagal na bang may gap ang mga ito at pati ang pag-uwi sa mansion ay hindi niya magawa? Anong bang nangyari talaga?

The Night in Tierra Fima | COMPLETEDWhere stories live. Discover now