24

1.6K 78 0
                                    

"Baby..."

Jungkook's worried face was the first thing Taehyung saw the moment he opened his eyes. The white ceiling followed. Isabay pa ang pamilyar na amoy na sa buong buhay niya ay hindi niya malilimutan dahil na rin sa halos araw-araw na pagpapabalik-balik sa lugar na ito.

"Ares..."

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ng asawa.

Sinubukan ni Taehyung na bumangon. He is still feeling dizzy but not as bad as earlier. Medyo umayos naman na ang pakiramdam niya.

"A-Ayos lang," he answered.

Halos mapaigtad siya sa kinauupuan nang mapansin ang mga taong nasa loob ng kwarto. They all look worried. Napatingin siya sa asawang inaalalayan siya sa pag-upo.

"B-Bakit kayo nandito?" tanong niya.

"We were so worried, Taeh. Kamusta ka? May masakit ba sa'yo?" Nayeon asked. Lumapit ito sa kanya.

"Ayos na ang pakiramdam ko. You don't have to stay here with us-"

Namjoon clicked his tongue. "Dito lang kami, Taehyung. Hanggang sa bumuti ang pakiramdam mo."

"Pero may trabaho kayo bukas-"

"Bukas pa naman 'yon. We'll stay here tonight," si Eunwoo iyon.

"Magpahinga ka ngayon. Bumawi ka ng lakas," sambit ni Jimin, inaayos ang unan sa likod niya upang may masandalan.

"What about Eros and Erah? Si A-Ate Helena lang ang kasama nila sa bahay," nag-aalalang saad ni Taehyung.

"Nasa bahay si Sana. Sinamahan niya 'yung dalawa," his husband answered.

Hindi na muli pang nagsalita si Taehyung. This scene feels familiar. Ganitong-ganito rin ang senaryo noon nung nilalabanan niya pa lang ang sakit niya. Kung hindi lang bawal na magkarami sa loob ng silid ay paniguradong doon na natulog ang mga kaibigan.

Hindi lang siya nag-aalala para sa sarili niya kung hindi para na rin kay Ares at sa dalawang anak. Masyado siyang nakampante na walang masamang mangyayari.

"It wasn't about the cancer, Taeh. You don't have to worry. Pero over fatigue ka raw sabi ng doctor. You've been pushing yourself to your limit. Rest is what you need now," sabi ng kaibigang si Jimin sa tabi niya.

Taehyung bit his lower lip, slowly nodding. Alam niyang kasalanan niya rin. Totoo nga ang sabi-sabi na hindi porke walang masamang nangyayari sa'yo ay hindi mo na iingatan ang sarili mo.

Taehyung should take care of his health from now on. Not only for himself but for the people he loves.

PadabaWhere stories live. Discover now