"Irina, lalaki ako. Alam ko kung anong nasa isip ni Chase."


Tinignan ko lang si Kurt. He is not doing this, is he?


"I know what you're thinking. Hindi kita pagbibigyan bumack out." Aniya.


"That is one selfish act." Sagot ko.


"I know."


Ngumisi si Kurt at natatawang umiling ako saka ko tinapos ang paghuhugas. Pagkatapos kumain ay pumasok ako sa kwarto para makaligo sa may CR ko doon. Nagbihis ako ng maayos na damit saka ako bumaba ulit. Doon bumungad sa akin sila Kurt na nag-uusap pa doon.


Kita ko ang way ng pagtingin ni Chase kay Kurt. He's looking at him coldly at nang umupo ako sa tabi ni Kurt ay sakin naman lumipat ito ng tingin. Lumunok ako kasabay ng paglakas ulit ng tibok ng puso ko sa kaba.


"Ina, alis na muna kami ni Irina. Okay lang ba?" Tanong ni Kurt.


"Oh sure. Ingat kayo." Ani Ina.


Tumayo kami ni Kurt at lumabas ng bahay. Nandito yung sasakyang ginagamit noon ni Kurt nung mga panahong nandito siya para sundan ako. Pinagbuksan ako ng passenger seat ni Kurt at agad naman akong sumakay. Habang sinusuot ko ang seatbelt ay umikot si Kurt sa sasakyan para makaupo sa driver's seat.


Lumuwas kami ng Maynila ni Kurt at huminto sa isang shop. Bumaba kami ng sasakyan para makapunta doon. Pinagbuksan ako ng pintuan ng shop ni Kurt at nakita kong nandoon ang secretary ni Kurt. Ngumiti siya sa amin at ako ang una niyang nilapitan.


"Sir. diyan lang po kayo. Pahiram po muna kay Ms. Jace." Ani ng secretary niya at walang sabi-sabing hinila ako.


Pumunta kami sa likod ng shop. May babae namang nagsara ng kurtina, hinahati ang buong shop gamit iyon. Tinapat ako ni Gel sa may salamin kung saan may mannequin na nakatayo at may wedding gown na suot. Napanga-nga ako saka ko tinignan si Gel.


"Sabi na nga ba magugustuhan ninyo eh!" Aniya sakin.


"Oh my God. Gel, this is gorgeous." Sagot ko at nilapitan ang wedding gown.


Ang wedding gown ay may 3/4 sleeve na gawa sa tulle lace. Pure white ang gown. Tube type ball gown sana siya pero may sleeves nga na gawa sa tulle lace. Pinaikutan ko ang mannequin at napansing may pagka-long back siya. Hinawakan ko ang sleeve pababa sa may palda nito na gawa rin sa tulle. Saka ko lang nakita na may gloves siya na gawa rin sa puting tulle lace.


"Nagustuhan niyo po ba?" Tanong ni Gel sakin.


Tumango ako habang pinagmamasdan ang wedding gown. "I love it, Gel." Sagot ko.


"Sabi kasi ni Sir. Ibanez, mahilig daw po kayo sa lace at yan po umagaw ng pansin ko. Kaya po kinuha ko agad ang vital statistics niyo." Paliwanag niya sakin.


Tumango ulit ako at tinignan ang babaeng nagtatrabaho dito na may ngiti sa labi.


"Pwede ko bang sukatin?" Tanong ko.


"Yun nga po ang gagawin natin ma'am." Sagot niya sakin at medyo natawa.


Napa-oh na lang ako. Pinagbihis nila ako at tinulungan akong suotin ang wedding dress ko. Pagkatapos ay humarap ako sa salamin.


Gusto kong maiyak sa nakikita ko. My heart is just so filled with excitement and joy. Ang sarap lang imaginin na naglalakad ako papunta sa altar na ito ang suot ko. Hinawakan ko ang palda ng gown at dinama. Nawala ang ngiti sa labi ko nang sumagi sa isip ko si Chase.


I wanted him gone. Gusto ko na tigilan niya na ang panggugulo sa akin at yun naman ang ginawa niya kanina. Hindi niya naman ako ginulo pero bakit pakiramdam ko ay ginugulo niya pa rin ako? Why am I seeing him in that altar instead of Kurt?


Sa ngayon, hindi ko na alam kung alin ang tama o mali. I'm confused as shit. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ito o paninindigan ko ang desisyon ko. I... I honestly can't deny the fact na...


I can't deny the fact na mahal ko pa rin si Chase pero may humaharang at iyon ang safe zone ko. Safe from all the pain but the ice has already melted. Walang ginagawa si Chase pero nasasaktan na naman ako at alam ko. Alam ko na ako na ang pumipigtal sa sarili kong mga string. Ako na lang mag-isa ang nananakit sa sarili ko.


"Ma'am, okay lang kayo?" Tanong ni Gel sa akin.


I gave her a smile and nodded.


"I'm just happy." I think.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now