Tumawa si Kurt at iniharang ang mga kamay niya sa counter na sinasandalan ko. Tinaasan ko ng kilay si Kurt habang ang tasa ng kape ay hawak ko ng parehong kamay at nakatapat sa dibdib ko.
Yumuko si Kurt para halikan ako. Pumikit ako saka ko tinugon si Kurt and I'm still holding my mug. Kasabay ng pagpikit ko ay ang pagbaha ng iba't ibang ala-ala ko with Chase. I literally want to slap myself awake dahil sa naiisip ko si Chase. Hindi ko talaga alam kung anong problema ko.
Tumigil si Kurt nang may tumikhim sa likod niya. Lumayo si Kurt at tumingin sa likod niya. Kumabog na naman ng malakas ang dibdib ko. Chase is standing there all serious. Nakatingin lang siya kay Kurt at hindi niya magawang tumingin sa akin.
"Chase," tawag ni Kurt. "How may we help you?"
"Ina asked me to get some water." Aniya. Pati tono niya, malamig.
Tumango si Kurt at binalingan ako. Binaba ko sa counter na sinasandalan ko ang mug ko saka ako dumiretso sa may ref. Kumuha ako ng bote ng tubig sa ref saka ako lumayo sa ref. Ako na sana ang mag-aabot ng bote pero kinuha ni Kurt sa akin yun at siya na ang nagbigay kay Chase.
Nagtingin ulit silang dalawa at dama ko ang tensyon sa kanilang dalawa. Huwag silang magsisimula ng away dito. Wala akong kakampihan ni isa sa kanila kung mangyari man.
"Chase." Ani Kurt.
"Kurt." Ani naman ni Chase saka siya tumalikod at umalis.
Inubos ko na ang kape ko at nilagay sa lababo kasama ng pinagkainan namin. Hinarap ako ni Kurt na may ngisi sa labi niya. Tinignan ko lang siya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I mean, seriously. Ba't kailangan ganito?
"Looks like he doesn't like what he just saw." Sabi ni Kurt.
"Awkward para sa kanya yun." Sagot ko.
Tinalikuran ko siya at nagsimula akong maghugas ng pinagkainan.
"Sa tagal kong hindi nakauwi dito, can you answer me honestly? Minsan ka na ba niya ginulo dito?" Tanong niya sakin.
Oo
"Nope. He's been like that ever since I got here." Sagot ko.
"For real? Matagal din akong nawala at mukhang malabo yun."
"Walang malabo doon. What's between me and Chase is done. Tanggap na namin yun."
"I don't think so." Sabi ni Kurt.
Hinarap ko siya at ipinunas ang kamay sa damit ko. Seryoso na kung tumingin si Kurt sa akin. Sumandala ko sa lababo saka ako humalukipkip.
"What are you saying?" Tanong ko.
ESTÁS LEYENDO
Nothing But Strings
Novela JuvenilBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 36
Comenzar desde el principio
