"Ina," tawag ni Kurt kay Ina. Shit!
"Oh, Kurt! Good morning! Sorry may bisita ako. Anyare diyan?" Tanong ni Ina.
"Hangover. Baka kumalabog pababa ng hagdan sa sakit ng ulo. Ilang baso ba ininom nito?"
"Naka-dalawang shot at tatlong kalahating baso ng Chivas." Sagot ni Ina.
Tumingin ako sa kanya at talagang kay Ina lang ako nakatingin.
"Seriously? Tinandaan mo talaga?" Tanong ko. Tinapik ko si Kurt para ibaba na ko since nasa may living room na rin lang kami.
"Siyempre! Para may masumbong ako kay Kurt." Aniya at nakipag-apir pa kay Kurt.
Kurt set me down on my feet. Inirapan ko si Ina at nginuso ang mga bisita niya.
"May bisita ka, huwag mong kalilimutan." Ani ko.
Dumiretso ako sa kusina at may nakahain nang pagkain doon. Umupo ako sa may upuan ko at saka pa lang pumasok si Kurt sa kusina kung saan ang dining room namin. Pinagtimpla ako ng kape ni Kurt at inilagay niya yun sa tapat ng plato ko. Kurt kissed my forehead bago siya umupo sa tabi ko.
Habang nakain ay biglang nagsalita ulit si Kurt.
"Okay lang ba sa'yo kung bukas na tayo mag-start mag-ayos ng kasal?" Tanong niya.
"Hindi ka naman excited niyan? Ako pa pala sinasabihan mo na excited!" Pagbibiro ko kay Kurt.
Nagtawanan kami ni Kurt. Umiling naman siya pagkatapos pero may ngiti pa rin sa labi niya.
"Mag-iisang taon na tayong engage, Irina. Hindi ako excited." Sagot niya.
Tumango-tango ako at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko alam kung anong problema ko at parang gusto kong manahimik na lang simula nang buksan ni Kurt ang topic sa kasal. I'm excited, I admit. Pero kinakabahan ako and I can't seem to find any reason.
"I-it's fine with me. Gawa ka muna ng to-do list natin." Ani ko.
Tumayo ako para iligpit ang pinagkainan namin. Kinuha ko ang mug ko saka ako sumandal sa may counter. Nakatulala lang ako pero naagaw ni Kurt ang pansin ko nang tumayo siya at tumabi sa akin.
"May problema ka pa ba?" Pag-uusisa ni Kurt.
"Wala naman. Ang sarap nung kape. Finefeel ko lang." Sagot ko.
"Namiss mo ba?"
"Mas namiss naman kita. Ikaw nagtitimpla nito eh." Sabi ko.
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 36
Start from the beginning
