"Levi is a father. Bakit ayaw mong magkita sila? Kahit anong gawin mong tago, Rae, hindi pa rin mawawala ang karapatan niya kay Ria. Paano kung isang araw, magtanong ang anak mo kung nasaan ang daddy niya? Anong isasagot mo?" seryoso niyang tanong sa'kin.

Ipinatong niya pa ang dalawa niyang siko sa table saka mataman akong tiningnan muli kaya napaiwas na ako ng tingin sa kaniya. Bigla kong naalala ang sinabi sa'kin ni Ria tungkol sa panaginip niya at ang tanong niyang 'yon na hindi ko nasagot nang maayos.

"She will understand, Rafa. I don't want to ruin his marriage nang dahil lang sa may anak kami," tamad kong sinabi sa kaniya.

She laughed. Maging si Yerim ay natawa rin kaya kunot-noo ko silang tiningnan dalawa. Ano bang problema nila?

"At sino naman nagsabi sa'yong kasal na si Levi? Si Jaxon din ba?" Yerim asked which made me shook my head.

"No, naisip ko lang. Sinabi sa'kin ni Jaxon noon na engaged na sila ni Mari bago ako umalis kaya naisip ko na baka..."

"My god, Rae! Ewan ko sa'yo, ang bilis mong maniwala sa sabi-sabi. Why don't you try to ask him if he's now married or not," Rafa suggested kaya agad akong umiling saka tumayo na.

"No way. Asa ka," mabilis na sambit ko sa kaniya at iniwan na sila roon.

Narinig ko pa ang sabay nilang paghalakhak kaya napailing na lamang ako. Naiinis na bumalik na ako sa working place at naabutan ko roon ang cellphone na naiwan ko, tumutunog ito dahil sa isang tawag. Nang tingnan ko kung sino ang caller ay nagkibit-balikat na lamang ako dahil unknown number ang nakalagay. I immediately answered the call and sat down.

"Hello. Who's this?"

"Where are you?"

Nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon ay saglit pa akong natigilan.

"Sino 'to?" tanong kong muli kahit na alam na alam ko na kung sino ito.

I just want to make sure dahil baka nababaliw na ako at naririnig ko na ang boses niya kahit hindi naman talaga siya iyon.

"You know who I am, Astraea," he coldly said to me kaya napakagat na ako sa ibabang labi ko.

Paano niya nalaman ang number ko?!

"Kanino mo kinuha ang number ko?" balik na tanong ko sa kaniya.

Narinig ko ang mabagal ngunit mabigat na paghinga niya sa kabilang linya. May binulong pa itong kung ano na hindi ko na maintindihan bago marahas na bumuntong-hininga.

"Just answer my damn question. Where are you? Don't you know about the meeting dahil hindi ka nasabihan o talagang wala kang balak pumunta rito?" maawtoridad niyang tanong sa'kin.

The Night in Tierra Fima | COMPLETEDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz