"What if he sees her?" wala sa sarili kong tanong sa kaniya nang makapasok si Asteria sa loob ng kotse niya.

Jaxon stilled my face on him.

"Then tell him I'm the father, Rae. Simple as that," he simply said to me which made me wonder.

"Hindi ka ba natatakot?"

Huli na para maisip ko pa ang tanong kong 'yon dahil humalakhak na ito. Binuksan niya ang passenger seat ng kotse niya saka muling tumingin sa 'kin.

"He's not a threat to me, Astraea. He's still my cousin. Ang pagkakaiba lang namin, ako na 'yong nandito, siya wala na," mayabang nitong sagot sa'kin kaya napailing na lamang ako.

"You and your arrogance," naiiling kong sinabi sa kaniya saka tuluyan nang pumasok sa kotse.

Humalakhak lang ang lintik na Jaxon bago sumunod sa'kin.

Nang makarating kami sa mall ay dumiretso kami sa play place sa 4th floor.

Jaxon and my daughter had a great time with each other at kung hindi ko lang sila kilalang dalawa ay aakalain kong mag-ama sila. Hindi ko namalayang ganito na pala sila ka-close dahil naging abala ako sa trabaho ko sa ibang bansa habang siya ang madalas na naiiwan sa anak ko. He's good with kids. Ilang beses ko nang sinabi sa kaniya noon pa man na ayoko nang magkaroon ng koneksyon sa kahit na sinong pamilya niya, ngunit nagpumilit ito. He even introduced himself to Asteria kaya wala na akong nagawa. After all, magkadugo naman talaga sila dahil pinsan niya ang ama ng anak ko.

"Aren't you playing with us?" Jaxon asked me nang saglit na puntahan niya ako.

Nakita ko pa ang paglapit ng dalawang bata sa anak ko na mukhang kaedad lang din niya.

"Kayo na lang, Jax. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko," walang gana kong sagot sa kaniya habang nananatili pa rin ang tingin ko kay Ria.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko at marahang sinalat ang leeg at noo ko.

"Are you sick? Anong nararamdaman mo?" agad na tanong nito sa'kin.

Inilingan ko lamang siya at saglit na tiningnan siya. "I'm fine, Jax. Puwede bang dumaan tayo sa sementeryo pagkatapos natin dito?" I asked him which he immediately nodded.

"Should I buy you medicine?" tanong pa nito kaya umiling ako agad.

"Huwag na, sira."

Iyon na ang huling sinabi ko kahit ilang beses niya pa akong kinulit. Ilang oras pa kaming nagtagal roon bago tuluyang magyaya si Ria kumain kaya nagtungo na kami sa isang restaurant sa loob ng mall.

"I want pasta, mum," Ria requested kaya napatingin ako sa kaniya.

"You really love pasta, huh?" I told her as I laughed. Same as your dad.

Jaxon ordered our food. Habang naghihintay ay nagpaalam akong magbabanyo muna dahil kanina ko pa talaga ramdam ang sakit ng puson ko.

While I was washing my hands, I heard someone's talking inside the cubicle. Malakas ang boses nito kaya kahit ayokong marinig ay napakikinggan ko ito.

"Stop treating me like it was all my fault! Hanggang ngayon ba ay patuloy mong ibabato sa'kin 'yan?!" Dinig kong galit na hiyaw ng boses babae.

I can now hear the shaking of her voice as she continue shouting inside the cubicle.

"Hindi ko kasalanang iniwan ka niya at sumama siya sa pinsan mo! Bakit bumabalik na naman tayo sa usapang 'to? Dahil ba bumalik na siya?"

Natigilan ako sa paghuhugas ng kamay ko nang mabosesan ko nang maayos 'yong babae. It's utterly familiar and her words is like a knives. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang galit at sakit sa boses niya.

The Night in Tierra Fima | COMPLETEDWhere stories live. Discover now