"I have ten rules inside this house." Aniya habang ako naman ay busy sa pag-scan ng second page. "Number one, do not open all the windows."

Tumango ako pagkatapos basahin ang number one rule na binanggit niya. Iyon lang naman pala e.

"Next, avoid unnecessary noises."

"Okay." Sagot ko.

Akala ko naman kung anong mga rules niya sa bahay e napakadali lang naman palang gawin.

"Third, you are not allowed inside my room--"

Pagkarinig ko no'n ay agad akong tumalikod at naglakad palabas ng office niya. May sapak din ata sa utak 'tong babaeng 'to e.

"Where are you going?"

Napatigil ako sa paghakbang ng magsalita siya ulit at tinuro ko ang pintuan pagkatapos ko siyang lingunin.

"Lalabas. 'Di ba nga sabi mo hindi ako pwede rito sa kwarto mo?"

Bigla siyang pumikit at bahagyang tumingala habang pinipisil ang bridge ng kanyang ilong. Agad din naman siyang nagmulat pagkatapos huminga nang malalim.

"You're not allowed here unless you have my permission so stay 'cause we're still talking."

Ako naman ang napabuntong hininga saka naglakad pabalik sa tapat ng table niya. Ang gulo rin kausap nito e.

Pagbalik ko sa upuang nasa tapat nito ay doon ko lang napansin ang isang itim na angel figurine sa ibabaw ng kanyang table.

Balak ko sana itong hawakan pero bigla na naman siyang nagsalita na ikinagulat ko.

"Rule number four, do not touch anything!"

"Nakakagulat ka naman! Parang na-cute-an lang sa figurine e." Naka-pout na sagot ko sabay bulong ng 'damot'.

"For your information, everything in this house are way older than you so I'm prohibiting you to touch anything 'cause by just looking at you, I can tell that you're good at breaking things."

"Grabe ka naman sa 'kin. Hindi naman ako naninira ng gamit. Pero as in lahat ba? Paano 'yong mga kutsara at tinidor? Paano ako makakapagluto? Paano 'yong shampoo--"

"Of course, that's an exception. Ugh! You can touch anything you need for your necessity." Putol niya sa 'kin habang pinipisil na naman ang bridge ng kanyang ilong.

"Ah okay. Linawin mo kasi para magkaintindihan tayong mabuti."

"Now get out."

"Huh? Bakit?"

"We're done talking here."

Tahimik na lang akong lumabas ng kwarto niya kaya takang-taka. Ang hirap talaga intindihin ng babaeng 'yon. Paiba-iba ng mood.

Kasasara ko lang ng pintuan ay bigla na naman itong bumukas at diretso siyang lumabas.

"Follow me." Wika niya at mabilis na namang naglakad.

Marunong ba siyang mag-teleport at nakasunod siya agad sa 'kin palabas ng kwarto samantalang hindi naman siya nakasunod kanina?

Paakyat na kami ngayon sa third floor at habang naglalakad kami ay salita naman siya nang salita tungkol pa rin sa mga "rules" niya rito sa bahay. Madali naman na 'yong kaya hindi ko na masyadong pinapansin.

"Aze." Tawag ko. Napatigil naman siya sa paglalakad at lumingon sa 'kin. "Hulaan ko favorite color mo, black 'no?"

Natatawa pa naman ako sa naisip pero wala naman siyang karea-reaksyon.

"Rule number two." Sabi nito sa tonong nagbabanta.

Napasimangot ako dahil hindi iyon ang inaasahan kong isasagot niya. Unnecessary noise ba 'yon? Nagtatanong lang e.

Pinilit ko na lang manahimik hanggang sa makarating na kami ng third floor.

"Lastly, rule number ten. You are not allowed to open or go inside this room." Sabi ni Aze habang nakatayo kami sa tapat nang malaking pintuan.

"Bakit? May something ba sa loob niyan?" Takang tanong ko.

"Whatever is inside this room is none of your business and I want you to step out of it. Now go to your room and sleep. May pasok ka pa bukas, 'di ba?"

Nagulat ako dahil sa bigla niyang pagtatagalog. English kasi siya nang english kaya buong akala ko hindi siya marunong magtagalog.

"Okay ho. Goodnight." Sagot ko at nag-umpisang bumaba.

Naramdaman kong hindi siya sumabay sa akin kaya lumingon ako at nakita siyang nakatayo pa rin sa taas habang nakatingin pabalik sa 'kin.

Nakaka-curious tuloy kung anong mayro'n doon sa third floor at gano'n na lang siya kahigpit.
...

Nagising ako dahil sa mga katok sa pintuan kaya agad akong bumangon para binuksan ito.

"Magandang umaga, hija." Nakangiting bati ni lolo.

"Good morning po." Medyo antok pang sagot ko.

"May dala akong mga personal mong damit at mga gamitin mo sa school. Pinakuha sa akin ni young mistress ang mga ito sa dati mong tinitirhan."

Kinuha ko ang buhat nitong box at pinapasok ko siya sa loob dahil may mga maleta rin siyang dala.

"Thank you po, lolo. Nag-umagahan na po ba kayo?"

"Kumain na ako kanina, hija. Maiwan na muna kita." Nakangiting sagot ni lolo saka lumabas ng kwarto ko.

Nag-ayos na lang ako ng sarili at naligo bago ako lumabas ng kwarto. Naninibago talaga ako dahil sobrang tahimik dito sa bahay at napakalaki pa.

Si Aze kaya? Gising na kaya 'yon?

Naghanda lang ako ng toasted bread at kape para sa agahan. Saktong pag-upo ko ay dumating naman si lolo.

"Kain po, lolo. Gising na po ba si Aze?" Tanong ko saka uminom ng kape.

"Maraming salamat, madam. Si young mistress ba ang tinutukoy mo? Maaga siyang umalis kanina para pumunta sa kompanya." Sagot niya.

"Naku, lo. Max na lang po ang itawag niyo sa 'kin. Ano po palang trabaho ni Aze?"

"Si young mistress ang may-ari ng Bloodstone Company."

Muntik na akong masamid ng marinig ko ang pangalan ng company na binanggit ni lolo.

Seryoso ba? Sa pagkakaalam ko kasi ay iyon ang pinakamalaking company dito sa bansa at kilala rin worldwide.

So gano'n pala talaga kayaman ang babaeng 'yon?!

"Lolo, seryoso po ba kayo? Siya ang may-ari ng Bloodstone Company?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ko na ikinatawa naman ni lolo.

"Totoo ang sinasabi ko. Nagbilin din pala sa akin si young mistress na ihatid ka sa school mo pagkatapos mong kumain. Hihintayin na lamang kita sa labas."

Iniwanan na ako ni lolo pagkatapos niya iyong sabihin kaya tinapos ko na rin agad ang pagkain ko at bumalik sa kwarto para magbihis.

Pagbukas ko ng main door para lumabas ay agad naman akong sinalubong nang nakakasilaw na liwanag. Sobrang dilim naman kasi sa loob ng bahay, ang hirap tuloy mag-adjust.

Maingat akong bumaba habang nagpapalinga-linga sa paligid para hanapin si lolo. Sabi niya kasi ay hihintayin niya raw ako rito sa labas pero hindi ko naman siya makita.

Hahanapin ko sana siya sa likod pero nagulat ako ng may biglang sumulpot na sasakyan. Hindi ko rin namalayan na dahan-dahan na palang bumubukas ang bibig ko habang nakatitig sa kulay itim na sasakyan.

Lumabas si lolo mula sa driver's seat at nakangiti akong pinagbuksan ng pintuan.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala dahil ngayon lang ako nakakita ng ganito sa personal.

"Lolo, seryoso po ba iyan? Diyan talaga ako sasakay?"

"Dito nga, hija, kaya pumasok ka na sa loob." Nakangiting sagot ni lolo pagkatapos tumango.

Sinunod ko na lang ang sinabi nito at dahan-dahan akong pumasok sa loob. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala lalo na ng makita ko kung gaano ka-gara ang loob nito.

Imagine, papasok lang ako sa school pero naka-limousine pa? Grabe, 'di ba?

Engaged with the Vampire QueenWhere stories live. Discover now