I - Ang pagtatagpo

82 2 0
                                        

Pag ibig na walang hanggan? Para sa mga babae at lalaki lamang yan. Babae sa babae o di kaya’y lalaki sa lalaki ay hindi kailanman matatanggap ng lipunan. Isang pagkakaibigang nabuo sa loob ng silid aralan. Nagsimula sa simpleng asaran at kaunting di pagkakaunawaan. Galing sila sa iba’t ibang mababang paaralan na pinagtagpo sa mataas na paaralan ng ZSSAT. Sila ay sina Jerum, Jun Rel at Jovanie mga lalaking may kanya kanyang paniniwala sa buhay at pilit inaabot ang mga pangarap para sa kanilang mga magulang at mga mahal sa buhay. Ang pag aaral ay isang mahalagang yugto ng kanilang buhay na hindi nila dapat pabayaan at ipagsawalang bahala. Dahil ang talino at karunungang kanilang taglay ang siyang nagiisang pamana ng kani-kanilang mga magulang.
Palakaibigan si Jun Rel, si Jerum naman any medjo may ugaling hindi magugustuhan ng karamihan dahil inihahalintulad nila ito sa isang mahanging tao, at si Jovanie naman ay tahimik habang pinagmamasdan ang mga kamag aral.
Sa unang araw ay nagkaroon agad sila ng gawain dapat masagot nila ang tanong na kanilang mabubunot sa kahong inihanda ng guro. Unang bumunot si Jerum at ang tanong ang tungkol sa kahalagahan ng Pamilya.
Jerum: Ang pamilya para sa akin ay simple lng. Sila yong karamay ko sa bawat hirap at kasiyahan at sila yong pinagkukunan ko ng lakas sa araw-araw. Mahirap lng kami ako ang panganay at ako ang inaasahan ng aking ina na tutulong sa kanya sapagkat iniwan na kami ng aming ama at sumama sa iba dahil may anak sila na ka edad ko rin. Mahirap ngunit kailangan naming lumaban kailangang kung magpakatatag at maging matapang.
Sumunod naman ay si Jovanie ang tanong para sa kanya ay Ano ang mas mahalaga pag ibig o pagkakaibigan?
Jovanie: ang pagkakaibigan ay isang bagay na hinding hindi ko ipagpapalit sa kahit ano pa man. Ang kaibigan ay mananatiling kaibigan kahit ilang beses kayong magkatampuhan, mag away o magsuntukan nandoon parin ang pagkakaibigan, samantalang ang pag-ibig ay hindi nagtatagal isang mali mo lang iiwan ka agad. Kailangan mong maging perpekto at magkaroong ng maraming batas upang magtagal ang pag-iibigan ngunit sa pagkakaibigan tatanggapin ka at magtatagal kayo kahit na kayo ay mga abnormal.
Ang tanong naman para ky JunRel ay kung sino ang uunahin sarili o ang pamilya?

JunRel: Pamilya! Nangarap ako para sa aking pamilya nagpapakatatag ako para sa aking pamilya. Mag-aaral ako ng mabuti para sa aking pamilya. Sila ang sentro ng aking buhay sa mundong ito. Sa palagay ko nga ay titigil ang pag- ikot ng aking mundo kung hindi ko kasama ang pamilya ko.
Biglang natanong si Jovanie ky JunRel

Jovanie: Paano kung may lihim na itinatago ang pamilya mo sayo at nasaktan ka nila ng sobra uunahin mo parin ba sila?

JunRel: Ang pamilya ay mananatiling pamilya. Ngunit walang pamilya ang maglilihim sa isa’t isa na siyang magiging dahilan na pagkawala ng tiwala at pagkasira ng kanilang pamilya. Kaya ou pamilya parin ang uunahin ko kysa sarili ko.

Sa araw na yon nagsimula ang pagkakamabutihan ng tatlo at naging isang matalik na magkakaibigan. Ilang araw at mga buwan ang lumipas at mas lalo pang tumatag ang kanilang pagkakaibigan nagsasabihan ng problima at mga nagugustuhan nilang babae upang hindi sila mag agawan sa isang babae na siyang magiging dahilan ng kanilang tampuhan. Nagpatulong si Jovanie na manligaw ky Lovely ang kaklase nilang matalino rin at medjo prangka magsalita.

Jerum: Pare sigurado ka na ba sa kanya baka ma basted ka lng.

Jovanie: pre Ma basted na kung ma basted basta ilalabas ko to gusto ko talga siya eh. Anong magagawa ko?

JunRel: wala na tayong magagawa diyan Jerum supurtahan nlng natin to at baka magbigti pa mamaya kung hindi mailabas yong nararamdaman niya kay lovely hahaha mahirap na mahal ang magpalibing ngayon.

Jovanie: Sir ka talaga bakit naman pumasok sa utak mo yang ago ka ha!

Jerum: hahaha tama na yan baka kayo pa ang mag patayan. Mamayang 12noon nandon lng siya sa silid aralan ano game?

JunRel: Game!!!

Jovanie: hala grabe siya kung maka game parang siya ang haharap at magsasalita sa harap ni lovely..huhu kinakabahan ako para akong matutunaw sa init ngayon bukas nlng kaya.

Jerum: bukas o ngayon pariho lng yon. Kung OO ang sagot niya bukas pariho lng yan kung iatatanong mo ngayon. Gets mo?

JunRel: sige tara na!

Jovanie: Wait lang! nagmamadali kayo? Relax lng pwede bukas nlng talaga hindi ko maigalaw ang mga binti ko hindi ko mailakad. Parang …..

JunRel: haha parang nanginginig ba?

Jerum: Ok lang yan! JunRel Tulungan natin siya..

Binuhat ni Jerum at JunRel si Jovanie papasok sa silid aralan na kung saan nagpapahinga si lovely at sinara ang pinto habang binabantayan nila ito mula sa labas upang walang maging storbo.

Lovely: Oh bakit? May kailangan ka Jovanie?

Jovanie: ah… wala… ang totoo kasi ano eh…..

Lovely: ano?

Jovanie: May Boyfriend kana?

Lovely: hahaha yan lang ba? Haha wala pa at wala pa akong balak maghanap ng problima.

Jovanie: Problima talaga? Grabe ka naman

Lovely: Problima lng yan at nakakasagabal sa pag aaral natin. Kaya wag muna tayo pumasok sa ganyang bagay.

Jovanie: Ok kung yan yong gusto mo rerespetuhin ko, ngunit kung pwede na sabihin mo lang maghihintay ako lovely.

Lumabas si Jovanie na parang alang nangyari at masaya.

JunRel: Sinagot ka?

Jerum: hoy wag ka nga tumahimik diyan. Ano na? sinagot ka nga?

Jovanie: hindi

JunRel: Pero bakit masaya ka pa eh binasted na pala.

Jovanie: Ok lang yon ang mahalaga single siya at wala siyang boyfriend. (nakangiti)

Kaibigan ko kayo Hanggang sa duloStories to obsess over. Discover now