Napahawak ako sa matigas na dibdib nito habang bumabayo siya sa akin."Dylan, please be gentle."

"Dylan, mahal na mahal kita. Isagad mo---ah!" Naibaon niya ang kanyang kuko sa likod nito ng isagad nito sa kanyang kaibuturan ang pangkalalaki nito.

***End of Flashbacks***

"Waaah! No!" Sigaw ko na lamang nang maalala ang nangyari. Parang nababaliw na naisabunot ko ang aking sarili.

Gulat na napatayo naman sa kinauupuan ang ka-officemate ko. Nasaksihan naman nito ang kabaliwang ginagawa ko.

"O-okay ka lang---" di napatuloy nito ang pagtangkang paglapit sa akin nang magsimula akong umiyak at nagmukmok sa desk ko.

"Hindi pwede 'to! Nakakahiya! Waaah!"

Pag makita ko si Dylan? Ano mukhang ihaharap ko sa kanya? Iniwan ko lang siya mag-isa doon sa hotel? Hay! Paano na 'to? Ano gagawin ko?

DYLAN LORENZO POV:)

"Hey!" sabay clap ni Kuya Ramon sa aking mukha.

Nagising naman ako sa aking pagmumuni.

"Hmm?" tanong ko at tinuon ang atensyon ko sa printer.

"Kanina ka pang tulala mula kaninang pagpasok mo. Nakakapagtataka at mukhang ngayon lang kita nakitang natulala ng matagal." Sabi niya nang umupo na ulit ito sa desk nito."May iniisip kang babae 'no?" Nakangiting malisya na pahayag nito.

"Di ah!" tanggi ko naman.

Natapos na nga ang pini-print ko at kinuha na ang mga papeles. Bumalik na ako sa desk ko para ilagay na ito sa folder. Dadalhin ko ito ngayon kay Mr. Kailes dahil kailangan niya ito ngayon para mamaya sa meeting. Nandito ang mga details ng mga candidate na pagpipilian nila bilang bagong ambassador at ambassadress ng Uphone. Strategy ito para i-promote ang iluluwas na bagong modelo ng Uphone cellphone.

Nalalapit na rin bumitaw sa pagka-CEO si Mr. Sy at si Johnser na ang papalit sa pwesto niya. Bago iyon mangyari, dapat ay makaalala na si Clive at ma-plano na namin na i-expose sa lahat ang taong tumangka sa kanyang pumatay.

Narinig ko na lamang nag-vibrate ang cellphone ni Kuya Ramon. Kinuha naman niya iyon at binasa ang mensahe na natanggap niya.

"Hay! Kawawa naman itong kaibigan ko." Turan na lamang nito.

"Bakit?"

"Itong kaibigan ko, naka-one night stand niya yung crush niya pero paggising niya hindi na niya katabi sa kama at mag-isa na lang daw siya sa kwarto,"

Natigilan naman ako sa sinabi ni Kuya Ramon.

"Tapos nung tinatawatagan niya, hindi na niya ma-contact." Dagdag pa nito.

Mas lalo akong kinabahan. Sa pagka-interesado ko sa kwento nito, nagtanong ako dito.

"Tapos? Ano nangyari? Nagkita ba sila?" Baling ko dito.

"Iyon na nga! Magka-work sila, syempre magkikita sila sa pinagtatrabahuan nila. Para na daw silang hindi magkakilala kasi no'ng magkasalubungan sila, di man lang ito ng 'hi' o tingnan man lang siya." Kwento pa rin nito sabay kuha ng bagong ballpen sa drawer nito dahil nawalan ng tinta ang gamit niya.

"Tapos? Ano ibig sabihin pag gan'on?" Tanong ko pa rin.

Nagsimula na ulit ito sa pagsusulat."Ibig sabihin lang n'on naging parausan ka lang niya nung gabing iyon o maaring hindi siya satisfied sa ano n'yo."

Nabahala naman ako sa narinig kay Kuya Ramon. Iniwan rin ako ni Mandy kanina, posible kayang parausan---hindi, hindi. Alam kong ako ang nakauna sa kana kaya alam ko hindi siya gano'n. Pero posible kayang di siya satisfied sa performance ko dahil maliit ang...?

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now