Naputol ang usapan namin ng may dumating na isa pang itim na van kaya mabilis ko pinapunta si lola sa likuran ko.

Mula sa itim na van ay lumabas ang tatlong lalaki na nakasuot ng itim na tux at shades.

Shades? Gabi na naka-shades pa? Nakakakita pa kaya 'tong mga 'to?

Lumapit sila sa amin ni lola kaya mabilis akong nag-fighting position. Kahit napagod ako kanina ay hinding-hindi ko sila uurungan kung mga kasama sila no'ng dalawa kanina.

"Mga kasama rin ba kayo ng mga holdaper na 'yon? C'mon, 'di ko kayo uurungan." Ngumisi ako at sinenyasan silang lumapit.

"No, hija. Mga bodyguards ko sila." Ani lola at hinawakan ang balikat ko.

Nakahinga ako nang maluwag sa narinig. Akala ko talaga ay mapapasubo na naman ako tapos ang lalaki pa ng mga katawan nila.

"Mabuti naman po lola. Pwede niyo na kunin 'yong dalawang nakahiga tapos dalhin niyo sa police station bago pa magising." Tinuro ko 'yong dalawang lalaki at mabilis namang kumilos sila kuyang bodyguards. Ang isa pang lalaki ay lumapit naman sa amin at inalalayan si lola papasok ng van.

"Salamat ulit, hija." Si lola ng buksan nito ang bintana sa backseat.

"Wala pong ano man, lola. Ingat po kayo." Ngumiti ako at kumaway hanggang sa umandar palayo ang sasakyan.

Taray ni lola, RK!

...

"Nandito na 'ko!" Masigla kong sabi pagbukas ko ng pintuan.

Dire-diretso ako naglakad papuntang kusina dahil may naaamoy akong mabango hanggang sa maabutan ko ang pinsan kong si Coleen na nagluluto.

"At bakit ngayon ka lang, Maxine?" Mataray na tanong niya pagkatapos ako lingunin.

Maganda pero may pagkamasungit ang pinsan kong 'to kaya halos takot ang lahat na mag-approach sa kanya. Siya rin ang nag-iisa kong pinsan at ang nagre-rent nitong apartment. Nakikitira lang ako sa kanya dahil mag-isa na lang ako sa buhay.

"Ay ang sarap! Patikim--" Kukuha sana ako ng isang fried chicken nang bigla nitong hablutin palayo ang kamay ko.

"Hindi ka pa nga naghuhugas ng kamay tapos hahawak ka na agad ng pagkain?" Taas kilay niyang sabi bago bitawan ang kamay ko. "Maghugas ka ro'n."

Napanguso naman ako at susunod na sana sa sinabi niya pero bigla niyang kinuha ulit ang kamay ko habang kunot-noong nakatingin doon.

"Anong nangyari sa kamay mo? Bakit may gasgas?"

Mabilis kong binawi ang kamay ko at itinago ko sa likuran. Naglakad ba rin ako patungo sa sink para maghugas at makatakas sa isa na namang wave ng pagsusungit niya.

"Nadapa ako sa kalsada." Pagsisinungaling ko at sinamahan ko pa ng tawa para kapani-paniwala.

"Ang laki-laki mo na, Maxine. Bakit hanggang ngayon shushunga-shunga ka pa rin?"

Bakas ang stress sa boses niya kaya hindi na ako sumagot. Pagkatapos kong maghugas ay tinulungan ko na siya sa paghahanda ng pagkain.

"May tinulungan din ako kaninang matanda. Balak siyang holdapin ng dalawang lalaki pero mabuti na lang at nakita ko." Panimula ko ng kwento pagkatapos kong kumagat sa fried chicken na niluto niya.

"Ano?!" Sigaw niya na muntik ko ng ikagulat.

"Hindi mo narinig? Ang lapit ko lang sa'yo ah. Sabi ko may tinulungan akong matandang hinoholdap kanina ng dalawang lalaki." Ulit ko. Feeling ko talaga mahina na ang pandinig nitong pinsan ko dahil madalas ganyan ang reaksyon niya.

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon