Chapter 3

2 0 0
                                    

Kinabukasan ay maagang nagising si Soull at kaagad na naligo at nag ayos ng kanyang sarili. Ito ang pangalawang araw niya sa paaralang ito, ngunit meron ng grupo ng kalalakihan ang nagpapansin sa kanya at halatang interesado sa kanya ngunit binalwewala niya lamang ang mga ito. Masyadong consistent ang mga ito kaya nahirapan siyang mapaalis ang mga ito.

Hindi niya pinansin ang mga ito ngunit nahahalata niyang desidido talaga ang isa. Kanina pa niya naramdaman ang mga ito sa harapan niya pero hindi niya tinignan kung sino sino ang mga ito.

Call her rude or anything you want pero ganito kasi talaga ang ugali niya lalong lao na talaga pag nababastusan siya sa mga ito kahit na hindi naman talaga siya binastus.

Kanina niya pa rin ipinasak ang kanyang earphone sa tainga niya para sabihing hindi niya ang mg ito narinig.

Ngunit ganoon nalang ang pagkabigla niya nang may kung sinong tumanggal ng earphone mula sa kanyang tainga. Bored niyang tiningnan ang lalaki na gumawa nito at saka kaagad na tumayo at naghanda na para umalis. Hindi niya na muling tinapunan ng tingin ang lalaki at akmang maglalakad na siya palayo sa mga ito nang haklitin nang isa sa kanila ang kanyang braso.

"Ano bang problema niyo?" Mahinahong tanong niya sa mga ito.

"Ikaw ang problema namin." Nakangiting sabi ng isang lalaki na kaagad naman na ikanakunot ng aking noo.

"Ang ibig kong sabihin ay gusto naming makipag kilala sayo at makipag kaibigan narin sayo." Nakangiti paring sabi ng kaparehong lalaki na nagsalita. Nakakunot parin ang kanyang noo.
Bakit naman kaya gustong makipag kaibigan ng mga ito sa kanya? 

"Hindi ba pwede?" Napakamot sa ulong sabi nung isa.

Naramdaman niyang seryoso ang mga ito sa sinasabi. At ano namang masama dito ano? Gusto lang naman ng mga itong makipagkaibigan.

"Ahmm..." nag iisip parin na sabi niya. Hanggang sa nakapag desisyon siya. "Sige" maikling sagot niya sa mga ito. Pumayag rin siya sa wakas sa inoffer ng mga ito na makipag kaibigan sa kanya tutal wala pa naman siyang kaibigan dito.

"Ako nga pala si Mikee Lambura"

"Locus Mata"

"Blint Morgan

"Zile Callous"

Halos sabay sabay na pagpapakilala sa akin ng apat.

"Soulliah Vergara" pagpapakilala niya naman sa kanila. Hind na siya nag abala pa na tanggapin ang mga kamay nila na nakalahad na.

Ngayon ay naintindihan niya na kung bakit pakiramdam niya ay interesado ang mga ito sa kanya, interesado palang makipag kaibigan sa kanya.

Pero bago niya paman tuliyang tinanggap ang pakikipag kaibigan ng mga ito ay gumawa na muna siya ng rule na bawal silang mainlove sa kanya at bawal din siyang mainlove sa kahit na sino sa mga ito na kaagad namang sinang ayunan ng mga ito.

Napag alaman din niyang kilala na pala siya ng mga ito kahapon pa at napag alam din niyang magka klase lang pala sila. Pero ganuon paman ay hindi niya napansin ang mga ito dahil masyadong naka focus ang kanyang atensiyon sa
Nasa harapan at ang kanyang isip naman ay nanatili sa kanyang restaurant.

Kaagad na siyang nagpaalam sa apat na magtungo sa cafeteria ngunit ang mga ito ay sumama sa kanya, gustuhin man niyang magprotesta sa mga ito ay wala siyang nagawa kundi ang pasamahin nalang ang mga ito sa kanya.

Pagkadating sa Cafeteria ay kaagad siyang hinila ng apat sa may bakanteng upuan na may pang five seater sakto sa bilang nila.

Hindi paman nakakaupo ay nakarinig na siya ng mga nagbubulong bulongan na mga estudyanteng babae sa may bandang likuran ng kanilang pwesto at alam niyang siya ang pinag uusapan ng mga ito.

Pagkataos kumain sa Cafeteria ay kaagad siyang nagpaalam sa mga bagong kaibigan na mag c-cr lamang siya sandali, ngunit ang sandaling sinabi niya ay medyo natagalan dahil marami ang gumamit sa cr. Matapos ang ilang minuotng paghihintay ay nakapasok narin siya sa wakas. Pagkalabas niya ay ganun nalang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang bigla nalang may humarang na tatlong babae sa kanya.
"A... Anong kailangan niyo sa akin?" Medto nauutal na sabi niya sa mga ito dahil sa pagkagulat.

"Wala naman, gusto lang naming lumayo ka sa mga boys" sabi ng babae na leader leader ng mga ito.

"Ha?" Nagtatakang tanong niya sa mga ito, ngunit kaagad naman niyang nakuha ang ibig sabihin ng mga ito.  "Ah...eh sila naman ang nakikipgkaibigan sa akin eh" laban niya pa sa mga ito.

Inis siyang tinignan ng mga ito bago sabay sabay na tumalikod pero bago paman tuluyang makaalis ang ma ito ay merong isang babae ang lumabas mula sa isang cubicle.Maganda ang babaeng ito at halatang nanggaling sa mayamang pamilya.

"Ang tagal mo naman Thea" reklamo ng isa sa kanila. Napairap naman ito nang magtama ang kanilang mata.

"Wag kayong mag alala, ipakilala ko kayo sa kanila" suhestiyon niya sa mga ito. Sabay sabay namang napairap ang tatlo sa kanya.

"No thanks, kilala na namin sila ano" sabi naman ng isa sa kanila.

"Oh. Okay" tanging nasabi niya na lamang at lumabas na ng banyo.

Pagkalabas niya ay ganun na lamang ang pagkagulat niya nang  makita ang apat na lalaki sa labas ng comfort room.

"Oh, anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya sa mga ito kahit alam naman niya ang dahilan.

"Ang tagal mo kasi eh" nakangising reklamo ni Zile.

Kanya kanya silang sabi ng pagrereklamo sa kanya kung bakit ang tagal niya sa banyo nang biglaan na lamang ang mga itong natigil at nakatuon na ang mga mata sa kanyang bandang likuran ngunit sandali lamang iyon at kaagad na siyang dinala ng mga ito sa kung saan.

Pagkatapos ng klase ay kaagad na siyang nagtungo sa kanyang restaurant at tumulong sa pagluluto kay ate Lyda.

Nagluto siya ng kanyang inembento na pagkain at saka medyo dinamihan niya na ito. Hindi pa ito kasali sa menu na ginawa nila kaya naman ang gagawin niyang ito ay free taste lang muna para sa mga kakain sa restaurant na ito.

Pagkatapos magluto ay inanounce niya sa mga kumakain na kung gusto ba ng mga itong kumain ng bagong luto niya at free taste lamang. Marami naman ang gustong makatikim kaya naman siya na mismo ang nagdala ng kanyang libreng patikim sa mga ito. Pagkatapos matikman ng mga tao ang kanyang bagong luto ay nag kanya kanyang komento naman ang mga ito at lahat ay nagsasabi na masarap.
Nagliwanag ng husto ang kanyang mukha matapos marinig ang komento ng mga taong kumakain sa kanyang luto. Talaga namang napakagaling niyang magluto. Natutunan niyang magluto dahil sa palagi siyang tumitingin sa kanilang chef sa kanilang bahay nuon at sumusubok din siyang magluto kaya naman ay talagang napakagaling niya dahil palagi rin siyang tinuturuan ng kanilang chef kung papaano. Lalo na at minsan naring naging champion sa pagluluto ang kanilang chef sa bahay nuon.

Gabi na siya nang nauwi sa kanilang bahay at pagod din siya kaya naman matapos maglinis ng katawan ay kaagad na siyang nakatulog.

Secretly, Ms. Young BillionaireWhere stories live. Discover now