Chapter 1

26 14 47
                                    

Chapter 1: Steirra


Pumikit ako at pilit na dinadama ang hangin na tumatama sa aking katawan. I sighed and open my eyes again. Napa tingin ako sa aking harapan bago tinginan ang aking wrist watch.

11:31 AM

Huminga ulit ako ng malalim. "Aalis muna si Mommy, anak ha? Babalik na lang ako sa susunod." Ani ko at may ngiti sa labi na tumayo at nag lakad palayo roon.

Hanggang ngayon ay masakit padin. Hindi ko pa rin matanggap.

Nang makarating ako sa kotse ay agad akong sumakay at pina-andar ito. Susunduin ko pa kase si Steirra, Ang nakababatang kapatid ko.

Nang marating ko ang school niya ay agad ko s'yang nakita sa labas ng gate na naka tayo, nag aantay. Bumaba naman ako sa kotse at agad na nag lakad palapit sakanya.

"Ate Stell!" Anito ng makita ako. Nag tatakbo pa Ito palapit sa'kin. 5 years old na itong si Steirra, tuwing sinusundo ko s'ya ay maraming nag sasabi na para raw kaming mag-ina. Doon ko naman naaalala si Syrhex, ang anak ko.

Siguro kung buhay lamang s'ya ay mag ka-edad lang sila ni Steirra. I sighed at nag pilit ng ngiti ng maalala ko na nandito pa nga pala kami sa school.

"Nasan po si Mommy?" Tanong nito sa'kin. She's pouting. Apaka-cute na bata.

"Wala pa sina Mommy." Sagot ko rito. Nakita kong malungkot ito, base sakanyang mga mata.

"What's wrong, baby?" I asked her at mabilis syang pinantayan.

"Ang tagal naman po bumalik nina Mommy..." Aniya. I smiled at her.

"Babalik din 'yon sina Mommy, pero para mas mabilis bumalik sina mommy dapat maging good girl ka. Para hindi na umalis si mommy." Ani ko pa.

"Good girl naman po ako, ate." Aniya at ngumiti. I smiled and pinch her cheeks bago s'ya kargahin. I opened the door at the backseat at saka s'ya ibinaba roon.

Ako naman ay umikot at pumasok sa Driver's seat at saka isinara iyon. Binuksan ko naman ang makina ng sasakyan at akmang papa-andarin na ito ng biglang tumunog ang aking phone kaya agad kung kinapa iyon sa bag ko na naka lagay lamang sa may passenger seat.

Tiningnan ko kung sino ang caller.

Si Diana.

"Hello?" Pag sagot ko dito.

"Ma'am, nandito po ang secretary ni Mr. Wielfeir." Aniya. Alam ko na agad kong ano iyon.

"Sinundo ko pa si Stell, pero sige. Dadaan kami dyan." Aniko bago pinatay ang tawag.

"Sino po 'yon, ate?" Biglang tanong ni Steirra.

"Ang secretary ko. Bakit, baby?" Ani ko. At tiningnan s'ya sa salamin.

Naka-nguso ito. "Pupunta po tayo sa Company?" Aniya at tumango naman ako.

"Ih, pang-gigigilan nanaman po ako ni Ate Diana." Pag tututol niya dahilan para mapatawa ako na s'yang ikinanguso nya lalo. Tuwing kase na isinasama ko s'ya sa opisina ay binabantayan s'ya ni Diana at laging pinang-gigigilan ang mga pisnge nya.

"Let's go, baby?" Pag agaw ko sa atensyon nito. Mukha kasing malalim ang iniisip. Kabata-bata palang kung ano-ano na ang pinag iisip.

"What are you thinking, hmm?" Tanong ko dito at binuhat ito.

"Si ate Diana po. Ate, huhuhu." Aniya. Napatawa naman ako don. S'ya naman ay ngumuso.

"Good morning, ma'am." Bati sa'kin ng mga empleyado. Ngumiti naman ako binati sila.

I Knew You Were Trouble | Stand Alone#1Where stories live. Discover now