Kunot na kunot ang noo ko dahil sa hindi maintindihan ang sitwasyon.

Mabilis na nawala ang mga estudyanteng nakiki-usyuso at nagsipasok na sa kani-kanilang classroom.

"Sige na, doon ang classroom mo." She pointed out the room in front of us. Itinulak niya ako papalapit doon bago siya kumaway sa'kin at pumasok na sa classroom niya na katabi lang ng magiging classroom ko, ang ABM.

May nakatayo roon na tatlong lalaki sa bukana ng pinto sa harap ng magiging classroom ko kaya hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi.

Napatingin ako dun sa lalaking pinaka matangkad sa kanila, nakakuyom ang kamao nito at pilit na pinapakalma ang sarili.

Siya ba yung sumigaw kanina? Creepy.

Pumikit ako at binatukan ng mahina ang sarili, "Aish, bakit ba ako nakikialam? Problema nila 'yan kaya bahala sila diyan." I whispered, mukhang tanga habang umiiling-iling pa.

Huminga ako ng malalim at lakas-loob na pumasok sa classroom, kahit na masagi ko sila sa balikat ay wala akong pakialam, basta makapasok lang ako ng room habang wala pa ang magiging adviser namin.

Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay naramdaman kong may pumatid sa'kin kaya napasalampak ako sa sahig.

"Ouch," Napapikit ako ng mariin nang marinig ang tawanan ng mga kaklase ko.

Nakahinga ako ng maluwag dahil buti na lang naka pants ako, dahil kung nakasuot na ako ng uniform ngayon ay sigurado akong makikita nila ang panloob ko.

Inis akong tumayo at pinagpagan ang suot kong damit, mabuti na lang at malinis ang sahig nila dahil kung hindi baka sobrang dumi na ngayon ng t-shirt ko. I glared at them. Nakakainis! Anong karapatan nilang patirin ang isang babae? Anong karapatan nila na patirin ako!

Sa sobrang inis ko ay marahas kong hinablot ang libro na nakapatong sa desk ng nasa gilid ko at buong lakas na ibinato sa kanila.

I heard everyone gasped, hindi makapaniwala sa ginawa ko dahil natamaan ko yung lalaking matangkad, yung sumigaw kanina.

Ano ngayon kung siya yung natamaan ko? Baka nga siya pa yung pumatid sa'kin 'e.

Hingal na hingal kong inilibot ang aking paningin sa loob ng silid. Halos lahat sila pare-pareho ang reaksyon, gulat at nakaawang ang mga bibig. Napatingin ako sa gawing pinto kung saan naroon ang tatlong lalaki.

Nakita kong nakahawak sa ilong niya yung lalaking matangkad, may tumutulong dugo doon.

"Gago dre, dumudugo ilong mo." Saad ng lalaking katabi niya, maputi at naka complete uniform.

Persley... basa ko sa nameplate nung nagsalita bago lumingon ulit sa kanila.

Umigting ang panga nung matangkad na lalaki at binasa ang pang-ibabang labi tsaka walang sabi-sabing naglakad palabas ng classroom. Kaagad naman sumunod ang dalawang kasama niya.

"Ano!" sigaw ko sa mga kaklase ko. Kung makatingin naman sila akala mo gumawa ako ng krimen.

Bumuntong-hininga ako at kalmadong kinuha ang bag ko na nasa sahig. Naglakad ako patungo sa pinaka likuran ng silid at doon naupo saka tinaliman ng tingin ang blackboard.

Nakakaasar sila.

"Introduce yourself." Iyan kaagad ang utos ng teacher pagkapasok niya. Nahalata niya yata na transfer student ako.

Talagang ako ang mauuna ha?

Wala akong nagawa kun'di tumayo sa kinauupuan.

"Leisha Dianne Fernandez, 17 years-"

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now