Perfect 24: Hugot Part Two

Start from the beginning
                                    

"Sinabihan mo na manhid ako pero hindi mo ba nakikita sa sarili mo na mas manhid ka?"

Nakakatitig lang si Hunter sa kanya. Parang pinag-aaralan 'yung mukha ko. Parang hinihintay na lang niya ang pag-iyak ko. Alam ko, gusto niya makita. Alam ko pagtumulo na 'yung akin, it means it's over. Na may nararamdaman na talaga ako sa kanya.

Alam ni Hunter 'yon, two years kami magkasama. Hindi ako 'yung tipo na iiyak at the same time magsasabi ng seryoso na salita. Ilang minuto din sila nananahimik ng sinagot si'ya ni Hunter.

"Ayoko magkamali." Sagot nito sa'kin. "Dahil pwede ngayon pipiliin mo ako pero pag iniwan ko na ang lahat para sa'yo bigla magbabago ang isip mo at tumakbo papunta sa kanya."

"God, Hunter! I'm not her!"

"It's the same thing." Mahinang tugon nito sa sigaw ko. "Ganitong ganito 'yung nangyari samin dati. Pareho na pareho, babae. Pinili niya ako noong una, akala ko sigurado na din ako sa kanya. Pero nung nagpropose ako sa kanya sa harap ng maraming tao saka niya ako iniwan. Saka niya napagisip-isip na mali 'yung desisyon niya." Lumapit si Hunter sa'kin at nakatitig sa mata ko. Mukhang nasasaktan sa sinasabi niya para bang bago padin 'yung nangyari sa kanila ni Josa. "Natatakot ako baka magkamali ka sa desisyon mo kapag ako pinili mo. Natatakot ako na baka iwanan mo din ako kautlad niya. Dahil si Garreth 'yan, babae. Si Garreth ang kalaban ko sa'yo. He won't give up hanggang sa makuha ka niya."

Tinulak ko si'ya para mapalayo sa'kin ng konti. "Gago ka pala, eh! Lahat naman tayo natatakot magkamali. Ako? Natatakot din ako, Hunter! Hindi lang halata! Bakit sa tingin mo tuwang tuwa ako sa pinag gagawa natin tatlo? Sa tingin mo madali mamili? Natatakot din ako na baka pagsisihan ko din 'yung magiging desisyon ko!" tinitigan ko si'ya ng matalim.

Hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak. Paulit ulit ko na sabi sa sarili ko.

"Habang ako pinag iisipan ko kung sino sa inyo? Ikaw? Tinitimbang mo pa samin ni Josa kung sino din samin? I hate you so much!"

"Mahirap umasa. Masakit. 'Yung nahuhulog ka na sa kanya akala mo nahuhulog na din si'ya sa'yo pero bandang huli. Wala lang pala sa kanya 'yon."

Natawa ako ng mapakla. Seriously?!

"Lalaki ka ba talaga? Ha? Sige, Hunter, sabihin na natin na lalaki ka." Itinaas ko ang dalawang kamay ko at pinkita sa kanya. Ikinorte ko ito na pabilog para makita niya. "Nakikita mo'to? Lalaki ka pero wala ka nito." Sabi ko. "Wala ka nito, Hunter. Dahil wala kang balls!"

Natulala si Hunter sa sinabi ko at nakatingin lang sa kamay ko.

"Nasusukat 'yung pagkalalaki ko dahil sa natatakot ako? Ashley, tao lang. May kahinaan din. Kung ikaw 'yung nasa pwesto ko, kung ikaw ang nakaranas ng pinagdaaanan ko. Gagawin mo din 'yung ginagawa ko ngayon."

"I'm not an idiot like you, Hunter!" sigaw ko. "Hindi tayo magkapareho, hindi ako ikaw at lalong hindi ako matatakot na sabihin kung ano ang nararamdaman ko. Naguguluhan din ako katulad mo. Pero hindi mo ako katulad na stuck padin sa nakaraan pagkalipas ng napakaraming taon!"

Mukhang nasaktan si Hunter sa sinabi ko. Pero hindi ako nagsisisi, he needs to hear the truth. Umiikot padin ang mundo niya kay Josa, gayon' alam niya pinagpalit si'ya nito. Sino ba lalaking magpapakatanga ng ganyan? Siya lang!

"Ano masakit ba marinig 'yung katotohanan?" sabi ko nanaman sa kanya.

I want to hurt him. Gusto ko din maramdaman niya kung ano 'yung nararamdaman ko ngayon. Kung ano 'yung nasa isip ko.

"Oo," sagot nito. "Naguguluhan din ako katulad mo. Pero alam mo, babae? Mas gusto kita piliin kesa sa kanya. Gusto ko paniwalaan 'yung sarili ko na hindi si'ya naghihintay sa'kin. Para maranasan niya din 'yung ginawa niya sa'kin. Para maramdaman niya kung gaano kasakit 'yung nangyari. Pero may parte sa'kin na ayoko si'ya iwan dahil alam ko 'yung magiging pakiramdam."

Napaluhod si Hunter sa harap ko at napahawak sa binti ko. Anong ginagawa niya? Bakit niya sinasabi sa'kin ngayon ito?

"Bakit?" tanong ko. "Bakit mo sinasabi sa'kin ngayon ito? Bakit? Gusto mo piliin ko si Garreth? Bakit, Hunter? Parang noong isang araw lang okay pa tayo. Pinagseselos mo pa ako. Kanina lang sa horror house, ang saya pa natin. Kaya bakit? Gusto mo din ba ipaalala ko sa'yo na hinalikan mo ako?! You freaking kissed me!"

May sinabi ba si Josa sa kanya? Nag away ba sila? At nabrain wash si'ya nito? Eh ang landi landi naman pala ng Josa na 'yan eh! H'wag na h'wag si'ya magpapakita sa'kin ngayon dahil uubusin ko talaga 'yung buhok niya.

Isa pa si'ya. Kung hindi lang si'ya lumandi dati, sana okay ang lahat ngayon. Sana hindi ko nakilala si Hunter. Sana wala akong nararamdaman na ganito. Pak shet!

"Sorry," ayan lang ang sinagot niya sa'kin at lalong napayuko. Mukha na siyang umiiyak habang nakaluhod padin. "Sorry kung nadadamay ka. Gusto kita, babae."

Pero naaawa si'ya kay Josa? I get it. I freaking get it. Bakit kahit sinaktan na si'ya nito, hindi niya padin magawa gawin dito kung ano 'yung kawalanghiyaan na ginawa sa kanya ni Josa dati.

"Gusto kita at gusto ko din manalo."

"Pero paano si'ya, right?" I said.

Napaatras ako para hindi na nahahawakan ni Hunter 'yung binti ko.

Wala si'yang sinagot sa'kin.

"Edi itigil na lang ito!" sigaw ko. "Simpleng simple lang 'yan, Hunter! Ibalik mo na lang ako. O ipakidnap kay Garreth para matapos na 'yung paghihirap mo!"

Tumingala si'ya sa'kin at namumula ang mata niya. "Hayaan mo lang ako mag-isip.. Please.."

"Ang kapal ng mukha mo! Ikaw pa gang mag iisip ngayon? Sino ba nanliligaw satin?! Ako ba?!"

"Just go, Ashley.. Iwanan mo muna ako ngayon..." Pagmamakaawa pa nito sa'kin.

"Wala kang karapatan utusan ako! Dahil magwo-walk out ako kung kailan ko gusto! Bakit mo ako pinapaalis? Dahil natatakot ka nanaman masaktan dahil sa mga pinagsasabi ko? Guess what? Wala ka talagang balls, Hunter!"

"Oo, naguguluhan ako ngayon. Pero h'wag tayo mag usap habang galit ka. Babae, it's easy to lose the argument than to lose you forever."

Pumalakpak ako. I can't control my emotion. I can't. Gusto ko ibuhos ngayon gabi. Gusto ko na umiyak pero ayoko ipakita sa kanya.

"Bravo! Kausapin mo sarili mo."

Tumalikod ako at naglakad at lumingon nanaman sa nakaluhod na Hunter sa harap ko.

"And guess what again? May forever! Forever akong mawawala sa'yo!"

************************

Sa mga nagsasabi stress reliever nila itong story ko, salamat salamat! Sa ngayon, mastress muna kayo. Hahaha. Mwah!

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now