About Time.

23 4 6
                                    

They say it's a blessing kapag umabot ka ng edad na 60. Kasi sa panahon natin ngayon, bago na ang lifestyle, kaya umiiksi na din ang lifespan ng tao. Ilang beses na din akong nawalan ng mahal sa buhay na wala pa sa edad na yan. Ang masakit nga wala pa sila kahit man lang umabot ng 30. Nakakalungkot pero ganun talaga siguro yung oras nila sa mundong ito. Until we meet again na nga lang talaga sa langit.

"Hoy, madam, ano yang ginagawa mo? Muni-muni lang ang peg?", ani Lenlen, isa sa mga taga repack at sorter ko dito sa aking munting business na pagreresell ng mga kung anu-ano na lang.

"Wala naman, nag-lilista lang ng mga kailangan. Kung tapos na kayo diyan, pwede na kayo mag early out, kalma kalma din pag may time. Willing to wait naman ang mga buyers natin e", sabi ko.

Nahuli niya kasi akong masyadong busy dito sa aking listahan. Busy kasi ako ngayon na ayusin yung mga bagay na naisulat ko na dito sa aking "To-do list: Before September Ends".

Marahil nagtataka kayo sa kakaibang to-do list kong ito. I started this one, six months ago siguro. Bigla na lang kasing ipinakita sa akin ang katapusan ng mundo. Oo. Nanaginip ako na sa darating na katapusan ng September ay katapusan na rin ng mundo. Ilang beses na ding sinabi noon na mag-i-end of the world na. Pero buhay pa naman tayo, buo pa din naman ang mundo. But this time, I know na ito na talaga yun. Maraming pinakita sa panaginip ko na signs at events na recently ay naganap nga.

Kaya naman pinipilit kong matapos na magawa ang lahat ng nasa bucket list ko. Para sa akin at sa lahat ng taong mahal ko.

Ano'ng araw na nga ba ngayon? Nasa ika-28 na araw na pala ng Setyembre ngayon. Kaunti na lang ang oras na nalalabi.

Masaya ako na nagawa ko,namin, ang mga bagay na plano namin kahit sobrang rush at kapos sa preparasyon.

"My, busy ka pa ba dyan? Hinahanap ka na kasi ni Jayce, nagugutom na yata," ani Royce ng lumapit sa akin kasama ang aming anak na si Jayce, 7months old.

"Ay, namiss na agad ako ng baby na 'yan. Wait na lang po, magclean up lang si mommy tapos sunod ako sa inyo ni Daddy sa kwarto ha. Muahh", sabi ko sa aking anak at pag tapos ay naglinis na nga ako.

Ikinasal kami ng aking boyfriend for 4 years, noong nakaraang buwan. And yes, tama kayo, nasa bucket list ko ito. Plano namin na ikasal next year, February, isasabay na lang sana namin sa 1st birthday ng aming Unico Hijo. Pero dahil nga nalaman kong malapit na magtapos ang lahat ay pinilit kong maipush namin ang aming dream wedding this year. Pumayag naman si Royce sa plano ko, DIY ang lahat at humingi lang kami ng kaunting tulong sa mga kaibigan naming nasa industriya ng Events Management.

At kung tatanungin ninyo naman ako, kung ano na ang nasa bucket list ko para sa nalalabing mga oras, 24 hours to be exact.
Here's the list:

° Magbonding kasama ang pamilya naming mag asawa. (Dine-out with our parents and siblings)
° Magpamigay ng food packs sa mga homeless. ( Nakagawian na namin every year-end, since naging magbf-gf kami)
° Netflix and Chill.

Ito na lang ang laman ng aking bucketlist, yung iba ay nagawa ko na at patuloy ko pa ding ginagawa. Tulad ng ipagluto si Royce ng paborito niyang ulam at merienda. At iready ang solid food ni baby.

Nakakalungkot lang na kung kailan kami bumubuo ng sarili naming pamilya ay saka pa darating ang pagtatapos na ito. Ang sakit na mawawala ang lahat ng ipinundar naming dalawa. Di man lang namin masasaksihan ang paglago ng buhay ni Jayce. Sa aming mga murang edad ay mawawala na kami.

Kinabukasan, ay pinilit kong magawa ang 1st & 2nd sa aking bucketlist.
September 29, 2022
Time Check: 08:30pm

Natapos na kaming kumain at oras na para magpahinga.

"Daddy, nakaisip ka na ba ng immovie marathon natin?" tanong ko kay Royce. Hilig na talaga namin na paminsan ay magbabad sa movie.

"Ay, oo, Mommy, madaming classic na action movie ngayon sa Netflix. I-ready ko lang yung snacks natin tapos sunod na ako sa inyo ni baby sa kwarto," sagot niya. At tumango lang ako.

Gusto ko lang na matapos man ang araw na ito, magkakasama pa rin kaming tatlo. Magising man kami na wala na sa aming katawang lupa ay magkakasama pa rin kami. Sa paano mang paraan gumunaw ang mundo, ay makakaya naming tiisin dahil magkakasama kaming tatlo, na buo ng pagmamahal sa isa't-isa.

"I love you, Daddy and Jayce".

"I love you, too, Mommy and Jayce".

"Always."

"Forever."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
About Time: When September EndsWhere stories live. Discover now