"Ate Trish, what you two had can't be replaced easily. What you had is different. Kitang kita naman kay Kuya Uno na mahal ka pa din niya, siguro may mga hesitations lang siya at 'yon ang kailangan mong alisin. You need to assure him. O, malalate na ako, fighting lang! "


UNO'S POV

"O" he handed me a bag. "


"Nandyan pa siya?" Tanong ko.

Ngumisi siya na mapang asar. "Alam mo Uno, hindi din kita maintindihan. Nandyan na si Trish oh. Bakit pinahihirapan mo pa sarili mo?"


"Ayaw ko lang masaktan ulit."



"Hindi ka ba lalong nasasaktan diyan sa ginagawa mo? Mukhang araw araw nandito 'yong tao ah." Tumango lamang ako."May mali si Trish, sige given na 'yon pero nasaan na ang Uno na risk taker? Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Kung iiwan ka niya ulit pag may dumating na pag subok then that's it. Wag mo ipag damot sa sarili mo maging masaya. Kitang kita ko naman kung gaano ka kasaya noon kay Tricia. And mahal na mahal mo siya wag mo ng subukan pang i-deny."


Sila talaga ni Ate Aiks ang may sense na kausap in situations like this. Alam na alam nila ang dapat sabihin without taking sides.



"Take the risk, Uno. Sige ka baka dahil diyan sa takot na yan may magmahal na iba kay Trish. Alam ko na alam mo na hindi siya mahirap magustuhan. Marami lamang talagang kontrabida sa love story niyo pero ideal girl pa din siya. Tandaan mo yan." Tinapik niya pa ako sa balikat bago nag paalam." Mauna na ako sa conf room sumunod ka after mo kumain."

Sa loob ng isang buwan lagi ko siyang nakikita. Ang aga niya lagi sa opisina para maghatid ng breakfast. Kahit hindi ko siya pinapansin bumabalik pa din siya sa tanghali para maghatid ng lunch at ganoon din sa meryenda. Sa hapon nadadatnan ko pa din siya sa baba para mag bigay ng dinner. Minsan pa sa dami ng ginagawa ko, ginagabi na akong umuwi. Nakakatulog na siya sa lobby sa kahihintay. Naguguilty man ako pero hinahayaan ko lamang siya.




Pilit kong itinatago sa sarili ko pero masaya ako na nakikita ko siya umaga pa lamang. Tulad ng dati natutunaw at tinatamaan pa din ako sa mga ngiti niya. Mahal na mahal ko pa din talaga siya. Siya pa din talaga.






Nakangiti akong pumasok sa building ng opisina. Luminga linga pa ako sa paligid ngunit wala ang taong bumubuo ng araw ko. Wala si Tricia. Hinayaan ko na lamang at kinalma ang sarili ko. Baka tinanghali ng gising. Sure mamayang lunch dadating 'yon. Ngunit lumipas ang tanghalian ay wala man lamang akong natanggap na tawag mula sa receptionist para itanong kung paaakyatin ba siya o sasabihin na wala ako. Lumipas ang oras wala akong natanggap na tawag galing sa baba. Past 6PM na ako umalis ng opisina ngunit wala pa din akong nasilayan na Tricia sa pagbaba ko ng lobby. Habang naglalakad ako pauwi ng apartment ay naisip ko na baka napagod na siya. Baka nag sawa na.




I am almost ready to sleep pero hindi mawala sa isip ko kung bakit hindi pumunta si Tricia sa opisina kanina. Hindi ako mapakali. Baka naman may nangyari sakanya on the way to the office? Hindi wala 'yon nag sawa na 'yon. Pilit kong kinakalma ang sarili ko ngunit hindi ako makatulog kaya minabuti kong tawagan si Jill.


Jill: Hello, napatawag ka.

Me: Nag hahanap lamang ako ng kawentuhan. Kumusta ka sa work mo?

Jill: Ah. Talaga ba? O baka naman gusto mo lamang malaman bakit walang naghatid ng pagkain sayo today?

Me: Ha? Hindi ah.

Pero deep inside 'yon naman talaga ang dahilan kung bakit ko siya tinawagan. Gusto ko malaman kung okay lang ba si Tricia. Pero hindi ako dapat mahalata ni Jill.


Jill: Okay sabi mo e.

***Silence***

Jill: O, akala ko ba naghahanap ka ng kakwentuhan? E bakit natahimik ka na dyan. Aminin mo na kasi gusto mo malaman bakit hindi pumunta sa opisina mo si Ate Trish, today. Kunwari ka pa. Pabebe ka din e.

Me: Hindi nga sabi e. Sige na by-

Jill:Nakipag date si Ate Trish.

Me: Ano? Nakipagdate? Kanino?

Jill: Sabi ko na nga ba. Kunwari ka pa gusto mo naman talaga malaman. Oo, nakipag date siya. Nakipag date sa alak. Isang buwan ka na daw kasing nililigawan pero hindi mo pa din siya pinapansin.

Nakikinig lamang ako sa sinasabi ni Jill.

Jill: Broken hearted na daw siya. Ayun, bumili ng alak. Nasobrahan. Nalasing. Hindi makabangon para hatidan ka ng pag kain. Inatake pa ng hyperacidity kaya lalo ng hindi nakagalaw

Me: Bakit kasi uminom? Alam naman niyang bukod sa mahina siya sa alak e bawal sakanya.


Jill: O, concern yarn? Ayaw ayaw ka pa ha. Ewan ko sayo. Ewan ko sainyo.

"Jilllllllllll!"

Mag sasalita pa lamang sana ako ng marinig ko ang sigaw na iyon sa background. Sure ako na si Tricia 'yon.


Me: Hello, Jill. Anong nangyari?

Pero wala na ako narinig na sagot mula sakanya. Naputol ang tawag. Mukhang may masamang nangyari sa lakas ng sigaw ni Trish. Parang baby pa naman 'yon pag nalalasing lalo na pag inaatake ng hyperacidity niya. Paalaga.



Hahayaan ko na lamang sana pero hindi din ako mapakali. Bumalikwas ako sa kama at nag suot ng jacket. Alam ko naman kung saan ang apartment ni Jill. Baka kung ano na nangyari. Paalis na sana ako ng maalala ko na dalhin ang medicine kit na binigay niya. Kasama iyon sa sa lunch bag na ibinigay niya noong isang araw. Lahat na yata ng gamot ay nandito.


Hindi kalayuan ang tinutuluyan nila ni Jill. Lakad takbo ako at hingal na hingal pa ng nag door bell sa tapat ng unit nila. Nakailang pindot pa ako bago ako pinag buksan.


"O, bakit nandito ka?" Tinawanan niya pa ako nang mapang asar. "Hindi ka nga concern. Wala ka ngang pakialam. Tingnan mo o, pawis na pawis ka pa."

Hindi ako makasagot dala na rin ng hingal.

"Pasok. Baka ikaw ang gamot."

AlwaysWhere stories live. Discover now