I used my MTT 420RR: color black, sumakay na ako at nagsuot ng helmet bago mag maneho. Ilang minuto nakarating na rin ako sa school the Wolverhampton International School. Pagkarating ko naramdaman ko na tinginan ng mga tao, hindi ko na pinansin.

"Good Morning, Ams!" Reese greeted me and extend her arms widely.

"Bakit binagsakan ka nanaman ng lupa, Amari?" Haven said.

They are my friends, Reese Alexia Martin and Haven Francis Benitez.

"Wala ako sa mood." I plainly said.

"Ngayon ka lang ba wala sa mood? Palagi ‘no!" I rolled my eyes, well totoo naman.

They are my childhood friends pero nung una magkakaaway kami, paano muntik na ako saksakin ng lapis nung isa noon.

"Girls, ang cute ng crush ko." Reese said na halatang kinikilig pa, may pa hawak-hawak pa sa pisngi niya.

"Pang ilan ba 'yan sa mga crush mo?" I heard Haven asked Reese, tinaasan naman niya ito ng kilay.

"Duh, one lang siya because she's my one and only." Napangiwi naman mukha namin, corny kahit kailan.

"Tigilan mo 'yan, naninindig balahibo ko sa'yo." I said at inirapan lang ako.

"Ang hilig niyo talaga kumontra kaya hindi ako magtataka kung tatanda kayong dalaga," we shook our heads.

"At least hindi kami magiging corny, right, Ams?" Haven said.

"Sus, 'yan? Mukha bang magkakaroon ng interest sa iba, pasok na nga 'yan sa pagiging madre." Reese said and laugh.

"Buti alam niyong wala akong oras diyan." I said in a bored tone, they shrugged their shoulders. We were walking suddenly a random girl bumped me.

"Sorry po," paghingi niya ng tawad at agad umalis, I was stunned for a moment because of her voice.

"Nakita niyo ‘yon?” I heard Reese asked us.

"Alangan may mata ako." Haven answered her at sinamaan siya ng tingin ni Reese.

"Tama na 'yan, bilisan niyo baka mahuli tayo." Agad kaming naglakad papunta sa room namin.

"Gutom na ako." Reese said, hindi ko nalang pinansin.

"Hoy, nagugutom na ako." Kalabit niya pa sa amin.

"Hindi niyo ba ako papansinin?" hindi ko na siya inintindi dahil masyado akong focus sa klase, mahirap na kapag bumaba ako.

"What's the commotion there, Ms. Martin?" our prof asked her.

"Gutom na raw po si Amariah." Sabi niya na agad kong kinagulat. Bigla akong tumingin sa kaniya at pinanlakihan ng mga mata, nag patay malisya lang siya.

"Ang ingay mo Reese sa susunod papalsakan na kita ng duct tape." Reklamo ni Haven sa kaniya.

"Ehh, ayaw niyo ako pansinin at nagugutom ako." She pouted.

Tahimik lang ako habang sila halos mag away na, papunta na kami ngayon sa cafeteria.

"Tahimik ka nanaman, baka nakikipag usap kana sa mga kaluluwa ahh." Reese joked around.

"Tigilan niyo nga ako ngayon." I said, and they both shut their mouth.

Nang makarating na kami agad kami humanap ng mauupuan, buti maraming bakante. Nag order na sila at nang dumating agad na kami kumain.

"Ang takaw mo, bibitayin kana ba mamaya?" tanong ni Haven.

"Gutom nga ako, 'di ba?" naiinis na sabi ni Reese.

"Gayahin mo si Ams parang dinadasalan 'yong pagkain." I gave her a cold stare.

"Huwag niyo 'kong madamay-damay." Nag peace sign naman siya.

Lumipas ang oras hanggang sa mag-uwian na, nagpaalam na ako sa kanila gano'n din silang dalawa. I check the time, 4 p.m palang, sumakay na ako at nag maneho papunta sa park.

Nang makarating na ako tinanggal ko ang leather jacket ko at umupo sa ilalim ng puno. Nanonood lang ako sa mga tao na nandito suddenly, may nakita akong bata na tinuturuan ng tatay niya mag bike, I smiled.

"Minsan hindi mo maiiwasan tanungin bakit masaya 'yong iba pero ikaw hindi?" May narinig akong nagsalita sa tabi ko, isang matandang lalaki.

"Anak, alin ka sa dalawa?" tanong niya sa akin, I sighed.

"Hindi ko po alam."

"Hindi kita huhusgahan pero sa nakikita ko mukhang malaki ang hinaharap mo." Tumingin ako sa dibdib ko, hindi naman malaki e.

Ito talaga si manong trippings masyado.

"Kapag may dumating sa buhay mo na babaguhin lahat, sana ingatan mo dahil hindi mo alam kung kailan 'to mawawala." I nodded, titingin sana ako pero biglang nawala, napansin ko maggagabi na kaya mabilis akong kumilos para makauwi.

Nang makauwi ako agad akong pumasok sa loob, paakyat na ako ng hagdan nang may narinig ako.

"You're late, Amariah. Gawain ba 'yan ng isang babae?" I heard dad asked me.

"Sorry po."

"Stop, I don't want to hear your stupid apology, you disappoint me again." He said sabay umalis, huminga ako ng malalim at agad umakyat papunta sa kwarto ko.

Wala naman bago, lahat naman ng ginagawa ko, palaging mali o kulang para sa kaniya.

Sunsets: Loving You; My Escape Where stories live. Discover now