Chapter 1

236 7 0
                                    

Mahika

"Cassy!" Hingal na nilapitan ako ni Bryan.

Ilang akong nilibot ang tingin. Nasa gitna kami ng quadrangle at halos lahat ng atensyon nasa amin.

"Bilis mo naman maglakad?" napatawa siya habang naghahabol ng hininga. Tumutulo ang butil butil ng pawis sa gild ng ulo niya at mamula mula ang pisngi dahil sa init.

Lunch break namin ngayon at tirik ang araw. Pareho kaming nakasilong sa payong ni Andrea habang si Brian ay nakabilad sa sikat ng araw.

Palihim ako na sinisiko sa tagiliran ni Andrea at rinig ko ang mahinang hagikhik niya.

"Bryan?" Nahihiya kong pagtawag. "B-bakit?"

Hanggang ngayon ay nagtataka parin ako kung bakit sinusundan sundan niya ako bigla. Ikalawang linggo niya na to at hindi parin ako makapaniwala na tumagal siya ng ganito sa akin.

Si Brian ang isa sa varsity players ng Engineering department. He's 3 years older than me, kung pano niya ako nahanap? Yan ang di ko alam. I don't even know na alam niya palang I exist in this world. Ni hindi nga kami nagkasama sa isang kampus dahil sa layo ng agwat ng edad namin.

Nung nag high-school ako, nasa first-year college na siya. Now, I am at 4th year high-school, siya naman nasa 4th year na sa kanyang kurso.

"Ibibigay ko sana to sa'yo.." iniabot niya ang isang paper bag.

Lito kong tinignan ang kulay pink na paper bag, medyo may kalakihan eto. "Para saan to'?"

"Para sa'yo.. gift ko." Naka ngiti niyang sagot.

"Hindi ko naman birthday ah?" Ngumuso ako.

He chuckled to my reaction. Pinisil niya ang pisngi ko dahilan para makaramdam ako ng init sa magkabilang pisngi ko. Oh god, I can't be blushing right now! Nakakahiya.

"You're so cute and innocent.." ngumiti muli siya.

"A-ano.." nangangapa ako sa sasabihin. "Nakakahiya.. pang.. 14 mo na tong bigay sa akin." mahina kong sabi para hindi marinig ng mga dumadaan ang pagiinarte ko sa gwapong kaharap ko ngayon.

Naiimagine ko na ang di mabilang na pangaasar nanaman mamaya sa classroom!

"Oo nga noh?" siya naman ngayon ang ngumuso. Wag ka naman sana magpapacute ngayon! Tirik na tirik ang araw oh! Geez!

"At pang 14 na din to pag tinanggihan mo pa ang pag alok ko sa'yo ng dinner.." dagdag niya.

"Ano kasi.." napakamot ako ng ulo. "Di ako pwede umalis. Hindi ako nagpaalam sa parents ko."

Kung ibang babae to hindi na kailangan magisip pa dahil kusang sasama na agad kay Bryan. Di ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para magpakipot ng ganito, marahil nagiingat lang din ako.

This guy in front of me is just too good to be true. And everybody knows it. He just can't barge into my life and instantly ask me on a date. Hindi ko nga alam kung paano niya ako nakilala! I don't even know kung ano ang pumasok sa isip niya at inalok bigla makipag date. For pete's sake! He's a college student at ako isang hamak na highschooler. He should be dating girls his age, not me. And I find it so weird.

"Sige na? Please?" Paglalambing niya pa.

Sinilip ko ang sikat ng araw. Kanina pa siya diyan naka tayo in his usual white polo uniform, his I.D lace tucked in nicely in his collar and black slacks along with his black shoes. Mamula mula ang pisngi, pawisan pero naamoy ko parin ang napaka bango niyang pabango.

The PLAYlistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon