"Wala akong pakialam," he grumbled annoyingly before trying to get close to her nipples again. 

"Yohan!" naggalit-galitan na siya ngunit hindi siya nito pinansin at bumalik na naman sa ginagawa nito sa dibdib niya. "Yohan! Kuya mo ata nasa labas!" ika niya na agad namang nagpabalikwas ng tayo dito. Mabilis itong napalingon sa may pintuan habang siya naman ay nagmamadaling umupo at hinanap ang mga damit niya. 

She quickly picked up her clothes but she suddenly let go of them again when she heard a loud bang from the door. Gulat siyang tumingin doon at nakita ang nakakunot na mukha ni Yohan habang nakatingin sa may pintuan. She then saw a shoe not far from the door. Mukhang binato ng lalake upang tumigil kung sino man ang nasa pintuan. 

"Alis!" malakas na sigaw ng lalake na nagpabigla sa kaniya.

"Pagpasensyahan niyo na po, ginoo. Hindi ko po alam na nasa loob po kayo." Sunod niyang narinig ang nanginginig na boses ng isang babaeng katulong na mukhang ang tanging nais lamang ay mabuksan ang silid na ito at makapaglinis na. She then heard her scurry away in fear. 

"Tsk. Istorbo," mahinang usal ni Yohan bago siya muling nilingon. Akma sana itong lalapit muli sa kaniya ngunit mabilis niyang pinorma ng sign of the cross and kaniyang dalawang braso.

"Ops! Wait lang! Diyan ka lang!" malakas niyang ika habang umaatras sa tuwing lalapit ito sa kaniya. Hindi niya nga lang na-realize kung gaano kangalay ang kaniyang mga binti dahil biglaan na lamang siyang napatumba. 

Bago pa niya mabantaan si Yohan ay mabilis na itong nakalapit sa kaniya. Tinulungan siya nitong makatayong muli habang siya naman ay namumula dahil na-realize niyang nakahubad pa silang dalawa. 

Dinidemonyo na naman ang utak ko!

"May masakit ba?" nag-aalala nitong tanong sa kaniya.

Oo. Yung puson ko. Gusto pang magpa-refill. 

"Wala," mahina niyang sagot habang binabatukan ang sarili sa utak niya. Pilit niyang tinanggal ang pagkakahawak nito sa kaniya at muling lumayo.

"Bakit iniiwasan mo ako?" nakakunot-noong tanong nito sa kaniya. "Is it because of that bastard? Bakit hindi mo sinabi sa akin na pinupuntahan ka pala ng gagong iyon dito? Itatanan ka na ba niya?" sunod-sunod na demand ni Yohan.

Akma sana itong lalapit muli sa kaniya ngunit kinuha niya ang isang maliit na unan sa may sofa at binato iyon sa lalake. "Teka nga! Magbihis ka muna at nadi-distract ako diyan sa lawit mo!" Namumula siyang lumayo at tumalikod sa lalake habang maingat na sinusuot pabalik ang mga damit kagabi. Buti nga at narinig niya ang pagbibihis rin nito. Nang masiguradong tapos na ito ay saka na siya humarap muli dito.

"Happy?" he asked while motioning his clothed self. Tumango siya ngunit narinig niya itong bumulong. "Naiilang ka ngayon pero makanganga ka kagabi . . ."

"Ay piste ning yawaa!" inis niyang sigaw sabay pulot ng panibagong unan at binato sa lalake.

Natatawang sinalo ni Yohan ang binato niya at siya naman ay napahinto dahil sa nakita. It has been a long time since she last saw him smile genuinely to her. It was so refreshing. Mukhang napansin naman ni Yohan ang naging reaksyon niya dahil napahinto ito sa pagtawa at tinitigan rin siya. 

Maya-maya ay bahagya itong ngumiti at binuksan ang dalawang braso. Wala ng tanong-tanong na nilakad-takbo niya ang pagitan nila at niyakap ito. Binaon niya ang mukha sa may dibdib nito habang si Yohan naman ay paulit-ulit na hinalikan ang tuktok ng ulo niya. Mas hinigpitan pa nito ang pagkakalingkis ng braso sa kaniyang beywang. Halos maiangat na nga siya nito mula sa lupa.

"I miss you," he whispered. 

"I miss you too," naiiyak niyang sagot dito. Agad namang hinalikan ni Yohan ang kaniyang mga mata na naghihilam. 

There and then, she realized that nothing changed. Sila pa rin ang dating college sweethearts na hindi malayo-layo sa isa't-isa. Sila pa rin ang dating Yohan at Apple Pie na parang aso't pusang nag-aaway pero at the end of the day ay magbabati. Sila pa rin yung dalawang barely-adult teenagers na ang raming plano sa future. 

Kahit gaano katagal na hindi sila nagkita o gaano kalayo nila sa isa't-isa na kahit nga panahon na tinitirhan nila ay magkaiba, hindi pa rin maipagkakaila na sila pa rin ang dalawang taong nagmahalan ng lubos sa isa't-isa. 

Apple Pie and Yohan forever, ika nga nila noon. This time ay sisiguraduhin na niyang walang hahadlang sa kanila.

Kahit na pakiramdam niya ay maiiyak siya ay pinilit pa rin niya ang sarili na magkaroon ng lakas ng loob. "Yohan . . . kailangan mong malaman kung anong nangyari noon," ani niya ngunit ang determinasyon niya ay biglang nawala nang makita ang seryosong mukha ni Yohan.

"I don't want to talk about it," he said firmly.

"Pero-" alma niya ngunit mas sumama ang mood ng lalake. Dahil sa nakita ay pinili na lamang niyang itikom ang bibig.

"I said I don't want to talk about it," mas mariin nitong ika.

But how would you know the truth if you don't even want to listen?

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Där berättelser lever. Upptäck nu