"Gago ka ba?!" Gusto ko na lang siya sapakin. Naiinis na kinuha ko yung susi ng sasakyan at pasalyang inabot 'yon sa babaeng 'to. "Ayan, lamunin mo."

Napailing siya ngunit hindi naman na sumagot pa. Maigi. Kahit ano yatang sabihin niya, ikakainis ko.

Hindi ko rin naman alam kung anong problema ko at nagkakaganito ako, basta naiinis ako sa kanya at ayoko siyang makausap kasi magiging ganito lang. Simula ng makilala ko si Eris, parang ang dami na talagang nagbago at nangyari. Nawala na yung kagustuhan ko na tapusin ang college ng tahimik at walang ganap na ganito.

Wala kaming imikang dalawa habang nagmamaneho siya pero ganoon na lang ang pagtataka ko nang lumiko yung sasakyan sa ibang direksyon. Napamaang ako sa kanya. "Hindi 'to daan pauwi."

"I know."

"Akala ko —"

"Let's take a little detour," Putol niya sa anumang sasabihin ko. "Iuuwi pa rin naman kita. Your gas is enough."

Mahal kaya ang gasolina, saksakin ko 'to, eh.

Walang imik na hinayaan ko na lang siya lalo na nang magsimula nang lumamig ang ulo ko. Hindi rin naman ito daan papunta sa kanila, pero ewan ko rin kung saan niya ako gustong dalhin. Kapag dinala niya ako sa liblib ay talagang sasagasaan ko na lang siya.

"Galit ka ba sa akin?" tanong niya sa kalagitnaan ng biyahe.

Napatingin naman ako sa kanya pero diretso lang ang tingin niya sa daan at kalmado sa pagmamaneho. No'n ko napansin na mukha siyang pagod, parang ang dami niyang iniisip at walang paglagyan ang utak niya sa lahat ng iyon. She looked kind of tired but her eyes has a soft gaze.

"Saan mo ba ako dadalhin?" I asked instead. Kapag sinabi ko sa kanyang hindi naman ako galit sa kanya, ewan ko rin. Paano ko ie-explain kung hindi ko rin naman alam kung bakit? Basta naiinis lang ako sa kanya.

"Basta." she responded short.

"Malapit na ba tayo?" So far ay familiar pa rin naman yung dinadaanan namin pero hindi naman yung tipong nagagawi ako sa parteng 'to palagi.

Marami pa ring dumadaang mga sasakyan at highway road pa rin naman ito pero hindi gaanong traffic, still plenty of establishments on the side road and a bike lane as well. Sa gitna ng kalsada ay may mga display ng mga halaman, dividing the road in two where vehicles travel in opposite direction.

"Smooth naman ang biyahe," Saglit niya akong nilingon. "Mabilis lang tayo makakarating."

Tanginang sagot 'yan, napaka-diretso.

"Bored ka na ba? Let's play some music?"

Huminga ako ng malalim at tumango bago tumingin sa labas, pinapanood yung mga sasakyan at ilang mga taong nakikita kong naglalakad. The music started playing, I think she just randomly chose one.

Pinaglalaruan ko lang yung zipper ng bag ko habang nakatingin sa dinadaanan namin. Hindi ko ikakaila na nar-relax ako sa ganito. Just driving, not knowing where to go. Usually, alam ko lahat ng gusto at dapat kong puntahan. Planado na lahat sa akin, may schedule, may timing, may meaning. Pero dito kay Eris, ewan ko. Panggulo lang.

It's not like my brain's not rushing
Every time you get too close
It's not like I can't imagine
Losing myself in your arms

Hindi ko naman sinasabing panggulo siya all throughout, I'm not taking it all out in a bad light. Mabait naman talaga siya at considerate kahit sumasakit ang ulo ko sa kanya. She's genuine about liking me. Nararamdaman ko naman. Kahit lahat ng ginagawa niya, kino-consider niya ako hangga't maaari. She's also a nice friend, hindi lang sa akin kung hindi pati na rin sa iba. Kahit kina Ana ay mabait siya.

Discord (GL) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon