TPS 33: baliw na baliw

Start from the beginning
                                    

"So siya na ba ang maghahatid at susundo sa iyo?"

"Po?" si Yuan kasi ang naghatid sa kanya, sobrang saya nga nito ng mapapayag sya, sinabi rin nito na kung pupwede susunduin na siya nito araw araw.

"No po," naisip naman nya ang kanyang daddy, "and dad won't like the idea," nagkatinginan si Ali at ang kanyang mommy.

"But you like the idea right?" panghuhuli ni Clem sa anak na tila naputulan ang dila, lumilikot ang mata nito. Lumapit si Clem sa anak at hinaplos ang buhok nito. Tuwang tuwa kasi siya sa video na napanood, pupurihin niya si Yuan kapag muli niya itong nakita.

"Akala ko si Rapunzel lang ay may mahabang buhok. I didn't know that my daughter too." Nakangiti nitong sabi sa anak na hiyang hiya na sa nagaganap na interogasyon.

"Mommy."

"Ok, titigil na ako," napailing na lang si Ran ng umalis na ito papunta sa kusina, tinignan niya ng masama si Ali sa pagdaldal sa nangyari.

"Ang sarap kasing ikwento eh,kilig overload." Nakangisi na sabi nito, "bagay na bagay talaga kayo,siya sobrang bait, tapos ikaw," ngumiwi pa ito." Tatapusin ko ba?" painosenteng tanong pa nito sa kanya.

"So siya ang kaibigan mo at hindi ako?" Natawa na ito ng tuluyan sa kanyang sinabi saka biglang sumeryoso.

"Honestly, bagay talaga kayo, nakangiti ka kapag nandyan ka, hindi mo lang napapansin, kami oo, kitang kita, tell me Ran are you falling for him?" kahit na alam naman niya ang sagot, gusto nyang makarinig ng kompimasyon mula sa kaibigan.

"I'm- sleepy," binitin niya pa ang sasabihin kaya naman napanganga pa ito.

"Kapag may iniiwasang tanong biglang aantukin, excuse mo na lang yang sakit mo na yan no?" pahabol sa kanya ni Ali habang umaakyat siya sa hagdanan patungo sa kanyang kwarto. Ayaw mong tumigil huh?

"Ali?" huminto siya at nilingon ito.

"Yes?" nakangiti na tanong nito, pero napawi din yun sa huling sinabi ni Ran.

"Bakit hindi ka magtapat kay Dexter?"

.....................

"Sunduin kita bukas ng umaga tapos sabay tayo mag lunch, what do you think?" hopeful na sabi ni Yuan sa kabilang linya, nasa pool side siya. Nakababad ang kanyang mga paa. Hindi pa siya makakatulog kung hindi niya pa makakausap si Ran, saka masyado siyang hyper ngayong araw kaya nahihirapan siyang makatulog.

"Wag mo akong sunduin, dad won't like it, "naramdaman niya ang disappointment sa paghinga nito.

"Ipapaalam kita sa kanya," napangiti siya doon, malakas talaga ang loob nito para harapin ang kanyang daddy. Sa kanila lang kasi ito mabait, kapag sa iba, hindi niya masasabi. Sa kanilang ama nga siguro sila nagmana, bawat isa may ugali na nakuha mula dito.

"No, still, but I can join you and your friends sa lunch," it's about time to give him some real rewards, hindi naman masama na kilalanin nya ang Yuan ngayon at ang mga kaibigan nito. yung mga nagtitiis sa kalokohan nito. She wants to know him more, nakakahiya kasi na ito lang ang may alam tungkol sa kanya.

"Promise?"

"Promise!" ilang saglit pa ay nakarinig siya ng pagbagsak sa tubig at malakas na mura mula kay Yuan, galit.

"HYNE!!!" saka namatay ang linya. Napatingin siya sa kanyang cellphone, di niya mapigilan ang sarili na mag-alala.

What happened to him?

"Happy?" nagulat pa siya ng marinig ang boses ng kakambal sa may pinto, nakatayo ito doon at nakahalukipkip.

"Kanina ka pa?" tumango ito, nakatingin pa rin sa kanya, naghihintay ng sagot. Ngumiti siya dito, alam naman rin niya na nararamdaman nito na masaya siya. They are twins after all.

"Yes I am." Ngumiti na ang seryoso nitong mukha.

"That's good to hear, at least may isa sa atin na talagang masaya," matapos itong mag good night sa kanya ay umalis na ito. Nahihiwagaan talaga siya dito, ayaw nitong magkwento sa kung ano ang nangyayari sa buhay nito. He only feeds her clues. Nagiging misteryoso si Ren. She hopes that she can see him smile again.

Nahiga na siya sa kanyang bed, hindi naman siya makatulog dahil nawala sa linya si Yuan at may nangyari dito. She tried to call him but it was off. Muntikan niyang mabitawan ito ng biglang magring matapos ang ilang minuto.

"Hello"

"Thank God, gising ka pa," imbes na siya ang mag-alala ito pa ang unang nakapagsabi noon sa kanya,

"Yeah, what happened." Huminga ito ng malalim bago nagpaliwanag.

"My Tita Hyne, tinulak nya ako sa pool," naiinis na sabi nito," sinapian ng kabaliwan." She wonder kung bakit nasasabi nito iyon sa tita nito,

"So sa kanya ka pala nagmana?"

"Nang alin?" di makuhang tanong nito, niyakap ni Ran ang teddy bear na binigay ni Yuan.

"Ng kabaliwan, you told me she's crazy, so sa kanya ka nagmana?" napatawa ito sa kabilang linya. Kung gaano nag-eenjoy si Ran sa kanilang usapan, doble doble doon ang nararamdaman ni Yuan, he enjoys hearing her voice, kahit gaano kababawa, kataray o kahit binabara siya ng mga salita nito.

"Yes, I'm crazy indeed," pag-amin nito, "pero sa'yo lang naman ako baliw na baliw, ayaw mo ba?"

Napakagat labi si Ran dahil hindi niya alam ang kanyang isasagot.

I love you Ran!

Nanlaki ang kanyang mata ng aksidente nyang mapindot ang press me button ng teddy bear, kasabay noon ang malakas na halakhak ng baliw na lalake sa kabilang linya.

Napatay niya tuloy ang phone ng wala sa oras, dala ng sobrang kahihiyan.

.................................

The Princess's  Stalker (completed)Where stories live. Discover now