First

151K 1.5K 21
                                    

The Father Of My Baby


Flower in the Rain III


Written by: Pilyang Ulan

~First Chapter~

"Wwwooohhh! One! Two! Three!" Sigaw nilang magkakaibigan bago tinungga ang laman ng kaniya-kaniyang kopita ng alak.

Hindi ugali ni Charlotte ang lumabas sa gabi para mag-night out kasama ang ibang mga kaibigan, pero dahil sa imbitasyon ng isa niyang kaibigan mula noong college at isa ring balikbayan ay pinagbigyan niya ang mga ito.

"We are so partying tonight!" Malanding sabi ni Alena at inakbayan pa si Charlotte sa balikat. "Right baby girl?" Baling nito sa kaniya.

"Aha! Job well done baby girl!" Tugon naman niya sa matalik na kaibigan at naghagikhikan.

"Ay ewan ko ba sa inyo!" Inikutan sila ng mata ni Debrah, ito ang nag-imbita sa kanila lumabas ngayong gabi. "Ikaw Alena isa kang kunsintidorang kapatid at bestfriend, samantalang ikaw naman Charlotte ay head over heels sa kapatid mo! Sinira niyo ang relasyon ng mga kapatid niyo! Kalokang mga babaeng ito!"

"Oi oi Day! Correction hindi ko siya kapatid! Kasi hindi naman ako legal na adopted daughter!" Ani ni Charlotte.

"And besides hindi namin sinira ni Charlotte ang kanilang relasyon. We are even making them a favor! Diba baby girl?" Segunda naman ni Alena, na halatang parehas na silang lasing. Nag-apiran pa ang dalawa.

"I can love Sebastian better than Alena's sister!" Confident na saad ni Charlotte.

"Tsk! Mga gagang ito!" Tinawanan sila ni Debrah. "Ayst! Uminom na lang nga tayo! Na miss ko kayong lahat ang dami kong chikang na-miss! Anyways makapaghihintay naman yan! Let's just party tonight!"

"Oo nga! I am so happy that I want to dance all night!" Sabi ni Charlotte.

"Dance! Ooh I love dancing baby girl!" Hinila siya ni Alena pauntang dance floor habang nakasunod naman si Debrah sa kanilang likuran.

Ang ingay ng musika, lahat ng tao ay sumasabay sa indak ng tugtugin, mapababae man o lalake. Some couples are making out sa gitna ng dance floor, tsk! Why don't they just get a room.

Charlotte danced with the rythm, kasama ang dalawa niyang kaibigan, it feels so good! She swayed her hips just like an expert dancer, habang si Alena nama'y parang stripper kung sumayaw.

The hell they care it's their night! It's good to be wild sometimes! They drunk and danced as if there was no tomorrow.

Meanwhile...

"Pare tama na yan," awat ni Ben kay Sebastian na muling tutungga sana ng alak. "Lasing ka na pare!" Anito sa kaibigan.

Kibit balikat nagbuga ng hangin si Sebastian bago nagsalita. "Ano ba ang ginawa ko para iwan ako ni Zoe, Ben? Did I not love her the right way?" Puno ng hinanakit ang kaniyang boses. "Am I not more deserving than Vincent? Minahal ko siya, ni kahit minsan di ko siya nagawang saktan! Pvtang ina naman!" Hindi na niya napigilan ang pag-alsa ng boses at pinaghahampas ang mga baso at ang mga boteng alak, sanhi nakakuha ng atensiyon ng ibang tao at gumawa ng ingay. "All I did was to understand her! Love her! Ano ba ang pagkukulang ko?!" Napasabunot ito sa sariling buhok, he's hurt and so much devastated.

"Pare tama na. Kaninang hapon ka pang umiinom dito." Hindi alam ni Ben kung papaano at kung saan magsisimula para aluhin ang nasasaktang kaibigan. Maging siya man ay nagulat rin sa ginawa nina Vincent at Zoila.

"Bitawan mo ko!" Sebastian hissed in frustration and anger. "Tsk! Leave me alone!" Akamang tatayo sana ito ngunit agad din nawalan ng balanse at natumba sa marmol na sahig ng bar.

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon