Wala din si Travis sa sofa at inikot ko pa yong paningin ko pero wala talaga akong makita na Travis sa maliit na sulok ng bahay namin. Nasan si Travis?

Nagtatakang napalingon naman ako kay Anya.

"Wala si Tita, nagsimba. Linggo ngayon ah." Sabi niya sakin nang tuluyan na siyang makalapit kung san ako nakatayo.

"Pero -" Dagdag pa niya at saka siya tumingin sa may gilid, kung nasan yong maliit naming kainan. May nakita akong lalake, nakaupo, nagkakape.

Nakasuot ng suit and tie, mukhang mayaman at sosyal tulad nang sabi ni Anya. Matangkad nga din pero hindi si Travis 'to! Mas lalong hindi si Rush or Noah, mas lalong hindi din si mr Forger. Sa tingin ko ka-age ni Travis or mas bata lang ng kaunting taon pero sure akong hindi ko siya kilala at ngayon ko lang din siya nakita.

"Sino ka?" Nagtatakang tanong ko doon sa lalake'ng mukhang piangkape pa ni Anya pero bago pa siya nakasagot marahas na akong bumaling kay Anya! At para ipakitang galit ako, nilagay ko din yong dalawa kung kamay sa magkabilang gilid ng bewang ko.

"Sino siya?!"

"Hindi ko kilala Ate." Nauutal na sagot naman sakin ni Ate. Pinaningkitan ko naman siya nang mga mata.

"Hindi mo kilala pero pinatuloy mo dito sa bahy namin?!" At saka ako humakbang palapit sa kanya, pigilan niyo ako! Pigilan niyo ako babatukan ko talaga 'tong babaeng 'to! Napaatras naman siya sa kinatatayuan niya.

"Kilala naman daw niya Ate!" Nagpapanic na depensa naman ni Anya sakin. Napaawang naman yong labi ko sa pagtataka.

"Hindi ko siya kilala." Mahinahong sagot ko naman.

At doon na nga sumingit si Kuya'ng stranger sa usapan namin ni Anya.

"Miss Martinez." Napalingon tuloy ako sa kanya, since pinsan ko si Anya sa mother side, anak siya nang second cousin ni mommy, iba yong last name niya. So, ako lang ang nag-iisang miss Martinez sa bahay namin.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at saka naglakad palapit sakin.

"Alam ko magkarate!" Sabi ko agad sa kanya at saka ko pinagself depense yong dalawa kung kamay sa may harapan ko kaya napahinto siya sa paglalakad at nagkamot sa likod nang ulo niya.

"I'm Raffy Salvador." Sabi niya sakin at saka niya inabot yong kamay niya for shake hands pero hindi ko tinanggap.

"Hindi nga kita kilala!" Sagot ko pa sa kanya. May nilabas pa siya sa blusa niya kaya sabi ko kay Anya,

"Dito ka lang sa likuran ko."

"Ate sa tingin ko naman hindi siya gagawa ng masama, kanina pa siya nandito eh! At saka mukha siyang mayaman, wala siyang makukuha dito satin!"

"I am not here for that. I was sent by mr For -" At bago pa niya matuloy yong sasabihin niya nagkaron na ako agad nang idea kaya naman dali dali akong lumapit sa kanya at saka ko siya hinila palabas ng bahay para hindi marinig ni Anya yong usapan namin kasi sure ako na magkukwento yan kay mommy pag-uwi nun.

"Sinong nagpadala sayo?" Tanong ko nang makarating na kami sa harap nang gate namin.

"It's mr Travis Forger, miss Martinez." Seryosong sagot niya sakin at saka siya may kinuha sa may bulsa niya at inabot sakin. Calling card, binasa ko naman agad. So, andon yong name niya. Raffy Salvador. Contact number at dala-dala din niya yong company name ng mga Forger.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Mr. Forger sent me here for this." And then he showed me the brown envelope he was holding. I didn't notice that envelop earlier, ah! Pero di bale na nga.

The Substitute BrideWhere stories live. Discover now